Hay nako. Pati ba naman ang real-life rants ko tungkol sa Christmas "Break", aabot pa dito sa aking blog? Wala lang kasi. Feeling ko yung last three schooldays of the year, nagrereklamo na ako tungkol sa break-ness ng "break" na ito. I mean, nakakainis kasi eh. Sana talaga hindi na lang nila tinawag na Christmas "Break" yung Christmas Break kasi wala namang break about this break eh. Laging may pinapagawa yung mga prof na something big, something long, and something hard over the "break". Napakalousy ng feeling ng break na ganito ano, besides the fact na wala akong baon dahil walang pasok meaning hindi ako makakagala somewhere like Timezone. Natutunan ko na kasi yung proper staple juggle ni Zafina kasi tinuro sa akin ni RB kung paano ba yung tama. Mali kasi yung ginagawa ko. At gusto ko rin kasi iimprove yung akin blocking skills, kasi hanggang ngayon, bobo pa rin akong magblock sa ibaba. Natatalo ako kay Bryan kasi yung simula ng combo niya ay yung sweeping kick thing sa ibaba.
Naiinis lang talaga ako sa fact na break na break na namin, tapos inaasahan kaming gawin na yung first stage ng aming programming project. Kailangan naming gumawa ng Sales and Inventory Management System para sa isang imaginary supermarket. Hay nako. At least naman Java na yung gagamitin namin, at hindi na some other language besides English, Filipino, Nihongo, or Sign. Nakakainis, pero at least nabawasan kahit papaano.
Yung only consolation na lang namin siguro ay maraming prof na MWF ang classes ay tinamad nang magclass nung Friday.
Oh well. I guess I should be happy with what I have and what I'm getting, and not drown myself in tears or burn in anger for the things I'm missing.

No comments:
Post a Comment