Noong kami'y paalis na para magpunta sa kapilya ng aming subdivision noong Huwebes Santo, naghanap si Mamie ng rosaryo. Dahil nga kami ay Bibisita Ingglesia, hinanap niya ang mga rosaryo niyang gamit na gamit at pudpud na pudpod. Ngunit sa isang hindi maipaliwanag na dahilan, hindi makita ni mamie ang kanyang mga rosaryo. Hindi niya mahanap ang lumang rosaryo ni nanay na galing pa sa Italy, ang rosaryong ginagamit niya tuwing papanata siya sa Baclaran, at yung isa pa niyang rosaryo na parang singsing. Sa akin siya naghanap ng rosaryo. Hindi ko alam kung bakit sa akin siya naghanap ng rosaryo. Siguro dahil ako ang unang pumasok sa kanilang kuwarto nung hinahanap niya ang mga rosaryo niya. Pumasok ako sa kuwarto nila hindi para tulungan si Mamie na hanapin ang kaniyang mga rosaryo, kung hindi dahil naiihi ako at makikigamit ako ng banyo nila dahil tamad akong maglinis ng sarili kong banyo.
Napaisip tuloy ako kung mayroon pa nga ba akong rosaryong naitatabi. Simula noong namatay si Nanay, nagdadasal na lamang ako ng rosaryo tuwing dadadalawin kami ni Mama Mary of the Block Rosary.
Bigla kong naalala na may rosaryo ako sa isa sa mga bag ko. Hindi ko na matandaan kung sino ang nagbigay sa akin noon, pero alam kong mayroon pa akong rosaryong itinatago. Hinalughog ko ang aking bag na bigay pa sa akin ni Tita Dako, ang bag kong hindi pa nalalabahan simula noong una ko itong ginamit noong ako'y nasa huling taon ng Mataas na Paaralan ng Ateneo. At ayun nga, nadama ko ang krus ng rosaryo ko sa isang maliit na bulsa sa loob ng isa pang bulsa sa may harapan ng aking bag.
Ibinigay ko kay Mamie ang rosaryo kong higit pa sa isang taon nang hindi nakaaaninag ng liwanag sa isang bulsa ng aking bag. Nagtaka ako dahil sa tinagal-tagal na pamamalagi nito sa madilim na bulsa ng aking madumi at mabahong bag, tila bago pa rin ito.
Hindi katulad ng aking paniniwala kay Kristo na naagnas na sa tinagal-tagal na panahon kong namalagi sa isang madilim na sulok ng aking buhay.

3 comments:
hala.. di ko na mahanap ang hello kitty kong lalagyan na may mga rosary ko. OwO Napapahanap na rin tuloy ako. OwO
nakasabit pala sa kwarto ko yung jubilee rosary na natanggap ko nung ako'y nag-graduate nung grade school pa ako. ayun, namumukadkad sa alikabok.
nalinis mo na?
Post a Comment