Aaminin kong isa siyang malaki at punyetang bitch in a small package noong first day ng second year high school. Pero nakakagulat isipin na itong punyetang bitch na ito pala ang isa sa mga magiging favorite teacher ko sa buong apat na taon ko sa Mataas na Paaralan ng Ateneo de Manila (na walang kwenta ang sistema at curriculum, buti na lang at iniba na ito).
Bakit naman ngayon lang makalipas ng mahigit apat na taon ako nagbibigay tribute para kay Ma'am Zambie? Nanonood kasi ako ng How Do They Do It? sa Discovery kanina, at bigla kong naalala yung salamin na hiniram ko kay Diane Inday. Ganoon kasi ang style ng salamin ni Miss Zambrano. O 'di ba, napakarandom ko?
Biology teacher ko si Miss Zambrano nung high school pa ako. Siya ang nagturo sa amin kung para saan ba ang electron transport chain, ang pagkakaiba ng mitosis at meiosis, ang human body at ang iba't ibang systems at organs na nabibilang dito at kung ano ba ang kaukulang function nito sa body, ang codons, genes, at ang base pairing system na kung saan guanine pairs with cytosine at adenine pairs with thymine (si G-CAT yung imaginary base pairing pusa ko), at yung iba pang mga bagay na pinag-aaralan ng isang second year sa Ateneo High School. Hindi ko makakalimutan yung different flavored writing materials niya sa greenboard (blackboard na green): meron daw chocolate, vanilla, bubblegum, strawberry, mango/lemon/pineapple, at grapes. Ang ganda kasi ng mga notes ni Miss Zambrano, eh. Lagi tuloy ako inspired na gandahan din ang notes ko sa Biology, para na rin maibenta ko ito sa mga classmates kong tamad kumopya ng notes na daig pa si Helen of Troy dahil her notes could launch a million ships. Siyempre, exaggerated na ito.
Naaalala ko rin ang mga long test ko na laging ako ang pinakamataas. Kung tama ang pagkakaalala ko, sa siyam na long test namin sa Biology, tatlo kada term, walo dun ako yung pinakamataas. Pinakamababa ko yatang nakuha sa isang long test ni Miss Zambrano ay 45/50, at ang pinakamataas ko ay 49/50. Lagi ring nagbibigay ng chocolate si Miss Zambrano sa tatlong pinakamatataas sa kanyang mga long test. kaya lagi akong may nakukuhang Three Musketeers o Milky Way. Naaalala ko rin yung trichoderma harzianum dun sa in-vitro lab experiment namin dati at yung handwritten lab report na kasama nito. Kinawawa rin namin ang isang heart ng baboy para sa aming lesson tungkol sa circulatory system. Naaalala ko pa na ang left at right sides ng heart ay matatagpuan sa right at left sides ng katawan, respectively. Naroon din ang tricuspid at bicuspid valves, ang aorta, at ang superior and inferior vena cavas (or cavae).
Sa totoo lang, naging favorite subject ko ang Biology dahil kay Miss Zambrano. Ang galing niya kasi magturo. Ako naman, laging nag-aaral at ginagalingan sa mga presentations at mga quizzes niya dahil magaling siya magturo. Naging interesting para sa akin ang Biology dahil bukod sa pinag-aralan namin ang penis and glans, scrotum, testicles, vagina, uterus, ovaries, at ang fallopian tubes, interesting din kasi iyang si Miss Zambrano. There is something in her na miski man isa siyang malaki at punyetang bitch in an ironically small package, rerespetuhin mo siya at igagalang in such a way na malalapitan mo siya ng hindi natatakot at mababati at makakausap mo siya kapag nagkasalubong kayo sa may lobby ng MST.
Pero ngayon, hindi ko na alam kung nasaan si Miss Zambrano. Wala na akong balita sa kanya mula third year high school. Ang alam ko contact ko siya sa Friendster, pero tatlong taon ko na yata hindi ginagalaw ang account ko na iyon. Pero ayos lang naman, dahil tuwing nakikita ko at isinusuot ang salamin ni Diane Inday, naaalala ko yung moments na kung saan hangang hanga ako kay Miss Zambrano.
Hindi yan bola, ah. As if naman may magagawa pa ang pambobola ngayong third year college na ako.

1 comment:
einzweihander.blogspot.com is very informative. The article is very professionally written. I enjoy reading einzweihander.blogspot.com every day.
canadian payday loans
canadian payday loans
Post a Comment