Friday, March 21, 2008

Maundy Thursday

Dahil late na kaming nakauwi, ngayong Good Friday ko na mapopost ito.

Napatingin pa talaga ako sa dictionary kung ano nga ba ang ibig sabihin ng "maundy." Ayon doon,



-noun
1. the ceremony of washing the feet of the poor, esp. commemorating Jesus' washing of His disciples' feet on Maundy Thursday
2. Also called maundy money. money distributed as alms in conjunction with the ceremony of maundy or on Maundy Thursday


At kung hindi mo alam, Maundy Thursday ngayon.

Naging practice na namin ang bisita inglesia every Holy Thursday. Ito yung bibisita ka ng isang simbahan o chapel sa bawat station ng Stations of the Cross. Every year na lang, pakaunti ng pakaunti at palapit ng palapit ang mga pinupuntahan naming mga simbahan o kaya mga kapilya. Naaalala ko pa dati na marami kaming dalang baon na pagain at softdrinks kasi dinadayo pa namin ang Manila Cathedral at Sto. Domingo. Pero this time around, yung chapel lang ng subdivision namin ang pinuntahan namin. At wala lang, napansin din namin na kakaunti na lang ang mga taong naglalakad papuntang Grotto sa may Tungko. Dati kasi, napupuno ang mga tabi ng dating Don Mariano Marcos Avenue ng mga debotong naglalakad. Meron pa rin naman ngayon, yun nga lang, mabibilang mo na sila dahil kakaunti na lang sila.

Sa ikaapat na station, humiwalay ako sa aking pamilya at lumuhod sa pinakaunahang chapel pew. Doon, tiningnan ko si Hesus na nakapako sa kanyang krus. Pero hindi naman siya nakatingin sa akin. At sa kung ano mang dahilan, naramdaman ko na lang na tumulo ang aking mga luha. Hindi ko alam talaga kung bakit. Buti na lang, walang nakakita kaya naagapan ko ang isa pang pagpatak. Hindi ko talaga alam.

Paulit-ulit kong tinanong sa kanya kung ano ba ang ginagawa kong mali. Paulit-ulit kong inisip kung ano ba ang ginagawa kong mali kaya hanggang ngayon, hindi pa rin ako masaya. Ang dami ko na namang inisip. Nakakainis.

Medyo matagal din yata akong nakaluhod at nakatingin sa kanya. Kasi pagbalik ko kina ate, mamie, dadee, at kuya, Hail Holy Queen na ang dinadasal nila. Sa katunayan nga, hindi ko maramdaman ang tuhod ko nung tumayo ako. Hindi ko maramdaman ang tuhod ko miski na hinahaplos ko na ito ng matagal.

Pero hindi ko pa rin alam kung bakit ako naiyak.

Hindi ko pa rin alam kung bakit hindi pa rin ako masaya. Masaya naman ako, pero hindi na ako masaya.


2 comments:

Anonymous said...

*hug*

Anonymous said...

Your blog keeps getting better and better! Your older articles are not as good as newer ones you have a lot more creativity and originality now keep it up!