Saturday, March 15, 2008

Dear DrumMania, Tomo III Blg 7

Dear DrumMania,




Kumusta ka na?

Nakita ko si Hiro kanina sa Gateway. Wala lang. Tekken player pala siya, at ang A-game niya ay si Paul. Pero hindi niya matalo yung adik kay King. Mga dalawang beses rin yata siya tinalo nung mukhang bangag na yun. Ang itim kasi ng eyebags niya eh. Well ayun nga, buti na lang rin napanood ko kung papaano gamitin si King sa mga juggle, kasi pinag-usapan namin kanina nina Jam at Yanyan kung gaano ka-sucky ang mga grappler na King. Well, malakas naman pala yung juggle ni King eh, so habang nasa akin pa yung PS2 ni EJ, might as well give King a shot para naman hindi na puro Lili ang nilalaro ko sa PSP ni prokayotic.

Medyo malungkot ako DM (kung hindi pa ito isang given statement to begin with). Gusto ko lang talaga sana kausapin yung isa kong kaibigan, ngunit nananatili pa rin siyang mailap. Hindi ko alam kung umiiwas ba talaga siya o ano, pero yun ang aking nakikita at nararamdaman. Umalis kasi siya agad sa practice namin sa Hi16 eh. Gusto ko sanang sumabay sa kanya pauwi para naman makapag-usap kami. Gusto ko sanang malaman kung ano bang bumabagabag sa kanya, kung meron man. Kasi nga, hindi na niya ako kinakausap.

Tell me DM, am I making such a big deal about this? Importante rin kasi siya para sa akin eh. Isa kasi siya sa mga best friend ko sa college.

At alam mo, meron akong sasabihin sa iyo na sa tingin ko, kailangan mong malaman. Hindi na ako nakadarama ng kaligayahang katulad ng dati. Hindi ko na nadarama yung momentary contentment na nadarama ko tuwing uupo ako sa harap mo at pipindutin ang start at right buttons ng sabay para lumabas ang menu. Hindi ko na nararamdaman ang anesthetics ng iyong mga kanta sa aking damdamin. Hindi na nabubura ng light blue ng cymbal at hi-hat, ang dilaw ng snare, ang green at pula ng high at low tom, at ang pink at paa ng bass ang mga bagay na lagi kong naiisip. DM, nag-aalala akong baka nanlalamig ka na rin sa akin, o kaya naman ay nanlalamig na ako sayo.

Sana naman hindi. Matagal na rin ang ating pinagsamahan, DM.




Nagmamahal,
Rudolf na nag-aalala at nababagabag, kaya lagi na lang puyat dahil hindi makatulog miski siya'y pagod na pagod sa nagdaang araw

No comments: