Saturday, February 23, 2008

Dear DrumMania, Tomo II Blg 5

Dear DrumMania,



Kamusta ka na?

Sorry kung ngayon na lang ako ulit nakasulat sa iyo. Hindi ko rin masyadong hahabaan dahil gagawa ako ng hiwalay na post tungkol sa huling insertion ko sa NSTP. Hindi ko talaga inaasahang may mga luhang papatak kanina. Birthday din pala ni Agnes ngayon, at binigyan namin siya ng mga card at mga paper flowers na itinuro sa amin ni Rose Ann kung papaano gumawa.

Anyway, tama nga ang aking prediction na wala na talaga silang balak ayusin ang backlight ng iyong LED. Kung hindi ako nagkakamali, tatlong linggo na yatang pundido ang backlight niyan, DM. At least naman, maayos pa rin ang iyong pads at pedal, at sa tingin ko, yun naman ang importante. Importante ang iyong welfare.

Ayun nga, birthday ni Agnes kanina. Inilibre niya kami sa Yellow Cab at nagpunta sila sa Sweet Inspirations (katulad ng nangyari noong birthday ni Ding -- dejavu nga daw sabi ni Thomas). Hindi na ako sumama after ng Yellow Cab dahil nagtitipid ako at hinihintay na ako kasi uuwi kaming sabay.

Masaya naman ako, DM. Hindi ko lang alam kung gaano katagal ako mananatiling masaya dahil para na akong strainer. Hindi na ako ang dating sponge na nadadala ang happiness hanggang sa mga panahong mag-isa na lang ako. Ngayon, hindi na. Kailangan lagi akong masaya or at least man lang content at dapat tuluy-tuloy ito, para masabi kong masaya ako. Gets mo naman yung analogy, 'di ba? I know you do, because I know it's a good analogy because it is clear and isn't ambiguous. Tse.

Masaya rin ako dahil nakikita ko nang nag-iimprove ako sa PF/DM. Natatapos ko naman ang Seiron extreme at The Least 100 sec basic (na parehong 89 ayon sa iyong pinsan) na manual. Yun nga lang, C at D ang highest scores ko dun, respectively. Na-S ko na rin ang Luvly, Merry-Go-Round extreme na manual at natapos ko ang HImawari extreme na auto bass. Sinabi ko kasi sa sarili ko na hindi ako gagaling tulad nina KBJ, Chubby Nurse Girl (na apparently hindi pala nurse), at si Kuya RJ kung lagi na lang iyun at iyon ang lalaruin ko. At naka S/S/S/A/? ako sayo kanina.

Diyan na lang muna. Hanggang sa susunod na pagkikita. As always, ingatan mo ang iyong bass. Bigyan mo ng electromagnetic static shockwave blast ang mga manlalarong tila pumapatay ng milyun milyong ipis sa pagpepedal.




Nagmamahal,
Rudolf na medyo natatakot pa rin sa mga posibleng mangyari, pero at least naman, nagsisimula nang maniwala ulit at sana, talagang maging ayos na ang lahat

3 comments:

Anonymous said...

sama mo sa huli mong reply sa comment ko. Hmm.. bakit kaya walang pop star sa drummania? Hindi ba sila Hiraians? XDD

Anonymous said...

siguro haha XD

Anonymous said...

suggest mo sa next version ng drummania eh dapat may pop star. =P ahahaha