Tuesday, May 27, 2008

Summer Classes: Over at Last

Hay. Ang sarap talaga ng feeling kapag natapos na ang lahat ng pressures ng hell week. Walang tatalo sa feeling of complete liberty from academics. Although nagkakaroon ka ng moments na kung saan nanghihinayang ka dahil hindi ka nag-aral sa finals mo sa CS177 or dahil tinamad kang mag-overdrive mode sa inyong CS177 project, napakagaan pa rin talaga ng pakiramdam ng mga ganitong pagsasara ng isang sem sa Ateneo.

Well, katulad ng lahat ng pagtatapos, nakakamiss yung mga naging classmate ko and mga bagong friends sa Sa21 at sa CS177. Well, miski na hindi sila ganoong karami, nakakalungkot pa rin dahil hindi ko na sila makikita. Ang weird nito dahil inaamin kong I took them for granted nung summer, pero ngayon hindi ko na sila makikita on a regular basis, I wish na I took the effort to know them better, at least man lang to a level higher than just an acquaintance. At ang isa pang weird thing tungkol dito ay ang fact na ako ay isang taong extremely introverted.

Anyway, natapos naman namin somehow yung game na ginagawa namin, pero yun nga lang, hindi tapos na tapos. Nung pinresent na namin siya kay Sir Vidal, may mga kulang pang event at mga event restrictions. Kasi, sabi nung character, it's too dark, pero nakikita pa rin niya yung susi sa isang sulok nung room. Parang ganun. Sana lang, mataas yung makuha namin dun kasi sabog yung finals ko. Hindi ako nakaaral dahil ginawa namin yung project, at hindi ko rin masyadong nakuha yung practical part nung finals. Hay. Sana lang talaga maka-B man lang ako sa CS177 at sa Sa21 na rin siguro. Tinitingnan ko kasi bilang isang panghatak ng QPI ang summer eh, katulad nung last year.

At ayun nga. Kakatapos lang ng isa pang summer sa aking college life. Meron na lamang akong isang summer na natitira bilang isang undergraduate, at sa pasukan, third year college na ako. Grabe talaga. Bakit ba ang bilis ng panahon kapag hindi mo hinihintay ang bukas?

At in less than one week, 20 na ako. Siguro hihintayin ko ang bukas at yung bukas ng bukas at yung bukas ng bukas ng bukas and even yung bukas ng bukas ng bukas ng bukas at lahat pa ng mga bukas para lang bumagal yung takbo ng oras.

No comments: