Aaminin kong naiinggit ako sa achievements ng iba.
Laging sumasayad sa isip ko na buti pa sila, nagagawa nila yung mga CS-related stuff. Ewan ko lang. Siguro dala na rin ito ng pagiging CS major ko. Tuwing nakikita kong may isang taong nagpoprogram o 'di naman kaya'y narinig na may nakatapos na ng isang project na kailangan ng programming, naiisip ko na buti pa sila, nagawa nila ang mga bagay na iyon. Naiisip ko na parang bale wala ang aking efforts kung ikukumpara sa mga accomplishments ng iba. Hindi ko naman ito nararamdaman dati, ngunit ngayon oo. Ang masama pa nito, pati ang mga kaibigan ko ay kinaiinggitan ko na rin. Kung dati rati'y masaya ako para sa mga naaabot nilang mga goal sa kanilang buhay, ngayon, masaya pa rin naman ako, yun nga lang, may kasama nang self-interrogation na nagdudulot ng malalim na pag-iisip at malaking damage sa personal ego and self-esteem.
Siguro dala lang ito ng aking three-month bout of chronic depression. Hindi ko alam.
Nalulungkot ako tuwing naiisip ko ito.
Nakalulungkot na nag-aaral ng java programming na cellphone ang platform ang isa kong kaibigan, habang ako ay naglalaro ng Warriors Orochi. Pinag-aaralan niya kung papaano gumawa ng Snake na game, habang pinapatay ko si Lu Bu gamit si Xing Cai na Lv. 82 na. Nakalulungkot na simple lang pala ang madetect ng PC ang cellphone mo. Hindi ko na alam kung ano na ang nangyayari sa akin kung bakit nagkakaganito na ako. Marahil nagiging erroneous na ang aking SPA (Self-Praise Apparatus, kung nakalimutan mo na). Ewan ko. Ay, hindi ko alam pala. Natutuwa pa rin naman ako para sa kanila dahil ang galing nila, pero yun nga. Nalulungkot ako habang natutuwa para sa kanila. Ang labo.
Pero naiisip ko naman na magaling naman ako sa ibang mga bagay kahit papaano. Yun nga lang, hindi iyon ang mga bagay that matters most ngayon or will matter in the future. I mean, hindi naman maaaring sabihin sa iyong job interview sa isang game development company na "I'm pretty good at rhythm games." Well, it might, kasi pwede akong maging tester or something. Pero hindi lang ganoon kasimple ang naiisip ko. I hope this doesn't spiral out of control once more. I don't want friendships to be tested anymore because I don't want to find out that there wasn't any friendship at all.
Ngayon, pumapasok na naman sa isip ko na lumayo muna sa mga taong ito para naman matalian ko muna ng miski tissue paper man lang ang aking self-esteem. Pero ayaw ko nang maging malungkot na naman. Hay ewan ko naman talaga, bakit ba kasi lagi na lang ganito?
Alam kong kailangan kong hindi ikumpara ang sarili ko sa mga nagagawa ng kahit na sinong tao. Pero wala naman akong ginawang iba eh. Bigla ko na lang naramdaman ang ganitong bagay sa mga taong matatawag kong naging mga best friend ko.
Hala.
"Bigla ko na lang naramdaman ang ganitong bagay sa mga taong matatawag kong naging mga best friend ko."
Naging? Bakit naging? Naging as in an action of the past?
Ano na bang nangyari sa akin.
Well, at least natapos ko na yung Evil-Dog - The Quest of Your Life [Easy] by Zweihander. Papaganahin ko na lang si SPA para naman I won't feel too bad na the world doesn't care na natapos ko na yung beatmap na yan.
Sabi nga ni Nagamasa Azai sa kanyang SSST: Huhh ha hahh! Believe!

5 comments:
kailangan mo ng heart-shaped violet gem sa gitna ng sumbrero mo para umakyat ang iyong SPA. =P
gusto ko pink yung kulay para kumpleto ang effect. haha XD
ahaha. basta wag ka lang magkaroon ng anak (na lalake) na kumukuha ng mga lalake para sa kanyang sex-scapades. =P sobrang bababa ang iyong SPA at baka tuluyang masira ang EMMY mo.
wahaha ang sama mo dun sa emperor na yun ah! XD
love kasi siya. =P XD ahehehe.. =P
Post a Comment