Friday, February 29, 2008

Tapikin mo Siya at Yakapin nang Mahigpit

Hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari sa akin.

Lagi na lang akong nagkakaganito talaga. Nakakainis na nakalulungkot dahil hindi ko magawan ng paraan. Sasaya na ako, pero magkakaroon ako ng isang over-emotional sensitivity overload na pupuwersa sa akin para maging malungkot na naman. Masyado kasi akong naniniwala na maaari pang maibalik ang dati, ang dating maayos naman ang lahat, ang dating masaya kaming dalawa.


parang hindi na kasi maibabalik sa dati ang lahat
malay mo

Hindi ko na talaga alam. Napakatanga ko na marahil upang hindi maramdaman ang gusto kong maramdaman, samantalang ginagampanan naman niya ang kanyang nararapat na gawin, ayon sa isa kong kaibigang napalayo sa akin dahil na rin sa "problema" kong ito.

confidential un i trust you
oo nmn
gusto kong sabihin sayo kasi magiging unfair naman sayo
hindi ko lang sinabi agad dahil may problema ka
ah
salamat

Ewan ko na talaga. Hindi ko na alam. Nararamdaman ko na talaga na nagkakaroon na ako ng isa pang pagkatao, maliban sa tatlong pamamaraan ko ng pag-iisip. Ayon sa math, 2 pagkatao at 3 pamamaraan ng pag-iisip ay nangangahulugang 6 na posibleng pagsasama (2 x 3 = 6 kung hindi mo nakuha kung bakit). Ewan ko na talaga. Hindi ko alam. Hindi naman ako ganito, at baka nga nangangahulugang ngang hindi na maaaring maibalik ang dati. Isa ka kasing hangal. Tonto. Bulag ka pala, bulag.

naaapektuhan na ba kita?
medyo
sorry

masyado ba akong complicated?
mas complicated ka sa iba

Hay. Muntik ko pang ibagsak ang Dragon Blade kanina.

Nakakaiyak. Nakakaiyak. Hindi ko na talaga alam ang nangyayari sa sarili ko. Gusto ko nang tumalon patungo sa kawalan para maging malaya sa masakit na mundong aking ikinukumot sa aking sarili. Gusto kong lumipad at madama ang hangin sa aking mukha. Gusto kong humimpapawid at tumungo sa isang lugar kung saan masaya ang lahat. Katulad na marahil ako ng aking saranggola. Gustong nang maging malaya at maiangat ang sarili mula sa malungkot na lupa patungo sa yakap ng hangin na puno ng pag-asa, ngunit lagi na lamang may nangyayaring hindi kanais-nais kaya't laging nauudlot ang inaasam na tunay na ngiti sa labi.

Nakakaiyak. Isa akong taksil. Taksil sa iba, at taksil sa ibang taong mahal na mahal ko bilang mga kaibigan.


basta, ikaw ang best friend ko sa college
sorry
best friend mo pala ako pero ginaganito kita

Kaya naman nauuwi sa mga bagay na bumabaon sa iyong utak at dahan-dahang tumatarak sa iyong damdaming kababangon pa lamang mula sa isang masakit na pagkakarapa.

pede ba ulit akong maging kaibigan mo?
hindi ba kita kaibigan?
eh best friend?

pwede

gusto mo ba ulit akong maging best friend?
ikaw bahala
kahit ano ayos lang skin


Sawa na ako sa kaalatan ng aking mga luha.

Ngunit ako'y umaasa pa rin. Ayaw ko lamang ipakitang ako'y nananalig dahil hindi ko na kayang saktan ang aking sarili. Hindi ko na kayang yakapin ang aking sarili dahil na rin hindi ko na kilala ang aking sarili. Kasalanan kong lahat.


hindi mo kasalanan lahat rudolf
eh di kasalanan nino?
hindi ko alam, pero huwag mong isisi ang lahat sa iyo


Naduduwal ako dahil umiikot ang paningin ko. Hindi ko kasi alam kung umiikot ba ang mundo ko o kung ako lang iyon. Kailangan ko na talaga siguro ng antipara.

At hindi ko rin maipaliwanag nang mabuti sa aking sarili kung bakit ang isang tapik sa balikat ay mas matimbang pa sa dalawang oras ng patuloy na pakikipag-usap tungkol sa mga bagay-bagay.


Marahil, ito ang nabibigay sa akin ng lakas at tatag upang magpatuloy.

Pero baka ito rin ang dahilan ng pagkawala ng pagkabulag ko sa katotohanan. Hindi ko na alam. Siguro, nakikita ko na talaga ang katotohanan, ngunit binubulag ko ang aking sarili dahil ayaw ko nang masaktan.

Pero nauuwi rin ang lahat sa wala. Lahat ng mga paglaban ko, nawuuwi sa kawalan.

Kaligayahan, yakapin mo ako. Kung ako ma'y pinandidirihan mo, yakapin mo na lang siya nang mahigpit para sa akin.

Tapikin mo siya at yakapin nang mahigpit dahil hindi mo alam kung makikita mo pa siya bukas.

5 comments:

Anonymous said...

wow.. nakikilala ko na ang mga sinusulat mo. XD Blind item yan eh. ahaha.. anyway..

*pats* kung gusto mong yakapin ka ni kaligayahan, puntahan mo si Matt. Siya nga si "Ligaya" di ba? (nun niloko niya si Brian) =P

Siguro mababalik nga ang dati, siguro hindi. Kung hindi naman tulad ng dati, may dalawang implikasyon naman yun eh. (Malamang positive at negative) Negative, mas maganda ang samahan dati. Positive, mas matatag at mas maganda ang samahan ngayon. Kaya... Go! Kaya mo yan. :D (ahaha.. labo)

Anonymous said...

don't expect anything na lang...

Anonymous said...

ding: sure ka ba sa identity niyan? feeling ko mali ang naiisip mo

pokemon: kung hindi mo maintindihan ang Two Words, hindi mo rin maiintindihan kung bakit umaaasa pa rin ako

Anonymous said...

oo... sure ako.. tinanong ko dun sa taong un eh. OwO ahahaha.. XD unless nagsisinungaling yun taong iyon. pakiramdam ko naman hindi eh.

Anonymous said...

oo. hindi siya nagsisinungaling.