Monday, April 30, 2007

Habang Nakaupo sa Bangketa

Before anything else, happy 19th birthday LT. Yaks. Tanda mo na.

Hay. always remember to trust your instincts. For the nth time in a row, hindi ko na naman ito sinunod. Basta. I had a feeling about tonight, at akala ko hindi na mangyayari. Yun pala, sasabihin ko rin ang mga linyang "at the end of the day, it's just me and my phone." Sad. At mamayang gabi/umaga sa aking pagtulog, malamang, sasabihin ko na "at the end of the day, it's just me, my phone, my bed, and my pillows."

*sigh*

I wish ganun nga, pero there is no fcuking way na mangyayari yun. Dream on, asshole.

At paki consider na lang po ang following statements or whatever na tawag niyo dito:

IA.
Meron giant acacia tree (acacia ata yun) sa may kanto ng Rainier at Shasta, dun sa bagong bahay na dalawang lote ang sakop. Yung bahay na may fountain at catwalk. Basta, may magandang tree dun na may yellow blossoms na parang orchids. Basta. Ang ganda talaga nung punong ito every summer. Every time na dadaan ako dun, palaging may nalalaglag na yellow petals. So, nababawasan ba ang ganda nung tree everytime nababawasan ito ng yellow petals? No, I don't think so. Miski may malaglag na isa, hindi pa rin nababawasan ang ganda nung puno. Parang walang pakialam yung ibang flowers kung may nalalaglag na isa, kasi hindi pa sila nalalaglag.

IB.
May isang [insert proper collective noun here] of [insert animal here]. Marami. Tapos, sinugod ng [insert predator here] ang [proper collective noun]. May nahuling isa. Nakapatay. Nakain. So, magluluksa ba ang [proper collective noun] dahil sa pagkawala na iyon? Well this time, it depends. Kung ang napatay ay yung leader/boss/dominant male, malamang, there would be a great impact dun sa [proper collective noun]. Pero kung isang pipitsuging member lang ang napatay, well malamang wala, malamang life would go on for the [proper collective noun].

IC.
Isang super sikat na artista ang nagshow. Ang daming fans na nagpunta. Hindi maiiwasang magkasakitan. So ayun, nagkaroon ng injuries. Will the show stop? No, duhness. Kaanu-ano ba nung artista yung fan? At sa tingin mo ititigil ang show dahil lang sa injuries? For crying out loud, someone needs to die. Kailangan kasing kumita eh.

II.
Halos alam mo lahat ng birthdays ng mga kaibigan mo. Um, wrong word usage, mga classmates mo. Miski yung mga hindi mo masyadong close, binabati mo. You spare them the thought. Pagdating ng birthday mo, alam mo na kung sino ang babati sa iyo: yung mga close friends mo na naalala ang birthday mo.

III.
Niyaya ka sa isang party. Medyo hassle sa iyo kasi malayo, pero pumayag ka pa rin kasi niyaya ka mismo. Nakakahiyang hindi pumunta. So ayun, nagkaroon ka na ng feeling na hindi ka mag-eenjoy sa party na iyon. Pero sumama ka pa rin alang-alang sa kaibigan mo. Okay lang sa simula kasi naglalaro ka ng PSP nung isa mo pang kaibigan, pero nung kinuha na niya ito, nakatunganga ka na lang sa air. Kinabahan ka na. Pero dumating ang iyong close friend. "Yes, may makakausap na ako." Pero nagkamali ka. So lumabas ka na lang ng bahay at umupo sa bangketa habang tinetext mo ang isa mong kaibigan. Narinig mo ang ingay ng mga tao sa loob. Narinig mo ang pag pssssk ng mga softdrink at ang kalansing ng mga serving spoon sa mga pyrex na lalagyan. Wala atang nakapansin sa iyo na wala ka sa loob. Walang nakahalatang lumabas ka. Walang naghanap sa iyo. So pumasok ka na lang at kunwari, walang nangyari.

IV.
Excited na excited na excited kang nagpunta sa masayang despidida ng isa mong not-so-close-pero-tinuturi-mo-na-ring-close-kasi-wala-kang-masyadong-real-friends friend. Kasama mo ang 2 mong best friends (na alam mong best friends mo talaga kahit anong mangyari). Ayun, dumating kayo sa lugar nung despidida. Hi dun, hello jan, kain dito, kain doon. After 30 minutes, umupo kayo sa may hagdan. Wala na kasing pumapansin sa inyo except yourselves. So naisipan niyo na lang na maglakad-lakad kasi tutal naman, kayu-kayo rin naman ang nagpapahalaga sa isa't isa. Nagpunta kayo sa Jollibee at nung pabalik na, nagkaroon ng isang engkwentro with goons. Pero you managed to escape and stay alive. Pagbalik, tinanong nung mga naiwan kung saan kayo nagpunta. Nagpicture taking daw kasi eh, at wala kayo. Tapos, sinabi niyo sa isa't isa na wala rin namang mangyayari o mababago kung andun kami sa picture o wala eh. Sinabi mo sa sarili mo, hindi naman mahalaga yung picture na yun eh kasi puno ng mga taong walang pangangahalaga sa iba. Sinabi mo, yung litrato ng mga anino ninyong tatlo ang litratong mas mahalaga, miski na puro anino lang ang andito. Mga anino nga, pero pinahahalagahan naman ang isa't isa.

V.
Isa kang mabait na tao at laging tinutulungan ang iba sa abot ng iyong makakaya. Tinutulungan mo ang lahat ng iyong kilala sa mga problema nila, at ginagawa mo ito sa iyong kusang loob at walang hinihinging kapalit.
Miksi hassle na para sa iyo, ayos lang, basta makatulong. Meron kang mga kaibigang lagi mo na lang tinutulungan. Ang isa, pinapakopya mo, at nililibre ka niya ng lunch in return. Well, inaasar-asar ka rin niya, pero naiintindihan mo na ganito ang kanyang paraan ng pasasalamat. Lumalabas din kasi paminsan sa mga ginagawa niya na nagpapasalamat siya sa tulong mo. Merong isa, tinututor mo at natutulog sa bahay mo tuwing exams, at dahil dito, naging kaibigan mo siya, well, kaibigan sa kagaguhan at kabalastugan. Yung iba namang tinutulungan mo, nagiging mabait sa iyo. Yung iba naman, makapal ang mukha. Lalapit sa iyo, tapos kapag tapos na, itatapon ka na lang. Well, nasanay ka na dito kasi puno ang mundo ng mga taong ganito. Yung iba pa nga, tutulungan mo talaga para hindi bumagsak, pero nagpapabaya pa rin. Nakakalungkot. Hindi pala. Nakakaiyak at nakakasira ng loob na isiping ang lahat ng efforts mo ay bale wala lang pala sa ibang tao. In short, isa kang mabuting trapo. Paminsan, isasampay ka ng maayos ng gumamit sa iyo, mas madalas, ibabalandra ka na lang kung saan, at ang mas masaklap, paminsan, sisirain ka pa. Sira-sira ka na nga, sisirain ka pa. Gagawin kang basahan ng mga basahan, pero ayos lang sayo kasi mabit kang basahan.

VI.
Hindi kasi lahat ng tao ay katulad mo.


Para maiba naman,

*buntong hininga*

Creative ako eh. Whatever.


And so, what is the meaning of life if you are not existent in the life of others? Does this mean na we wake up and go to bed everyday without someone or at least anything to hold on to?

Correction, correction, correction.

Chigaimasu, chigaimasu.(Wrong, wrong.)


"At the end of the day, it's just me, my phone, my bed, and my pillows."

Ashita wa kyou to onaji mirai...

Sunday, April 29, 2007

Hayaku, hayaku

Asar. While I was creating this post, nawalan ng kuryente. Fcuk. Nasa kalagitnaan na ako nun nung post ko. Imagine? So tinamad ako and it took me a few days before I finally decided to post again. Sinigurado ko munang stable ang kuryente. Kind of.

Monday na ulit bukas. Parang etong Sunday pa lang yung Sunday na bago mag pasukan. Parang kahapon lang, sinasabi ko sa sarili ko na fcuk, may pasok na sa Monday! Shet. Pero wow, lumipad ang panahon after the slow, slow, slow first few days of summer class. Bukas, 3rd week of classes na.

Oh no. Watashi wa ashita to Japanese no shiken. Hindi ko pa memorize ang katakana. Ewan ko kung tama ang sentence construction. Intermediate Japanese daw ituturo yun eh. Hay, at tinatamad pa akong tapusin ang flashcards ko.

Fcuk. Wala na akong maisip na maidagdag sa post na ito a. Pesteng Meralco. Bakero Meralco no pawaa denki shain. Sorry kung parang mushrooms ang japanese, kasi gusto ko talagang matututo eh. Sabi nila, mas matututo raw kapag pinapractice.

Oo nga pala. Ang nasakyan ko ulit na jeep nung isang araw ay ang jeep ni Kuya Ronnie. Hindi pala siya nag-aaral. Yun pala yung course niya dati. Akala ko, nag-aaral ulit siya. Hindi ko kasi masyadong naintindihan at naprocess kasi medyo bangers ako nun kasi inaantok na hindi makatulog kasi ayaw maging bastos. Nagkuwentuhan ulit kami ni kuya, at ang naging topic naman namin ngayon ay ang kanyang anak. Meron siyang 4 na anak, at ang panganay ay 3rd year high school na/pa lang. Matalino ang anak ni kuya, kasi ayon sa kanya, madalas daw na first o second honor siya. Lagi ring sinasabi ni kuya sa kanyang anak na pag-butihin niya ang pag-aaral para makapasok siya sa UP. Sinabi ko kay kuya na ipasubok niya rin ang kanyang anak sa Ateneo, kasi meron namang Financial Aid for the needy people. Pero mas gusto ni kuya na sa UP na lang kasi sabi niya, "kasi kung dito sa UP, kung magkaproblema, at least nandito lang ako at madali niyang matatawag."

Ah, family.

Parang si Charlie na pinagpalit ang gigantic chocolate factory ni candy tycoon Willie Wonka kasi kung pumayag siyang manahin ang oompa loompa-run chocolate factory ni Willie, forever niya na raw hindi makikita ang kanyang pamilya. Sorry ha, yun ang palabas sa HBO kanina eh. Sabi ni Willie Wonka, sagabal daw ang family, "always telling you to do this and don't do that. I think that is very unconductive for success..." Pero para kay Charlie, family ang lahat para sa kanya. "When I'm sad, I just think of my family, and I don't feel sad anymore.

In the end, naging business partner ni Wille si Charlie. At nagmove in na sina Charlie sa factory ni Willie. Like duh, happy ending of course. Alangan namang may kumalat na G-virus ng Umbrella Corporation sa factory ni Wille kaya't kinailangang pasubugin ito.

Grabe ang warm fuzzies ng pelikulang ito. Ah enough enough. I had enough of those things already. Lalo lang akong nagiging torn apart.

Hindi mo ba nararamdaman na pinaglalaruan lang tayo ng keeper of time, kung meron mang ganun? Kasi, paminsan, stagnated tayo sa eternity, at paminsan, accelerated tayo to infinty. Parang first day pa lang ng summer ah. Actually, parang first day pa lang ng college. Heck, natatandaan ko pa nga yung wierd silence nung first day of high school. I hated my uniform kasi it was too goddamn big for me.

At kapag may hinihintay ka, bakit ba parang tagal umusad ng oras? Shet. Another one of life's ironies. Time will fly if you are enjoying yourself, time will slow down if you are irritating yourself.

Omg. An idea just struck me now.

Kung gusto mo nang mamatay, mag-enjoy ka nang mag-enjoy. Hopefully, time would accelerate in a sonic sense na bigla mong mauubos ang upper part ng hourglass nung bagay na tinatawag na "life." O di ba, mas maganda (at mas masayang way) of committing suicide.

Kapag gusto mo maging immortal, do yourself a favor and bore yourself to death. Ironically, it will stagnate the flow of time for you.

And another trail of thought is entering my mind now as I read the previous lines.

Happiness is just a fleeting moment. So make it worth it?

I guess. You have to be realistic to make yourself happy in the shallowest of things. But... being idealistic is much more easier. Being realistic is hard because you have to depend on other people.

Wow, reality is not what is real for you, but what is real for others.

Ironies, ironies.

Thursday, April 26, 2007

Ang Mahabang Jeep ni Kuya Ronnie

Hay nako.

Ayoko maging freeloader. Pero ano naman ang magagawa ko? Isa lang ang konpyuta sa bahay. Mabait naman akong daigakusei kaya nag-aaral ako sa psych miski na nakasasabaw. Parang kung babasahin mo lang yung part 1, less than 5 pages, tapos kapag isasama mo na sa iyong to-do ang part 2, manganganak ang iyong shukudai to an outstanding 30+ pejiu. Amfufu.

So ayun, mga 9:00 pm pa lang, sinabi ko na kay ojii-san na gagamit ako ng konpyuta kasi nga may group paper na ipapasa bukas (well dahil Thursday na, mamaya pala). After 3 hours pa ako nakagamit. Kasi naman eh, kung anu-anong manilyn sites ang pinupuntahan niya. Nakakainis. Sinabihan ko na siya na iwasan niya ang pagpunta sa mga prono (oo, PRONO) sites kasi nga, baka mavirus na naman itong konpyuta eh. Kasi naman no. Sisira-sirain nila yung computer, tapos ako taga-ayos? Putanjaina. Ano ako, sidesweeper clad in hot attires? Tagalinis ng kalat ng iba? Buti pa sila, may sweldo, eh ako? Ayun. Hunf. Sana lang matapos namin agad yung paper na ito para naman hindi na naman ako A JUICES bukas (mamaya pala). Magmememorize pa ako ng katakana eh. Amfufunesska.

Well, hindi kasi ako natulog sa jeep you see. Kung natulog lang ako, siguro mas maaga kong natapos yung binasa ko sa psych (na less than 10 pages ata). Kasi kasi, ang nasakyan kong jeep eh jeep ni Kuya Ronnie, yung driver namin sa TD dati. Umupo pa nga ako sa harap para makapag-usap naman kami ni Kuya.

"San ka na ngayon?"

"Sa Ateneo pa rin, kuya."

"Ah, ako eto, driver pa rin."

Well, saddening. Kasi parang hindi kontento si Kuya Ronnie sa buhay niya. Eh ayaw ko naman i-chizm kung bakit. Nakakahiya naman no. Pero nalaman ko na isang mabuting anak si Kuya Ronnie sa kanyang mga magulang, bumibiyahe rin papuntang Cogeo Labas (kung saan man yun), at kasalukuyan siyang nag-aaral ng Electrical Engineering sa isang pamantasan. Sinabi niya sa akin na paminsan, naiinggit siya sa mga estudyante na nakikita niya kasi noong araw niya, hindi nga siya nakapag-aral.

"Yung iba pa nga, ayan na't nakakapag-aral, hindi naman siniseryoso. Sayang lang ang ginagastos nila."

Medyo natameme ako ng kaunti. Siguro, alam ng iba kung bakit.
[Wala akong pakialam kay Resitesil Amenos Malleolai. FYI lang mga betch.]

"Oo nga kuya eh. Sayang yung mga gusto talagang mag-aral pero hindi nakapasa. Sana sa kanila na lang napunta yung oportunidad, ano?" I really meant what I said.

"Oo."

Sadly, kailangan ko nang bumaba. "Sige kuya, salamat, dito na lang ako."

"Sige, ingat ka."

Hay. Nakakalungkot paminsan. Buti pa si Kuya Ronnie, may concern.
[Oo nga pala, isipin mong tae ka. Ayan. Hindi na ako masyadong malungkot.]


Pinag-usapan rin namin yung terminal ng jeep sa may Ylanan, yung sa tabi ng alumni. Bah. Malamang hindi niyo alam kung saan yun. Araw-araw ko yun nilalakad. Araw-araw ako sumasakay doon ng jeep papuntang Katips (na ang kolektor ng pasahe ay si Kuya Louie -- ewan ko kung pangalan niya yan, may ganyang tato kasi siya eh).

Hay. Napagod talaga ako ngayon ng sobra. Pero ayos lang. Nakausap ko naman si Kuya Ronnie eh. Masaya naman ako na okay naman siya.

Ay oo nga pala, madyo matatakutin si Yanyan. Naglalaro kami kanina nung The House ata yun, tapos nagtatakip ng mata. Haha. Pero mas matatakutin si Thomas. Ayaw tingnan yung severed ulo sa microwave. It was funny, medyo natatakot din ako, pero tinatawa ko na lang.

Tawa tawa tawa. Lagi ka na lang tumatawa.

Tuesday, April 24, 2007

Puwet-ry sa Banyo

"I was tumatae kanina when I realized how trapped I was, you know, as a panganay, as a student, as a teacher, as a writer. That's when I said to myself, 'Gusto kong maging ibon, yung may layang lumipad.' Gosh, I'm writing poetry in the banyo! Ya, I know, it's not entirely original, but I like to think of it as the fusion of tradition and my individual talent."

Nagmula ang sipi na ito sa blog (ay, handout pala) ni Sir Yol. [Tsktsk. Patay. Proper citation ni Kate Turabian. Ano ka ba?! Parang wala kang natutunan eh!] [[Hoy meron naman no. Tama yung sentence ko after nung sipi. Walang "ay."]] Well, I was tumatae kanina when I realized how trapped I was, trapped in a sense na parang hindi ako nag-iiba miski man gustuhin ko. Habang tinitingnan ko ang umalipuyong tubig na tinatangay pababa ang what became of the 1 pc. Burger Steak extra rice and Mango Crema Ice Craze, naalala ko si Sir Yol. Well, dahil sa kanyang post, hindi dahil sa mga aliens na umiikut-ikot pababa. Ay, oo nga pala, nakita namin ni Merodi-san si Sir Yol sa may harap ng Faura. Hindi ko siya namukhaan kasi may cap siya. Oo oo, isa sa mga favorite teacher ko si Sir Yol kasi isa siya sa pinakakamatinong teacher ko sa aking unang taon sa kolehiyo. Funny, witty, nice, considerate, lovable, nakikiangkop, at most of all, hindi nagchechek ng attendance. Ata. Buti na lang, andun si Sir Yol nung 2nd sem, kung hindi, baka nabaliw na ako sa mga prof ko no. O di ba, tapos na yung sem, dun pa lang sisipsip.

Going back to "I realized how trapped I was" na naisip ko sa banyo, ayun, I realized how trapped I was. Ang dami kong gustong baguhin sa buhay ko, pero hindi ko magawa-gawa. Ewan ko. Kasi either 1) may external at higher powers na nakakaapekto sa akin, 2) hindi ko kaya, o kaya 3) hindi ko na alam.

Parang kanina sa psych. May game. Excited na excited naman ako. Sinabi ko na sa sarili ko na no more childishness, pero I guess my instincts ran me over. Ebak kasi si Sigmund Freud and his Psychodynamic approach. Dapat naisama na sila sa brown stuff na finlush ko kanina.

Ang dami kong gustong baguhin. I want to be more disciplined sa mga plans ko for the day. I mean, lagi na lang ako nag ooversleep sa aking mga afternoon power naps. Parang ang 30 minutes, nagiging 2 hours. Yay. Daig pa ako ng ipis kung makaaral ako. Tse. Tzetze Fly sa Chrono Cross, na Black ang Innate.

Basta. Marami akong gustong baguhin sa sarili ko pero hindi ko magawa.

Naisip ko rin sa banyo ang Moomoo, Diablo II: LoD, at DrumMania. Parang sobrang inanticipate ko magMoomoo tapos nung nagmuMoomoo na kami, hindi na ako excited. Hindi na ako thrilled. Yung DrumMania, matagal ko ring nakasama, pero parang biglang naglaho sa buhay ko. Yung Diablo rin, nagdisappearing act, pero mukhang may reappearing act sometime soon. Amf. Amfufu. Amfufuness. Amfufunesska.

Lagi na lang akong nadidisappoint eh. Ang taas marahil ng expectations ko. Well well, oras na upang lumangoy sa burak. I mean, hindi na ako mag-eexpect. Well, I will try. Pramis.

Tapos grabe sa psych. Bakit parang kilala ako ng mga classmates ko? Tapos ako, hindi ko sila masyadong kilala? Kasi nga, may game. Tapos tinatawag nung random machine [na may error ata, kasi mga 8-9 times natawag si Mika] yung representatives. Kapag ako ang tinatawag, ang groupmates ko eh tumitingin sa akin. Pero kapag sila ang tinatawag, nanghuhula ako kung sino sila. Masama ba yun? Hindi ko sila kilala? Well, sige sige, I will put more effort na matandaan sila. Pramis.

Ayan ha, "pramis" ang ginamit ko, hindi "promise." Hindi ko kasi alam kung magagawa ko eh.

I am only human. Hindi ako demi-human. I wish.

Pero nakakadisappoint kasi ang aking schizophrenic self ay nagiging active na naman. Nooo. Ayoko ng ganun. Nagiging jelly ako sa mga bagay na hindi naman dapat. Nagkakaroon ako ng lingering thoughts na nakababagabag.

Kailangan kong matutunan ang aking realization na ito:
"Hindi ka magiging fulfilled if you keep expecting more from yourself."

Napakafitting ng insight na ito sa banyo. Isipin mo na lang na tae ka. Malamang, magiging masaya ka.

Try ko ha, sabihin ko kung effective.

'Wag mo lang ako iflush, ha?

Sabi nga ni Sir Yol:
"Tired, so tired."

Palagi naman eh.

Ooh. Refreshing maghugas ng puwuwety after mo continuously maupo sa isang rickety dining chair ng mga 3 hours kasi pilit na nag-aaral ng psych.

Monday, April 23, 2007

Sparkling Water sa Kusina

Birthday ni ate kanina (well, kahapon to be exact). She turned 25, at sabi ko sa kanya, gurangutans na siya. Well, mukha pa rin naman siyang bata kasi petite ang size niya. Sabi naman niya, sinasabihan na siya ng "ma'am" kapag rumarampa siya sa SM. Eh ako rin naman eh. Um "sir" ha, hindi "ma'am." Kaunting utak naman dyan please.

Halos buong araw ako hindi gumamit ng PC yesterday (kasi Monday na ngayon). Ewan ko. Ah, kasi may pila. So ayun, pinabayaan ko na lang sila. Considerate person ako eh, I'm not greedy or gahaman or any of that sort. Well, maybe sometimes though.

Habang nakahiga sa kama, naalala ko ang movie na 300. Naalala ko ang mga beefy men na andun. Naalala ko na sinabi ko sa sarili ko a few years back na magpapagayot ako some way or another. Yung kuya ko kasi eh, inaasar ako nung mga araw na nilalamon ako ng obesity. Horrible horrible. I had like 3 layers of bilbil, and my face was chakaness like siopao. So ang first step sa "Operation Jetajeta" was to slim down. After 2 weeks of not eating dinner, from 140+ lbs, naging mga 120+ na ako. Hah hah hah, I was laughing behind my brother's back. Nyeh nyeh, tataba ka rin someday! And he did, para siyang sedentary tatay sa tiyan niya ngayon. Beh. Anyway, sinabi ko na ngayong payat na ako, Magpapalaki na ako ng katawan. Sinabi ko dati na gagawa ako ng at least 20 push-ups, 20 sit-ups, basta mga exercises na magagawa sa bahay. So ayun, after 3 days, I stopped. Last year, I got motivated again, and after 1 week, tumigil rin ako. Sobrang excited na excited ako maglaro ng Moomoo. Ngayon, hindi na. Hindi na rin ako masyadong naglolog-in sa ArdentRO (in fact, 1 week na ata). Gusto ko ko na kasi maglaro ulit ng Diablo II: Lord of Destruction. Miss ko na si Zion, ang aking lv. 80+ Vengeance Paladin. Oo, nakapangalan yun after Zion Laterre, yung player nung Ateneo. Sad, hindi Douglas yung name nung barbarian ni Ej.

Napansin ko lang na ang bilis ko mabagot sa mga bagay na sobrang inasam ko in some way or another. I promise my self na gagawin ko ito or ayun, pero hindi ko naman nagagawa. Pero kung magpromise ako sa ibang tao, it's either nagagawa ko or hindi ko sonasadyang makalimutan kasi kulang ako sa "Memory Enhancers" ng Sustagen. Napapansin ko rin na lagi kong inuuna ang iba, at hinuhuli ko ang aking sarili. This isn't a bad thing isn't it? Alam ko hindi. Pero sabi ng mga close friends ko, "Give time for yourself. Learn how to say 'no' sometimes Rudolf." Like syempre I will say no kung pinakiusapan akong tumalon sa 3rd floor ng Gonzaga. I appreciate the concern, pero I don't see what is their concern for me all about. Naabuso na raw ako. Hindi pa naman ako nagagang-up at nabubugbog, so medyo hindi ko gets.

Or baka I just refuse the truth na inaabuso at tinitake for granted lang ako. Is this optimism or already a delusion?

Niwais, habang nakaupo ako sa long john at hinihintay si mamie matapos iedit ang letter niya, naisip ko na tumatanda na kaming mga anak nila. Sila rin, tumatanda na. 54 na si dadee. Dumadami na ang mga puting buhok ni mamie. Kaka 25th birthday lang ni ate. May trabaho na si kuya. II BS CS na ang nasa ID ko, hindi na I BS CS. Inimagine ko ang nuclear family ko na parang pamilya ni Nelvin habang nakatitig sa 6 na bote ng Summit Clear Sparkling Water na nakapila sa banggerahan sa kusina. Si Kuya Edwin, matagal nang nasa States. Si Ate Eilyn, nasa Indonesia, nagtuturo sa preschool if I'm not mistaken. Si Ate Kathryn, nasa States na rin ata ngayon. Ang mga magulang ni Nelvin, retired na, pero patuloy pa rin sa family business nila. Napaisip talaga ako. Naisip ko kung ano ang gagawin ko sa pinakauna kong sweldo kapag graduate na ako. Inisip ko kung anong bill ba ang babayaran ko kapag may trabaho na ako. Inisip ko kung ano na ang ginagawa ng bawat member ng pamilya ko.

Tinitigan ko si mamie.

Tiningnan ko si dadee.

Pinakinggan ko ang hilik ni kuya.

Pinakiramdaman ko kung ano ang ginagawa ni ate sa itaas.

Pinag-isipan ko ang lahat ng mga ito habang pinagsisisihan ang flavor nang sparkling water na pinalamig ko. Apple Pear. Dapat White Grape. Fuck. Yun yung masarap eh.

Inisip ko, "Siguro, mabait talaga ako." I mean, miski naaabuso na ako, okay lang, basta makita ko ang isang tao na maayos ang kalagayan: walang problema at masaya. Masaya na akong makitang masaya ang iba.

Pero, masama rin ata ako. Ewan ko. I thought my family had a problem. Pero I guess, ako ang may problema.

Fuck. Lasang panis na pinaghugasan ng 20 pairs of brazilian feet yung Apple Pear. Fuck fuck fuck.

Saturday, April 21, 2007

Voice

Gago. Hindi yan yung cracker sandwich.

Kasi naman eh. Ang tagal-tagal ko nang ibinigay kay mamie yang Scholarship Update Form na yan, at ngayon niya lang nalaman na kailangan pala ng Certificate of Employment ng mga nagtratrabaho sa family. Sheesh.

Nagsimula yun nung breakfast. Tinanong sakin ni kuya kung kailan yung deathline nung pakshet form na yun. Sabi ko, Monday.

Tanungin nga kita: Alam mong napakahalaga ang form na ito. As in napakahalaga, as in my life depends on it [for some reason or another], as in kapag nawala ito, maggugunaw na ang mundo ko [kunwari lang, pero ang totoo, hindi]. Kapag late, hindi na tatanggapin. "Monday." Ano kayang Monday yun? Like duhness, dahil sobrang taisetsu na yung form na yun, last Monday. Duh. Duh. Duh. Kaya nga importante eh, hindi gagawing late.

"Last Monday?"

Well, enemphasize ko lang ng kaunti yung "This" sa sagot ko na "This Monday."

So ayun, sabi ng mamie, bakit daw galit ako agad and everything. Dada dito, dada doon. Well, for one thing, kakagising ko lang nun eh, so sorry, inaantok pa ako. And another thing, hindi ako galit. Ganoon lang talaga ako magsalita. Ganoon yung normal voice ko. Ampf. Nanay ko hindi alam kung paano ako magsalita. Ampon siguro ako.

Sinabi ko na kay mamie nung Monday na isubmit ko na sana yung form na yan sa Thursday. Napakacooperative naman ni mamie at ginawa ang letter niya nung Thursday late evening. Wee.

At dahil gusto ko na talagang ipasa yung form na yan kanina, kinukulit ko si mamie. Sabi ko 10:30, alis na ako ng bahay kasi nga hanggang 12 lang ang OAA. Compare niyo ang mga ginawa namin ha:

9:00: Kumain kami ng breakfast. Oo, breakfast.
9:20: Niligpit ko ang hapag-kainan. Nagbasa ng chika si mamie.
9:25: Natapos kong iurong ang mesa. Nagbabasa pa rin si mamie at nagtetetext.
9:30: Watashi wa hajimemashou no shukudai desu. Si mamie, nag-ayos ng gulay sa crisper.
9:45: Gumagawa pa rin ako ng homework sa JSP1. Nagluto na ng tanghalian si mamie.
10:15: Naligo na ako. Nagluluto pa rin si mamie.
10:30: Good to go na ako. Saka pa lang finifill-upan ni mamie yung form. Hindi pa niya naeedit yung letter niya. Ieedit pa niya raw yun kaya hindi pa niya pinaprint. Yung letter ko, good to go na rin.
10:45: Naglaro ako ng O2Mania. Wala pa ring balita kay mama.
11:00: Omg. B ako sa Kan Kan sa StepMania. Wala pa rin~
11:15: Narealize ni mamie na kulang pa ang requirements. Ngayon niya lang narealize. Ako, naghanap ng Ohayou (Hunter x Hunter) sa Limewire at dinownload ito.
11:20: Natapos ang download nung Ohayou. Kumuha ako ng lyrics ng Tentai Kansoku sa GDAmania kasi itratranslate ko to hiragana for practice.

So ayun, narealize ni mamie na kulang pa yung reqs, narealize niyang 11:30 na, at narealize niyang hindi na ako aabot sa OAA. So tinanong niya sa akin kung aalis daw ba ako.

"Pupunta akong school eh."

"ANO BA! IKAW KAHIT SINO TINATAASAN MO NG BOSES! ABA, RODOLFO, LUMAGAY KA NGA SA LUGAR! ANO NA LANG BA AKO SA BAHAY NA 'TO HA?"

Pramis. Demo ko pa kung paano ko sinabi yung "Pupunta akong school eh." Pramis. Tumahimik na lang ako.

Ang hirap maging anak na full of emotions. Negative, positive, basta emotions. Alam niyo naman siguro kung paano ako magsalita, hindi ba? Kung hindi, tawagan niyo ako or something. Magcomment lang kayo at iwan ang number niyo dun or ibigay ko number ko sa bahay. Sa sobrang daming nangyayari sa loob ko, paminsan, I must admit, nagkakaroon ng mga hindi sinasadyang tono sa boses ko. Well, hindi ko naman sinasadya. Sorry kung may napagtaasan ako ng boses for no reason at all. Gomenasai. Hindi ko talaga sinasadya.

Buti na lang, after that, wala nang incident that needed for me to speak. Ay meron pala, tinanong kung anong oras ako uuwi.

"Ma-ma-ya."

I think yun na ata ang pinakamonotonous na sentence na nasabi ko ever sa buhay ko.

Tse. Walang tao sa Webtown. So hindi nangyari yung chance for redemption ko. Iie iie iie. So naglaro na lang kami ng Moomoo. Ginamit ko si Tygore Dusthoof, and wow, isa na rin siya sa mga favorite ko. Lahat ng excitement ko kahapon, sobrang todoinks. Nawala. I didn't feel the call of that place. Grabe naman. Ang bilis nawala ang urge ko.

So kumain na lang kami sa Jollibee. Nag-order ako ng Value Meal K1, extra rice, at Ube Keso Ice Craze. Masarap naman, ang weird lang nung texture nung cheese. Buti na lang, kasi mukha raw Gerber yung saba con hielo.

Tapos may tumabi samin na couple na feelinggero't feelinggerang ingglesador at ingglesera. Hindi naman sila mukhang Amerika-jin. So ayun, sinidestab na lang namin sila gamit ang Chinese, Japanese, at Sign Language. That was relieving, I tell you.

It was such a relief. Buti na lang, tumabi yung dalawang yasui no hito na yun sa amin.

Nakakataba kaya ang Ice Craze? I plan on eating one everyday. Ang init din kasi eh. Pero dahil malamig, baka maapektuhan ang boses ko. Well, singer ba ako, aber?

Lose... my... voice?

Hindi ba nawalan na ako ng boses a long, long, long time ago?

Ah, voice as in voice na nakakaapekto sa sound, voice na gumagawa ng sound waves, etc. Basta, yung boses na naririnig.

Excited na ako. Wee.

Friday, April 20, 2007

Webtown, Webtown, Him5's Webtown

Four weeks na lang, tapos na ang summer. Malas. Hindi jiarkuls ang B-209. Atsui atsui atsui.
Wah. Madalas tuloy magamit ang lacy homosexual/effeminate fan. Hihi.

Buti pa ang SS-288. Jiarkuls. Psych class pa: very conductive for listening. Verrrry.

Oi, hindi ako nalate for 1 week. Nagkaroon ako though ng 2 buzzerbeaters, but hey, hindi pa rin ako nalate.

New class, new classmates. Ang mga kilala ko na by face ay sina Ervin Dy (kasi kablock ko sa english dati), si Gab na nasa likod ni Liban aka Janjan (kasi galing sa high school), at si Greg na laging nagrerecite (kasi King ang last name nya, at gusto kong tanungin kung kaano-ano niya si Mr. Simon King of the Economics Department, the guy who I interviewed for my stupid 75/100 research paper). Ewan ko lang kung kilala nila ako though. What the heck. Kung magwave ako sa kanila outside class, will they wave back? Tse.

Nung sumali kami sa Amazing Race (kuhanan ng cards), naglaro kami ng Hero Siege. Ginamit ko nun yung kamukha ni Invoker nung nasa Dota pa sya dati. Aliw ng ulti nya. Nung ass-ic registration, naglaro kami ng Moomoo. Tinest ko si Eyobel, at wow, favorite ko na sya. Bukas, bibilhan ko siya ng Axe of Illusions, Quatl Bar, Ragnarok, tapos yung mukhang MKB. Hindi ako adik kaya hindi ko alam yung mukhang MKB.

Matagal na akong hindi umapak sa Webtown ever since this 1st part of the summer break. Nawala kasi ang addiction ko sa lugar na yon eh. Kaya nagulat ako nung malaman ko na buhay pa ang account ko at just recently, nakaconsume na ako ng 100 hours. Omg. I have spent P2,100 already. Pero okay lang, kasi I think well spent yun.

Lagi ko rin nakikita si Miko dun. Grabe, yung time left niya. "Time Left: 10:53"

Hindi na rin si Kuya Ryan ang tao sa counter. Si Kuya Jojo na. Tinanong ko dati yung mukhang may ari ng Webtown kung nasaan na si Kuya Ryan, pero ang sabi niya, "Ah si Ryan, wala na siya eh." Inabduct ng aliens? Sayang sayang. Mabait pa naman si Kuya Ryan.

Webtown, Webtown, Him5's Webtown.

Lumaki na ang Webtown. Nagulat talaga ako dati nung biglang lumaki. Well siguro, matagal na talaga akong hindi nakakapunta dun. Hindi ko na naging bahay ang Webtown after ng 1st sem. Kung dati-rati, every T-Th ako nagpupunta dun or tuwing maaga ang tapos ng classes ko or kung walang Lit13. Naalala ko pa ang Elemental TD, Line Wars TD, at Warhammer. Nagretire na si Fukiwow sa Dota eh. Pero there was a time na hindi ko nalalanghap ang malamig at artificial na simoy ng hangin ng Webtown. Hindi ata ako umapak dun for months at a time. Pero ngayon, I long to be there again.

Such a great place it is. I mean, yun lang ang lugar kung saan sama-sama at peacefully [?] nagsasama ang mga atenistang college, mga atenistang high school, hindi atenista, kaunting babae, mga badachi. Nagsasama ang mga nagdodota, nagdodota, nagdodota, nagdodota, gumagawa ng paper, nagyym, at naglalaro ng ibang Warcraft map. Dun lang din ang alam kong place that exists na mamumura mo ang isang taong hindi mo mamumura sa labas, well save relatives of yours na mas matanda sa iyo.

At dahil ang gandang lugar ng Webtown, ginawan ko na ito ng Editorial nung 1st sem. Tse, 5/10 ang score ko dun.

Well, redemption is at hand, kasi dun kami mag-oobserve para sa aming proyekto para sa Psychology 101.

Un! Un! Un!

Excited na ako. Wee.

Thursday, April 19, 2007

Kung Papaano Pumatay ng Cockroach

Bakit ba?








Siguro naman, lahat tayo ay takot, or at least nandidiri sa mga six-legged brown crawling antennaed freaks called ipis. Lalo na siguro sa mga flipis (flying ipises/ipes). Ang kadiri kasi ng hitsura nila, mabaho sila, kadiri yung feeling nung mga cilia nito sa legs kapag minalas kang gapangan ng isa, at parang pigsang matigas na malambot na hindi at mukhang skin cancer kapag mas minalas ka pa't kinagat nito sa iyong mahimbing na pagtulog.

At dahil sa mga rasong ito, masarap... uh I mean, laging pinapatay ang mga ipis. Kadiri kasi sila eh, at revenge na rin sa mga foul-smelling eggs nila no.

If you hate roaches that much, then makakagawa ka ng listahan kung papaano pumatay ng cockroach.

1. Pinakafamous ever. Tsinelasin mo. Malas kung mag-ooze out ang juicy internal smelly white juices nito.

2. Halimbawa, nagbabasa ka ng latest chika tungkol kina Jennylyn at Mark. May flipis! ZOMG! Hampasin mo ng chikamenet newspaper mo. At least hindi ka airport ng flipis. Ifollow-up mo ng tsinelaslap o kaya rolled-up dyaryo attack. Again, malas ulit kapag lumabas ang intestinal fluids nito, kung may intestines man sila.

3. Maliligo ka na. May ipis! Buhusan mo ng mainit at semi-kumukulong tubig straight from the takore. What do you get? Steamed ipis ala carte.

4. So okay, naliligo ka na, at biglang nag-hi ang antennae ng ipis sayo. Paano yan? Naitimpla mo na ang mainit na tubig? Never fear, gayahin mo na lang ang Aqua Bubbles Attack ni Sailor Mercury. Batuhin mo ang ipis ng suds ng shampoo. O kaya naman kung nagsisipilyo ka, duraan mo. Splakk. Watch it crawl, watch it stop, watch it die! Salamat Sailor Mercury! Parurusahan kita sa ngalan ng Mercury!

5. Oh noes! If you take a bath in a primitive/water-conserving banyo like me, nakakainis ang ipis na nagswiswimming sa timba. Do it a favor and ilagay mo sa toilet at iflush. O di ba? Instant winner ang ipis mo to an all expense-paid trip to Splash Island! Yun nga lang, walang return trip.

6. Make bomba-bomba with Baygon the icky-icky roach para sa mga sosy dyan. Well, hindi ito guaranteed effective though. Paluin mo nung lata ng insect spray para dedz. If you want an insect spray that smells like a very ancient and primitive pabango ng lola/lolo, try Big Pai Bie, available in Quiapo/Divisoria. Ancient and Primitive Cherry Fresh Scent. Love it.

7. Nasa sala ka. May ipis. Palapit na nang palapit sayo. Binubugaw mo na paalis, pero it is still after you. Anong gagawin mo? Apakan mo na lang, tapos hugasan mo na lang ang paa mo ng Safeguard 24 hour protection against germs, Alcogel, Green Cross, Betadine, Hydrogen Peroxide, Zonrox, Downy, Perla bar soap, Pride all-purpose detergent, Ariel sun-fresh, PH care, Lactacyd, Joy Antibac, Muriatic Acid, Restore 4 all-restoring formula, Lysol, Lactopafi, at kung ano pang antiseptic/cleaning agent/anti-germs na in reach. Feel the crunchy composition of its exoskeleton. Mmm mmmm. Well, ganito rin naman ang gagawin mo na mahilig na nakayapak kapag nakaapak ka ng ipis na namatay sa old age at naiwang nakahilata sa sahig. Daig pa ang Pinipig Crunch sa crunchiness.

8. Oooh, may ipis sa pader, tapos may isang butiking mukhang gutom ang naglulurk sa pader din na iyon. Takutin mo ang ipis papalapit sa butiki. Be sure you are taping it, kasi baka pwede mong maipadala ang nakuha mong video sa National Geographic/Animal Planet/Discovery Channel! Malay mo, mapalabas yan sa said channels sa iang programa nilang nagngangalang: "Feast for the Beast." Pwede mo rin itong gawin kapag may pusa around. Tag team kayo ng pusa. Munch munch for muning.

9. Sagasaan mo. Splat. Overkill!

10. Hampasin mo ng walis. Mahihilo ang ipis. Paano kaya yun? Hindi pa patay! Itapon mo sa sinisigahan mo sa likod ng bahay. Just keep your ears peeled for a distinct "pop." Hihi.

11. Gumawa ng graffiti gamit ang insect chalk. Ay, pantaboy lang pala yun. E di duruin mo ng insect chalk. Um! Um! UM! O gago! (Effective nga no?)

Pero nothing beats ipis torture. If you have the guts, hulihin ang ipis. Gumamit ng tissue, plastic, paper bag, kahon, libro, whatever device, tapos heh heh heh heh... I tried it once you know. Nakahuli ako ng ipis sa isang maliit na kahon. Tapos [censored censored censored censored censored censored]. Hoy. hindi ko nirape yung ipis no. Inalog-alog ko lang continuously for 3 hours tapos nung narinig kong buhay pa, Itinapon ko yung ipis sa isang hi-speed exhaust fan. I didn't know that its limbs could fly. Pero oh my god, buhay pa ito! So minicrowave ko na lang. Pumutok siyang parang popcorn. Hihi.

Pero alam niyo ba na kung magkaroon ng nuclear warfare, ang ipis lang ang thing na magsusurvive given the fact na hindi ito mababagsakan nung bomba atomika at hindi mavaporize? Yupyup, ang alam ko, hindi mamamatay ang ipis sa radiation. So these ipis could be the next big thing in terms of the survival of life. Yes yes, hindi tayo, pero ang mga ipis. Hindi nga sila mamamatay kung masever ang mga ulo nila eh. Well, hindi sila mamamatay agad. Like duhness, paano sila kakain kung wala ang filthy mouths nila? Derecho sa esophagus? Anally? Wowowee.

I'm sure, ayaw natin matrato bilang mga ipis, ngunit hindi natin mapagkakailang paminsan, natrato na natin ang isa nating kaibigan bilang isang ipis. Malamang, we have taken these people for granted and all, or maybe even inaabuso pa. Alam mo yun? They only want a niche in the world, as in isang tiny tiny space, tapos hindi pa natin mabigay?

Kaya the next time you see an ipis, go kill it. I mean, ginamit ko ang ipis for analogy purposes only. Ang ipis ay ipis. Ipis are disease carriers and pests to the human race. Nabasa ko yun sa isang libro eh. May [X] sa "Beneficial?" part nung article tungkol sa ipis.

Kadiri ang ipis.
Mabaho ang ipis.
Nakakasuka makahawak, makaapak, o magapangan ng ipis.
Walang mabuting naidudulot ang ipis.

Salot ang ipis.








Kaya pala.

Wednesday, April 18, 2007

Love, Yakult

Ayon sa Psychology 101, mabuti ang pagsusulat tungkol sa iyong mga emotions. It promotes better health, just like Yakult does.

I came up with this idea after reading two sucky A JUICES chapters of Santrock's stupid psych book. They call this cathartic writing, na ang nagpasimuno ay isang [insert proper adjective] man who goes by the name of Sigmund Freud.

Naisip ko lang na lagi na lamang akong api in terms of life. Pero as I see it, masaya naman ako kahit papaano. Parang amidst all the troubles I go through everyday, in the end, I still have my two legs and feet and stand up. It is a painful experience, pero hey, masaya pa rin naman ako kahit papaano. Nasanay na ata ako sa buhay na ganito.

Naisip ko kasi yung isang taong kilala ko. Palagi syang masaya, pero iba yung hapiness nya I guess. Sa tingin ko, hindi niya alam kung ano ang rejection kasi never ko pa naman siyang nakitang nireject ng tao o kaya ng isang grupo. Yun, lagi siya sigurong masaya kasi hindi siya nirereject ng tao. Pero ngayon, hinaharap niya ang isa sa mga biggest rejections sa buhay niya.

Parang... Indigestion? Gluttony? Pakonti-konti lang para matunawan, huwag maging matakaw para hindi mahirapan ang tiyan. Ang pangit naman nung analogy ko.

Pero okay lang, andyan naman ang Yakult, with probiotics for digestion.

Parang artista. Halimbawa, si Ate Shawie. Super duper sikat niya and all, miski lumobo na siya to immeasurable proportions [hyperbole to prove a point, baka makaoffend ako ng mga Sharonians diyan at bugbugin ako or something]. Never pa atang nagkatime na nawala siya sa limelight. I mean, miski nung buntis siya, nasa industriya pa rin siya. Eh paano kung for some catastrophic reason, hindi na siya sikat at biglang naging poor na silang mag-anak? I bet my pwet, mahihirapan sila ng todo. Hindi kasi ata laki sa hirap sina Ate Shawie eh. Hindi ko sila maimagine na kumakain sila ng asin at kanin for their single meal sa isang araw. I mean, mahihirapan talaga sila. O kaya si Kris diba? Masaya ba kaya talaga sila? From what I hear [hindi ko po ito opinyon, opinyon po ng ibang tao], si Ate Shawie raw eh plastic. Parang ako naman, ows? She looks nice sa screen. Eh si Kris?

Gawa tayo ng example. Kunwari, si Azerbaijanbaku, isang very poor taong kalye na hindi naligo for three years at nilalayuan ng tao ay pinulot ng Ambush Makeover. Wow, pogi nya pala, gayot pala siya, ganda pala ipin niya, so nadiscover ng Starstruck at naging next big thing sa mga tili ng mga babae at badaffy. Isabay natin dito ang pag-upos ng kinang ng isang fictitious starlet named Kristeta na super yaman at super sikat na ang pay ay nasa P750,000 per show. Pareho silang maninibago, pero mas malaki ang paninibago ni Kristeta. Kung hindi ninyo maintindihan kung bakit, too bad, hindi ko iexplain.

~

Parang yung taong palaging masaya... Sa tingin ko, maganda maging mababaw, pero hindi siguro mararamdaman ng ganitong klaseng tao ang tunay na kaligayahan. I mean, nevermind. Maybe they are, at ang hapiness na iyon ay being happy all the time.

Yung taong palaging malungkot... will never know what true sadness is? Ewan ko. Hindi ako some psycho psychologist to bother. Hindi ako kasing talino ni Sigmund Freud at ni Carl Jung or ni [insert some person with a yearly qpi higher than 2.28].

*sigh*

Ang init no? Kanina ata nasa 38.xx degrees yung init eh.

I guess life doesn't tell you na maswerte ka pala at nasa sitwasyon kang ganyan. Yun ang masaklap eh.

Dr. Shirota, do you have a Yakult for the indigestion of life?

Wednesday, April 11, 2007

Basa sa ulan



"I love walking in the rain because no one can see me crying."
- Charlie Chaplin






The greatest comedian who ever lived may be the saddest soul that died in the face of this world.

Lethargic

For the past week, I have noticed that I was sleeping a whole lot later (well earlier to be exact) than before. I was sleeping at around 4-5 am and waking up at noon. Well, for one thing, mosquitoes sting and itch when they bite. I can't light a mosquito coil in my room because it might start a fire or it might kill be due to allergic reactions. The air is also very dry and stale, not to mention it being so hot. But it is weird that my face is clearing of pimples even if I always do a graveyard shift. My eyebags aren't as prominent as before too, I think.

And for the past week, mamie isn't as naggy as before. It's alright for her, well maybe not entirely, of me waking up at noon. I don't know, but she often scolds me if I sleep through the whole morning. But the past week, she wasn't. It was again, weird to see this as she was a person of complete and exact perfection.

I was enjoying the darkness every time I turned of the bright lamp by the computer, sneaked to my bathroom and brush my teeth, and every time I lied on my back until the sandman visits me. The darkness. It is everything to me now. I feel safe when I'm in the dark. I feel secure whenever I sit myself in the corner of my old bed amidst the silent darkness. But I don't like my eyes to be closed. I want them to be wide open in the dark.

Wide open in the dark, searching for some light. Groping for some light.

And yes, I think I am going insane because 4 out of the 5 dreams I remember are about a person whom I dreamed of before and now, I am dreaming of again. It eases my pain whenever I see this person in my dreams, because in reality, I could never ever be with this person.

Sometimes, I wake up at 9. But I go to sleep again.
I wake at 10. Still sleepy.
11 am. Five minutes more, okay?
I shut my eyes for a second, and when I open them, its already half past noon.

I'm hungry, so I get up. The sad thing about waking up so late is that I get to do the dishes, which is having a very itchy and rashy effect on my left palm. Oh well.

Every time I wake up, I feel more and more lethargic. These days, I like being idle a lot.

Maybe I feel lethargic because my blood sugar levels are high or some hormonal imbalance in my body.

Well, I think it's because I am getting tired of life.


But here I am still here.


I'm tired of life.
I'm getting tired of saying I'm tired of life.
I'm getting tired of saying I'm getting tired of saying I'm tired of life.
I'm getting tired of saying I'm getting tired of saying I'm getting tired of saying I'm tired of life.
I'm getting tired of saying I'm getting tired of saying I'm getting tired of saying I'm getting tired of saying I'm tired of life....


2:38 am na. Hindi pa ako inaantok.

*edit*

3:15 na. Wala pa rin. Pero pupunta na ako sa kwarto ko to get some darkness into my eyes.