Sunday, March 23, 2008

Black Saturday & Easter Sunday

Ikkh. Gets ko naman yata kung bakit "Black" Saturday, pero bakit "Easter" Sunday? Ikkh talaga.

Umuwi kaming Bulacan kanina. Birthday pala ni Ninong Ador. Napakaweird kasi Sabado de Gloria, pero naroon kami, kumakain ng menudo at cordon bleu. Pag-uusapan din daw kasi nina Mamie at Tita Doret yung "surprise" handa ni Lola Pen, kasi she will be turning 80 this April 11 (pinapahanap sa akin ni Mamie kung ano raw ba ang tawag sa eightieth anniversary, kaso wala yatang tawag doon). Isasabay na rin daw lahat ng mga birthday celebrants for the month of April. May balak pa ngang magpagawa si Mamie ng tarpaulin eh, at siyempre, mukhang ako ang gagawa dahil tinanong na niya ako kung meron na raw ba akong Photoshop. Tsk tsk talaga.

At sasabihin ko rin na hindi ko naramdaman ang solemnity ng Holy Week ko this year, if all Holy Weeks are meant to be solemn, that is. But at least naman, nagawa kong makah2h (heart to heart) si God kahit papaano. At siguro, magiging kuntento na ako doon dahil never ko pa yatang naramdamang kinausap ko talaga si God.

At grabe. Napakahaba ng anticipated mass sa Bulacan. Dalawang oras. Grabe talaga. Tumirik na ang mga mata ko sa gutom. Ang bagal kasi magsalita ng pari, tapos sobrang dami pang readings na hindi ko alam kung bakit sobrang dami. As in talaga. Miski yata ang most devout Catholic, maiinis kahit kaunti sa haba. Well, ako, padrama-drama pa nung una, pero nung narealize kong sobrang haba na ng misa, naiinis na talaga ako. Sorry God. I was pushed to my gastrointestinal limits.

At yehey, buhay na ulit si Kristo. Panahon na para maging masaya kasi buhay na ulit siya. Panahon na para maging masaya kasi nailigtas na niya tayo mula sa kapahamakan at kahirapan dahil mahal na mahal na mahal Niya tayong lahat.



Ah, talaga?

3 comments:

Anonymous said...

grabe.. 2 hours? OwO wow...

Hindi ko rin maisip kung bakit Easter. Hindi ko rin nga maisip kung bakit nagkaroon ng egg sa Easter kung sa totoo lang tungkol ito sa pagkabuhay ni Hesus.

Anonymous said...

Labo diba? And rabbits don't lay eggs.

Anonymous said...

hmm.. good point. tsaka walang mga itlog na may design. ahaha