Showing posts with label Dear DrumMania. Show all posts
Showing posts with label Dear DrumMania. Show all posts

Friday, December 12, 2008

10th Mix to V3

After almost four years, the Drum machine in Timezone Gateway was finally upgraded into the more recent version. I have been playing on the 10th Mix since I started playing Drummania, and when I tried out the newly upgraded machine this afternoon, I was all but in a state of mild shock and disbelief.

It started yesterday, when the Kuya (whose name I still do not know) whom I lent my sticks to when he played on the drums told me that the 10th mix machine was to be replaced by something newer. He described how hit looked like, and his description mislead me into thinking that the machine was to be replaced by something like the drums of Guitar Hero or Rock Band. As I played the final song, questions started to fill my head. I kept asking myself if it was alright for the machine which I grew so used to to leave. I was eaten by my worries that in the near future, Timezone will not hold the songs which I grew to like and sing almost each and every passing day. As I constantly pedalled the bass, I tried to remember the very first song I played in that same machine. After the final staircase roll and hitting the final strikes on the ride cymbal, I asked myself if I am ready for a change. With questions boggling my head, I bid Kuya goodbye as I thanked him for the game he replaced for me. You see, the old machine hanged in the third stage, so I got to play six songs instead of just the usual four.

This afternoon, after going to the Timezone on the Fastfood level, I went up the escalator to the Timezone on that floor. Everything seemed normal. Everything felt the usual. As I approached the machine I used to love and play my emotions out, I immediately noticed something very, very different. The pink signboard installed on top of the machine now glistened with a strong shade of steel blue. The carnival-like face of the text was replaced by a strong font resembling the future. The machine looked particularly the same: the hihat, snare, low and high toms, the ride cymbal, and the bass pedal were still there. The monitor was still the big 29" screen. The smelly sticks and the high seat still remained. But the essence of the machine changed into something more update, more powerful, and more radical.

Drummania 10th Mix became Drummania V3.

I was really, really surprised. The sudden change caught me off-guard. Kuya then approached and told me that they spent the whole night upgrading the machine. Even if he had already told me that the machine was to be upgraded, I was not expecting it as soon as the following day.

The four-song swipe is now only three songs.

The interface looks so different that what I was used to. The different shades of blue is so remote from the various tinges of pink I grew accustomed to. A lot of songs has been added, and to tell the truth, I only know two of the over thirty new songs.


I played twice. I hesitated at first, but after the first song, I played entirely in manual mode. I was surprised that I didn't fail. Well I almost did. Just almost, but
somehow, I pulled it through.

I started to believe in myself.




I am reluctant to change, but with this shallow incident along with the many things that are happening to me, I am slowly seeing why change is the only permanent thing in the world.

Sunday, June 22, 2008

Dear DrumMania, Tomo VI Blg 13

Dear DrumMania,




Kumusta ka na?

Ang saya talaga nung Saturday! Nakakatuwang isipin na gumawa kami ng assignment para sa CS179.15A. Paano kaya kung lahat ng subject, ganyan yung pinapagawa? Sobrang saya siguro nun. Pero medyo hassle kasi bumabagyo, at hindi ko pa sure kung may pasok kami bukas o wala. The pains of college life naman talaga.

Pinapapili kasi kami ng isang game sa arcade na gagawan namin ng maikling paper. Ilalagay sa paper kung ano yung game, yung mechanics nito, yung game experiences na most at least likable, at yung recommendations to improve the game. Hindi kami makadecide, kaya naglaro na lang kami ng mga andun sa Timezone sa Gateway tapos saka na lang kami mamimili at mag-iisip. So naglaro kami ng Daytona USA 2, Dance Freaks, EZ Global Touch, Deal or No Deal, Final Furlong, Vampire Night, Fatal Judgment: Silent Scope, PercussionFreaks 5th Mix, at siyempre ikaw, DrumMania 10th Mix. May mga naiisip na kami sa ilan.

Sa Daytona, sana mas engaging yung steering wheel. Si Nelvin kasi na isang experienced driver, nalilito dahil parang walang tension yung manibela niya. Naisip ko rin na dapat may busina para pwede kang mang-asar ng kapwa mo player. Recommendable yung simultaneous race ng up to four players.

Nabitin naman kami sa EZ Global Touch. Natapos kasi agad yung nilalaro namin after less than 10 stages. Nakakaaliw siya dahil sa touch screen interface, pero nakakabitin talaga yung sasandaling game time. Mas ayos siya sana kung matatapos lang yung game kapag naubusan ka na ng time. Siyempre kailangan paunti nang paunti yung time allotted for each level or sobrang hirap makita yung differences dun sa dalawang picture.

Nakakapagod yung Final Furlong. Sobra. Unique playing experience, pero kailangan may free glass of water tuwing maglalaro ka dun.

At nanalo kami ng 100 tickets sa Deal or No Deal! Tense pala talaga ang feeling, miski na arcade version lang. Kasi meron kang feeling of risk every time you pick a case, the risk of you losing the worth of your P25.00.

Dapat manonood kami ng movie, kaso tinamad kami kasi sobrang haba ng pila. Tapos noong umikli na yung pila, pang-10 pm na yung binebentang tickets. Oh well. At least naman natapos ko na yung Valkyrie Profile 2 -Silmeria-. Ayos naman yung ending, in my opinion.

O siya. Hindi ko sure kung kailan ulit ako makakadalaw sa iyo. Si bagyong Frank kasi eh, nananalanta pa.




Nagmamahal,
Rudolf na naiinis dahil na-corrupt yung file niya sa Soul Calibur 3 dahil sinubukan niya yung money glitch

Thursday, June 19, 2008

Dear DrumMania, Tomo VI Blg 12

Dear DrumMania,




Kumusta ka na?

Hay grabe ha. Napakagastos ko kanina! Biruin mong tatlong beses akong naglaro ng DM10, isang PF5, dalawang Daytona, at tatlong House of the Dead 4. Lumagpas yata ng halos P130.00 yung nagastos ko kanina. Ayos lang naman yung PercussionFreaks at yung Daytona kasi may free games naman ako. Ayos lang naman din yung tatlong DrumMania kasi hindi na ito bago para sa akin. Pero yung tatlong House of the Dead 4? Hindi! Ang mahal kaya ng isang laro nun! Gumastos ako ng P75.00, mas mahal pa sa kinain ko kanina at pamasahe papunta diyan, at hindi man lang ako masyadong nakalayo. Pero masaya naman eh. Nakakaaliw pumatay ng mga zombies at maramdaman yung pag-vibrate nung uzi. Mas gusto ko sanang maglaro ng House of the Dead 3, pero ang sakit kasi ikasa ng ikasa yung shotgun dun eh. Nung huli ko pang laro kasama si Kuya Son, sira pa yung reloading mechanism at medyo off-target yung mga baril. Well, medyo sumakit din naman yung kamay ko sa kakaalog nung uzi. At hindi rin pala ganoong ka-effective ang lateral shake doon. Wala pa rin palang tatalo sa shake with feelings. Nakakaasar lang talaga yung unang boss, si Justice na apat yata ang braso't mga kamay, kasi gabuhok na lang yung kailangan na damage para macounter yung drop kick niya, pero wala, patay pa rin si Kate.

At ang grabe pala ng extreme ng ヒマワリ ha. Sinubukan kong auto hihat, pero nakakabaliw yung tatlong magkakasunod na bass. At least naman nakaabot ako sa refrain, and then, all hell broke loose.

Pupunta kami diyan sa Saturday kasi gagawin namin yung aming homework para sa CS179.15A. Manonood din kami ng sine. Exciting talaga ang weekends, no?




Nagmamahal,
Rudolf na masaya kasi walang siyang pasok bukas, at dahil makakalaro na siya ulit ng Valkyrie Profile 2 -Silmeria-

Tuesday, June 17, 2008

Dear DrumMania, Tomo VI Blg 11

Dear DrumMania,




Kumusta ka na?

O 'di ba? Anong sabi ko sa iyo? Bibisita ulit ako sometime soon.

Anyway, masaya ako dahil naresolve na yung schedule ko na dere-deretso every Thursday. Magpopost na lang ako ng bago tungkol dito sa miracle break sa aking schedule. Break as in hindi yung break na nasasabaw yung utak mo kapag mahaba; yung break as in isang malaking opportunity of some sort. Basta parang ganun. Alam kong gets mo na 'yun.

Hindi ako naglaro ngayon ng 10th Mix dahil ang daming tao. Dun na lang ako sa ibaba naglaro at sumubok ng isang bagong kanta na nakalimutan ko yung pangalan. Basta, napakaunreal nung bilis ng mga rolls sa kantang iyon. Going back mula sa aking segway, may isang grupo ng friends na naglalaro at ginagamit yung mabigat mong sticks, no offense meant ha. Ang bigat naman kasi talaga eh! Amoy french fries na natuyo sa araw pa yung kamay mo pagkatapos gamitin. So basta, pinahiram ko na lang sila ng sticks ko, na hanggang ngayon, hindi ko pa rin napapangalanan. Naglaro na lang ako ng House of the Dead 4. Umabot ako sa second stage, pero nadeads ako nung sinigaw ni James na "Katie, look out!" Nakatanggap si Katie ng isang rumaragasang shoulder rush mula sa isang fattie, miski na si James ang gamit kong character. Weird, no? Nagmasid din ako sa mga sumunod na manlalaro sa akin, at nalaman kong mas effective pala ang lateral shake kaysa sa ginagawa kong pitching shake. Mas mabilis kasing napupuno yung shake meter nung isang lalaking patagilid ang alog nung baril kaysa sa akin na taas-baba yung pag-alog. Sayang, walang bonus points ang pag-alog nung baril nang may feelings.

Oy, oo nga pala! 618 yung max combo ko sa 天体観測! Wala lang. Sayang, bigla kasing may nagmiss dun sa unang part eh, kaya 82% lang yung combo ko. Konti na lang talaga, mapeperfect ko na ang kantang iyan.

O sige, kitakits ulit. Sa Thursday pupunta ulit ako diyan since walang kaming pasok sa Friday. Yay!




Nagmamahal,
Rudolf na nakitang muli si RB kanina sa Timezone at excited nang mag-Friday dahil walang pasok at birthday ng Kuya niya kaya kakain sila sa labas

Saturday, June 14, 2008

Dear DrumMania, Tomo VI Blg 10

Dear DrumMania,




Kumusta ka na?

Kumusta na ako? Okay lang naman. Medyo naiinis pa rin sa History Department dahil feeling ko ba, pinolosopo nila ako. Parang six hours na diretso pala ha, o ayan! Six hours na break! Magsawa ka! Pasensya ka na kung hindi kita nadalaw nung May. Medyo naging busy kasi ako sa project namin sa CS177. Medyo nawalan din kasi ako ng gana lumabas masyado kasi I was going through a phase. Basta, alam kong alam mo na kung ano iyon kasi magaling ka naman mang-empathize eh.

Nakakatuwang makabisita ulit sa iyo, or sa Gateway for the matter pagkatapos ng isang buwan. Parang ang saya ng feeling. Baka rin kasi unang weekend ng pasukan, kaya ako masaya. Nakita ko rin kasi sina RB, Nemi, at yung kaibigan niyang si Pierre diyan sa Timezone. Medyo nag-alala rin ako kasi nga, ang tagal nung disk check mo. Akala ko hindi ako makakalaro. Kaya ayun, hinintay kong maging okay ka na ulit habang nanoonood ng Tekken 6. Kinalaban kasi ni Nemi si RB eh. Naglaro rin pala ako ng House of the Dead 3, na kung saan sumali yung isang staff ng Timezone, si Kuya. Basta, aalamin ko yung pangalan niya sa susunod. Napansin ko rin na parang sira yata yung shotgun na ginamit ko kasi parang tuwing ikakasa ko, hindi kumakasa paminsan. Namatay tuloy ako dun sa stupid mutated police slash security guard. Yung unang boss ba. Tapos naglaro ako ng House of the Dead 4, pero hindi na ako nakaabot sa unang boss kasi sabi ni RB, sa ibaba daw ako dumaan. Ayun, narape ako ng napakaraming zombies.

O basta. Kita-kits na lang ulit. Promise dadalaw ako ulit diyan sometime.




Nagmamahal at Nagbabalik,
Rudolf na hassle na hassle dahil sa kanyang Thursday schedule na anim na oras na walang break

Saturday, April 19, 2008

Dear DrumMania, Tomo IV Blg 9

Dear DrumMania,




Kumusta ka na?

Pasensiya ka na at medyo matagal tagal din ang inabot bago ako nakasulat ulit sayo. Pasensiya ka na rin ha at medyo matagal na akong hindi nakakalaro. Tuwing pupunta kasi ako diyan, may nangyayaring unforeseen event. Nung isang beses, pagkatapos kong maglaro sa ibaba, tumaas ako diyan sa cinema level para lang malaman na biglang nagbrownout ang lahat ng laro sa Timezone sa itaas. At kanina, pasensiya na kasi medyo tinamad na akong maghintay kasi yung girl na may lesbo lover (mind you, nagkaroon ng hot kissing scene na kung saan napatitig kami nung isa pang bystander), apat na beses nagswipe. Ayun. Tinamad tuloy ako. Nanood na lang ako ng Lili versus Steve na kung saan pinagsawaan kong makita ang Rabbit Step to Piercing Thorn. Tinamad akong maghintay kasi gusto ko nang umuwi dahil hindi maganda ang gising ko kanina. Sorry talaga ha.

Sasabihin ko lang rin pala sa iyo na na-A ko na yung Seiron sa pinsan mo sa ibaba. Wala lang. A/S/S yung final score ko, at nakuha ko na yung apat na low tom dun sa snare-low tom combo na hindi ko pa rin magawa sa Tentai Kansoku.

Sige, ingat ka ha.




Nagmamahal,
Rudolf na gusto sanang makakita ng Lili na magaling magjuggle, ngunit siya'y bigo dahil puro Garland Kick Combo ang kanyang napanood

Wednesday, March 19, 2008

Dear DrumMania, Tomo III Blg 8

Dear DrumMania,




Kumusta ka na?

Ikaw ha. Matagal na rin since sinimulan kong laruin ang Seiron sa pinsan mo, hindi mo sakin sinasabi na may Seiron ka rin pala. Kailangan ko pang malaman sa FlashFlashRevolution na meron ka rin palang Seiron. Nakita ko kasi yung banner, at yun nga, sinabi ko sa sarili ko na nakita ko na ang banner na ito somewhere. Doon ko natandaan na nakita ko na ang banner na iyon once. May naglaro ng isang unfamiliar song para sa akin back then. Ayun nga. Nahanap ko ang Seiron na nakasulat in kanji at may vocals na ni Suzuki Ai. At mula sa 89 ng iyong pinsan, 66 lang pala ang level nung extreme nun. Grabe, masaya na ako na na-B ko ang isang level 89 na kanta, yun pala, 66 lang. Kabaligtaran ito nung Yakeno ga Hara sa iyo at sa kapatid mong si V3.

Hindi ako nagtatampo sa iyo, pero sana talaga, sinabi mo.

I really don't feel fine today. I failed Himawari advance. Ang masama pa niyan, first stage yun.

Ingat ka. Hanggang sa susunod na lang.




Nagmamahal,
Rudolf na mahal ka pa rin kasi alam niyang mahal mo pa rin siya, or so he thinks

Saturday, March 15, 2008

Dear DrumMania, Tomo III Blg 7

Dear DrumMania,




Kumusta ka na?

Nakita ko si Hiro kanina sa Gateway. Wala lang. Tekken player pala siya, at ang A-game niya ay si Paul. Pero hindi niya matalo yung adik kay King. Mga dalawang beses rin yata siya tinalo nung mukhang bangag na yun. Ang itim kasi ng eyebags niya eh. Well ayun nga, buti na lang rin napanood ko kung papaano gamitin si King sa mga juggle, kasi pinag-usapan namin kanina nina Jam at Yanyan kung gaano ka-sucky ang mga grappler na King. Well, malakas naman pala yung juggle ni King eh, so habang nasa akin pa yung PS2 ni EJ, might as well give King a shot para naman hindi na puro Lili ang nilalaro ko sa PSP ni prokayotic.

Medyo malungkot ako DM (kung hindi pa ito isang given statement to begin with). Gusto ko lang talaga sana kausapin yung isa kong kaibigan, ngunit nananatili pa rin siyang mailap. Hindi ko alam kung umiiwas ba talaga siya o ano, pero yun ang aking nakikita at nararamdaman. Umalis kasi siya agad sa practice namin sa Hi16 eh. Gusto ko sanang sumabay sa kanya pauwi para naman makapag-usap kami. Gusto ko sanang malaman kung ano bang bumabagabag sa kanya, kung meron man. Kasi nga, hindi na niya ako kinakausap.

Tell me DM, am I making such a big deal about this? Importante rin kasi siya para sa akin eh. Isa kasi siya sa mga best friend ko sa college.

At alam mo, meron akong sasabihin sa iyo na sa tingin ko, kailangan mong malaman. Hindi na ako nakadarama ng kaligayahang katulad ng dati. Hindi ko na nadarama yung momentary contentment na nadarama ko tuwing uupo ako sa harap mo at pipindutin ang start at right buttons ng sabay para lumabas ang menu. Hindi ko na nararamdaman ang anesthetics ng iyong mga kanta sa aking damdamin. Hindi na nabubura ng light blue ng cymbal at hi-hat, ang dilaw ng snare, ang green at pula ng high at low tom, at ang pink at paa ng bass ang mga bagay na lagi kong naiisip. DM, nag-aalala akong baka nanlalamig ka na rin sa akin, o kaya naman ay nanlalamig na ako sayo.

Sana naman hindi. Matagal na rin ang ating pinagsamahan, DM.




Nagmamahal,
Rudolf na nag-aalala at nababagabag, kaya lagi na lang puyat dahil hindi makatulog miski siya'y pagod na pagod sa nagdaang araw

Friday, March 14, 2008

Dear DrumMania, Tomo III Blg 6

Dear DrumMania,




Kumusta ka na?

Kanina, sabay kaming umuwi ni Raf. It's quite a while since may kasama ako pauwi. Anyway, sinabi ko sa kanya na ang tagal ko nang hindi nakakapag-Gateway, pero in actuality pala, last Friday, nagpunta naman ako diyan. Akala ko lang siguro matagal kasi hindi ako sumulat sa iyo the last time binisita kita. Meron kasing nangyari eh. Maraming nangyari na kung saan naging parang sirang plaka ang aking mga feelings kasi paulit-ulit na lang na masaya, tapos hindi, masaya, tapos hindi. At take note na nangyayari ang mga fluctuations na iyan in a span of an hour or so.

Last three days of school na lang ang natitira, DM. How was my sem? Harder than my hardest sem dahil nga, alam mo na iyon. Sana lang maging maayos nang muli ang lahat sa dalawang linggong pagkakahiwalay namin. Sana talaga kasi hindi ko na kakayanin kung magpapatuloy ito ng limang buwan. Gusto kitang yakapin DM, kaso napakawierd naman tingnan kung yayakapin kita. Napakawierd siguro ng magiging posisyon ko nun habang sinusubukan kong yakapin ang iyong kuwadradong korte. Ay by the way, natuwa naman ako sa Tekken 6 dahil sa wakas, nakita ko na in action sina Miguel, Leo, at Zafina.

The past week just felt very long, gaya ng sinabi ko kay Raf. Sana naman that feeling of stagnation will be present kapag masaya na kaming lahat. Diba no?

Anyway, ingat ka DM. Hanggang sa susunod na lang.




Nagmamahal,
Rudolf na naghihintay habang tinititigan ang isinulat niyang 力 sa kanyang kaliwang kamay

Saturday, February 23, 2008

Dear DrumMania, Tomo II Blg 5

Dear DrumMania,



Kamusta ka na?

Sorry kung ngayon na lang ako ulit nakasulat sa iyo. Hindi ko rin masyadong hahabaan dahil gagawa ako ng hiwalay na post tungkol sa huling insertion ko sa NSTP. Hindi ko talaga inaasahang may mga luhang papatak kanina. Birthday din pala ni Agnes ngayon, at binigyan namin siya ng mga card at mga paper flowers na itinuro sa amin ni Rose Ann kung papaano gumawa.

Anyway, tama nga ang aking prediction na wala na talaga silang balak ayusin ang backlight ng iyong LED. Kung hindi ako nagkakamali, tatlong linggo na yatang pundido ang backlight niyan, DM. At least naman, maayos pa rin ang iyong pads at pedal, at sa tingin ko, yun naman ang importante. Importante ang iyong welfare.

Ayun nga, birthday ni Agnes kanina. Inilibre niya kami sa Yellow Cab at nagpunta sila sa Sweet Inspirations (katulad ng nangyari noong birthday ni Ding -- dejavu nga daw sabi ni Thomas). Hindi na ako sumama after ng Yellow Cab dahil nagtitipid ako at hinihintay na ako kasi uuwi kaming sabay.

Masaya naman ako, DM. Hindi ko lang alam kung gaano katagal ako mananatiling masaya dahil para na akong strainer. Hindi na ako ang dating sponge na nadadala ang happiness hanggang sa mga panahong mag-isa na lang ako. Ngayon, hindi na. Kailangan lagi akong masaya or at least man lang content at dapat tuluy-tuloy ito, para masabi kong masaya ako. Gets mo naman yung analogy, 'di ba? I know you do, because I know it's a good analogy because it is clear and isn't ambiguous. Tse.

Masaya rin ako dahil nakikita ko nang nag-iimprove ako sa PF/DM. Natatapos ko naman ang Seiron extreme at The Least 100 sec basic (na parehong 89 ayon sa iyong pinsan) na manual. Yun nga lang, C at D ang highest scores ko dun, respectively. Na-S ko na rin ang Luvly, Merry-Go-Round extreme na manual at natapos ko ang HImawari extreme na auto bass. Sinabi ko kasi sa sarili ko na hindi ako gagaling tulad nina KBJ, Chubby Nurse Girl (na apparently hindi pala nurse), at si Kuya RJ kung lagi na lang iyun at iyon ang lalaruin ko. At naka S/S/S/A/? ako sayo kanina.

Diyan na lang muna. Hanggang sa susunod na pagkikita. As always, ingatan mo ang iyong bass. Bigyan mo ng electromagnetic static shockwave blast ang mga manlalarong tila pumapatay ng milyun milyong ipis sa pagpepedal.




Nagmamahal,
Rudolf na medyo natatakot pa rin sa mga posibleng mangyari, pero at least naman, nagsisimula nang maniwala ulit at sana, talagang maging ayos na ang lahat

Sunday, February 10, 2008

Dear DrumMania, Tomo II Blg 4

Dear DrumMania,



Kamusta ka na?

Ayos ka lang ba miski na mukhang wala na silang balak ayusin yung backlight ng iyong swiper? Sa tingin ko, propaganda iyan ng Timezone para hindi nila makita kung magkano ang bawat laro sa iyo. At least naman pinalitan na nila yung pundido mong ilaw sa iyong pangalan, kasi nga hindi magandang tingnan ang pink starry background ng DrumMania 10th Mix kapag madilim ito. Nakakainis pa rin yung mga naglalaro sa Tekken 6 dahil puro na lang luma yung ginagamit nila at ayaw nilang sumubok ng iba. Wala lang, Tekken 6 pa yung nilaro nila.

Nakakapagod talaga ang manual ng Seiron ADV sa pinsan mo, DM. Grabe talaga yung stress sa dominant arm ko. At ngayon ko lang nalaman na hindi pala 1 beat yung division ng bass, 1 2/5 yata dahil malamang, alternating ang bass sa extreme. Pero ayos lang naman dahil ang max combo ko was 182, mga 17% nung kanta. At least din naman naimprove ko yung D dati to a C.

Hala. Just now, nakaramdam ako ng isang wave, no make it two waves ng pagkahilo. Ahh, make it three.

Dumaan din si Kuya RJ sa Gateway nung pumunta ako diyan kahapon. Tumaba siya as far as I can remember. Hindi na siya kalbo, at hindi na rin siya bigotilyo. Sinabi niya sa akin na gumagaling daw ako, at sa loob loob ko, napakafisherman naman niya. Pero naapease din ako dahil parang I took it as a comment na rin, somehow, miski na dalawang taon na ako naglalaro and yet hanggang Dragon Blade EXT pa lang ang nagagawa kong manual, tapos B lang lagi ang grade ko. Andun din yata si habble, yung moderator ng Pinoy Percussion Freaks. Sa kanya na lang humiram si Kuya RJ ng sticks eh. Well buti na lang kasi pauwi na rin ako nun. From our recollection.

Speaking of which, nagrecollection nga pala kami, DM. Wala lang. Nalapit ba ako kay God? Hindi rin eh. At dahil diyan, ayaw ko nang pag-usapan ang aking mga naisip at naramdaman nung recollection namin. Pinilit din nga pala akong magsimba ni Mamie kagabi. Nagulat ako at hindi ako nasunog nung pumasok ako sa chapel. May hinintay ako sa caf habang paulit-ulit na pinapakinggan ang The Quest of Your Life ni Evil-Dog, pero naisip kong baka hindi siya nag-NSTP dahil masama na yung pakiramdam niya nung Friday. Malamang, walang magical healing effects ang Jollibee sa kanya. Dumaan na lang ako sa Blue Eagle Gym at nanood ng fencing dahil bigla kong naalala na pinapapunta nga pala kami ni Coach Walter doon about a week ago. Nafree-cut kasi yung PE namin nung Wednesday dahil may mass for Ash Wednesday. Wala lang. Ang masasabi ko lang sa fencing ay isa itong sosyal na sport. Bukod sa napakaraming kailangang apparatus at fencing gear, sosyal ang fencing dahil "We are fencers" ang sinasabi ng mga nagfefencing. Ikumpara mo naman yan sa ballers ng basketball players no.

Oo nga pala DM, nagkamali ako. Lv. 91 lang pala si Xing Cai. Nadaig na siya ni Nobunaga Oda na Lv. 93 na ngayon. Napakalaki ng naidulot ng Acclaim 15 dahil tingnan mo naman ang story mode finshing level niya. Si Zhao Yun kasi, Lv. 49 lang. Grabe, halos a difference of 50 levels.

Masaya ako DM. Masaya na ako ngayon. Pero feeling ko, parang empty ang happiness kong ito, hindi katulad ng dati. At least naman, masaya na ako kahit papaano hindi ba? Miski na to a very shallow extent?

O siya. Ingat ka DM. Ingatan mo ang iyong upuan dahil dumadami na ang mga naglalaro sa iyo na medyo hirap sa weight management.




Nagmamahal,
Rudolf na inaalala ang CS Deliverable na nahihirapan siyang simulan dahil medyo clueless na siya sa mga requirements, ngunit kahit papaano ay masaya pa rin miski na to "a very shallow extent"

Sunday, February 3, 2008

Dear DrumMania, Tomo II Blg 3

Dear DrumMania,

Kamusta ka na?

Pasensya ka na kung ngayon lamang ako makakapagsulat sa iyo, DM. Medyo tinamad kasi ako kahapon dahil ginagawa ko yung part ko sa Sci10 presentation namin. Hindi ko nga alam ang balita sa mga kagrupo ko eh. Dinivide na namin ni Erin yung work, pero mukhang wala pang nangyayari. Ewan ko lang ha. Sana lang magawa na nila yan before Wednesday kasi malamang ako yung magkocompile at gagawa nung powerpoint. Sana lang magprovide na din sila ng mga pictures kasi gusto ni Ma'am Perez na maraming pictures yung report. "Substantiate your reports." Yan yung palagi niyang sinasabi. Sana naman sa Friday, hindi siya those days. You know, those days. Alam mo na yun.

At alam mo bang drinking chlorinated water with a chlorine concentration greater than 100 ppb can be cancerous? Yan kasi yung part ko. [Naantala dahil nakalimutan na namang nagpopost pala dahil nadistract dahil sa fact na kaunting ayos na lang, magiging ranked beatmap na yung unang beatmap ko sa Osu!] Dangerous uminom ng chlorinated drinking water dahil nagkakaroon ng organochlorines at trihalomethanes na toxic sa katawan. Drinking chlorinated water could result into bladder and rectal cancer, so watch out kapag magsiswimming, lalo na't malapit na ang summer.

At alam mo ba, nag-overnight yata si King boy sa Timezone. Kasi nung binisita kita, siya pa rin yung naglalaro. Nakakainis at hindi ko na naman nakita yung mga bagong characters sa Tekken 6.

Uuwi pala kaming Bulacan ngayon na hindi ko alam. Kahapon lang ng gabi ko nalaman. Hindi ako sumama kasi gagawin ko yung powerpoint para sa presentation namin sa Friday (na ginawa ko naman talaga). Dahil mag-isa ako sa bahay, naramdaman ko ulit how liberating it is to walk around the house naked. Well, hindi naman ako nagtagal na nakahubad. Naglakad lang akong nakahubad mula sa kuwarto ko hanggang sa banyo ko at pabalik pagkatapos kong maligo. Siyempre, madilim kaya ginawa ko yun. Hindi ko yun gagawin kung may ilaw yung hallway dahil mahirap na, baka may paparazzi pala or baka madiscover ako as the next biggest pornstar. Ang bastos mo! Biggest as in the greatest! Ikaw ha, naughty ka rin pala paminsan. Haha.

Sinubukan ko rin nga pala yung Seiron ADV na manual sa pinsan mo. Siyempre hindi ako nagfail, pero C lang yung nakuha ko. Not bad for a first try, I guess.

Ayos naman ako DM. I can say na I'm better. Alam mo yun dahil sa S/S/S/A/B kong score nung naglaro ako nung Saturday. Sana lang, magtagal itong nararamdaman kong ito. Hindi kasi maaaring forever kahit gusto kong maging forever, dahil alam mo naman na the only permanent thing is change. O di ba, ang ironic?

Anyway, hanggang dito na lang muna. Maglalaro na muna ako ng Warriors Orochi kasi iiinstall pa ni kuya yung iTunes niya.

Ingatan mo ang iyong bass pedal. Sana ayusin na nila yung mga pundido mong ilaw at LCD, kung hindi pa nila inaayos.



Nagmamahal,
Rudolf na excited nang maging ranked beatmap ang Bump of Chicken - Sailing Day by Zweihander at kasalukuyang ginagawa ang Evil-Dog - The Quest of Your Life [Easy] by Zweihander

Friday, February 1, 2008

Dear DrumMania, Tomo II Blg 2

Dear DrumMania,

Kamusta ka na?

Pundido na naman pala yung ilaw mo sa iyong pangalan. Pundido rin ang iyong card swiper kaya nahirapang makita nung sumunod sa akin kung magkano ang apat na kanta sa iyo. Binago rin pala nila ang iyong puwesto. May dumatig palang Tekken 6 at inilagay doon sa dati mong puwesto. Medyo napaisip nga ako kung sino yung naglalaro kasi ang daming nanonood, yun pala, Tekken 6 pala iyon kung saan pinagsawaan ng mga nanonood ang Asuka versus King o Bob versus King. Sabagay, kasing lapad at kasing chibiuso naman nung naglalaro si Bob. Medyo naamaze nga ako dahil sa taba ni Bob (siguro mga sampung ako ang kakasya sa kanyang pantalon na batak na batak na batak na batak), nakakalaban pa siya kay King. Naamaze din ako dahil super macho pala talaga ni King dahil nagagawa niyang mabuhat si Bob na parang labintatlong kargada ng mantika. Kumita yata ng P200.00 ang Timezone dahil sa pride nung player 1 na iyon, ayon kay EJ na kasama ko sa mga oras na iyon.

Nakalibre rin nga pala ako ng laro sa Tekken 5: Dark Resurrection na bumaba ang presyo to P15.00 dahil siguro meron na ngang Tekken 6. Umalis kasi yung naglalaro eh siya naman yung nanalo. Basta weird. Pero ginawang bloody pulp ni Christie si Lili eh. HIndi kasi ako magaling sa Tekken (si Bryan lang ang alam kong gamitin, at nakalimutan ko na kung papaano yung juggle niya na pinractice ko dati) at isa pa, walang Dark Resurrection sa PS2 so hindi talaga ako marunong.

Ayos na yung pinsan mo DM. Inayos nila yung snare niya. Siguro next time, susubukan ko ang Seiron ADV na manual lang. ang hirap kasi nung hihat x3 - snare - hihat x3 - snare - hihat x3 -
snare - hihat x3 - snare - hihat x3 -snare - hihat x3 - snare - hihat x3 -snare - hihat x3 - snare - hihat x3 -snare - hihat x3 - snare - hihat x3 -snare - hihat x3 - snare - hihat x3 -snare - hihat x3 - snare - hihat x3 -snare - hihat x3 - snare - hihat x3 -snare - hihat x3 - snare - hihat x3 -snare - hihat x3 - snare - hihat x3 -snare - hihat x3 - snare - hihat x3 combo eh. Parang Rolling1000toon. Hindi ko masyadong nabigyan ng atensyon yung bass dahil nakakapagod sa braso yung ganyang combo. Ah oo nga pala, maging proud ka naman sa akin DM dahil nagawa ko yung final continuous cymbal part ng Himawari ng walang mali. Yun nga lang, umulan ng good, but still, improvement na iyon kasi alam mo namang finifail ko ang part na iyan.

Hindi na ako mag-isang kumain sa Jollibee kanina. Sinamahan ako ni Edward John, Melody Kay, at ni Thomas (telenovela ba ito?). Sinabi ni Meki na bilisan ko raw kumain, pero nagtaggal kami doon ng hanggang mga 5:30. Kumain muli ako ng Ice Craze pero this time, Ube Queso naman na umaapaw sa cheezy goodness ng some cheap cheese. Kailangan ko kasing mapatunayang hindi lamang ako nananaginip o nahigop sa isang Time Space Warp sa overpass. Kailangan kong mapatunayang totoo ang mga nangyayari, at napatunayan ito sa pangingilo ng aking huling molar sa kaliwang bahagi ng aking panga matapos kong ipiggy yung Ice Craze na iyon. Oo nga pala, napagana ko na yung primary stage ng aming Collision Detector System kanina. Well, medyo masaya naman ako. Napakarelieving na pindutin ng pindutin yung switch na yun na parang inaatake ka ng epileptic seizures. Take note, seizures na hindi umaawas ang saliva.

Mataas ang life ni EMMY ngayon. Sana lang, hindi siya matamaang muli ng Eternal Agony Portal of Death Crystal Scatter Combo ni Orochi or yung Orbs of Ruin Special Purple Icicle Shatter Blast ni Da Ji or mahampas ng Sky Scorcher Burning Rage Unblockable Taunt Grapple True Musou ni Lu Bu. Ayos lang kung yung Qiao Beauty Whirlwind Fireball Raging Inferno Release ni Da Qiao o kaya yung Dark Moon Flute Paradise Cannon Shrapnel Charge Kick ni Zhen Ji kasi friends naman kami.

DrumMania, nagsisimula na naman akong umasa. Mabuti ba ito o hindi?

Sandali lang. Sandali lang as in wait wait wait wait wait.

Kailan ba ako tumigil umasa?




Nagmamahal,
Rudolf na currently confused dahil tinamaan ng Diva Divine Double Mace Enchanting Final Light Strike Attack ni Diao Chan at ng Sol Chakram Sparkling Triple Cartwheel Proximity Axis Throw Assault ni Sun Shang Xiang (pero ayos lang kasi friends din kami)

Sunday, January 27, 2008

Dear DrumMania, Tomo I Blg 1

Dear DrumMania,

Kamusta ka na?

Mabuti naman inayos na nila yung ilaw mo sa signboard ng iyong pangalan. Hindi kasi magandang makita yung holographic pink starry background ng DrumMania 10th Mix kapag madilim eh. Ay oo nga pala, yung pinsan mong si Percussion Freaks 5th Mix dun sa ibabang Timezone, grabe ang sira ng snare. Nagrerespond naman siya, pero natatanggal at umiikot yung pad. Nakakatawa nga yung pose ko eh. Hinaharangan ko ng non-bass-foot-tuhod ko yung gild ng snare para hindi umikot. Inipit ko yung machine-provided sticks between sa chair at yung gilid ng sirang snare na yun after ko malaman na masakit palang matamaan ng reverse side ng sticks ko ang tuhod. Oo nga pala, sayang at wala nang Spring sa repertoire ng mga kanta mo DM. Favorite ko kasi yun sa PF eh. Yung Seiron naman, asa akong matatapos ko yung kantang iyon sa iyo kasi mas strict ang iyong timing judgement at mas malaki ang bawas mo sa excitement bar kung magkamali kung ikukumpara sa pinsan mo.

"Ayos" lang naman ako DM. [Naantala ang post na ito dahil nalimutan kong nagpopost pala ako dahil naghanap ako ng Seiron sa GDAmania, ngunit wala pala sila. Naglaro na lamang ako ng Osu! dahil gagawan ko nga sana ng beatmap ang nasabing kanta, na kung saan naitaas ko ang aking rank to #154. Doon ko lang naalala na nagpopost pala ako] Nagsusurvive pa naman ako. Katulad ng pagsurvive ko sa Himawari na lagi kong hindi napapasa dati. Hindi ko lang matandaan kung pumasok ba ang excitement bar sa danger zone. Mahina na ang aking memory gaya ng pagkalimot kong nagsusulat nga pala ako sayo, DM.

Ano sa tingin mo? Ang pagiging makakalimutin ko kaya ay isang nang defense mechanism? Ay, babawiin ko. Hindi pala. Siguro kulang lang talaga ako sa memory-enhancing vitamins and minerals, whatever they are. Wala kasing silbi ang aking short term memory eh. Nalilimutan kong nag-iipon ako ng tubig sa banyo, nakakalimutan kong nagpopost pala ako, nakalimutan ko ng paulit-ulit yung naka-duel ko nung fencing nung absent si Ace, at lagi ko ring nakakalimutan na babatiin ko pala yung isang tao dahil birthday niya o kaya itanong sa girlfriend ng blockmate dati kung kamusta na ba siya dahil hindi ako sigurado kung siya nga ba iyon o hindi. At isa pa, hindi ko makalimutan yung mga bagay na kailangan kong makalimutan panandalian, para naman sumaya ako kahit papaano. Hanggang ngayon, bumabalik-balik pa rin sa aking isipan yung mga sandali na kung saan nakita ko silang tatlo na naglalakad sa harap ng Blue Eagle Gym habang nakasakay na ako sa jeepney pauwi. Naaalala ko pa ang mangiyak-iyak kong paningin at ang paglatag ko ng aking mukha sa aking bag dahil baka nga maiyak ako. Ang dami kong naaalala na ayaw ko na sanang maalala, ngunit lagi ko naman silang naaalala. Ang tanging mga bagay na nakakapagpalimot sa akin ngayon ay yung Warriors Orochi, na kung saan Lv. 76 na si Xing Cai at Ambition na ang kanyang weapon at ikaw, DM. Dati naman, nakakalimutan ko ang aking mga problema kapag kasama ko ang aking mga kaibigan, ngunit parang wala na yata yan ngayon.

Hay. Gaya ng sabi ko dati sa ikalawang post yata ng blog ko, problems are just forgotten. Never yata silang nabibigyan ng solusyon.

Ano bang ginawa ko sa sarili kong buhay?

Haha. Ang dami ko na namang sinabi. Pasensiya ka na DM ha. Sige hanggang dito na lang muna at maglalaro na ako ng Warriors Orochi. Hanggang sa susunod nating pagkikita. Ingat ka.




                            Nagmamahal,
Rudolf na gusto nang maging masaya, pero hindi niya magawa