Friday, December 5, 2008

Tact Fact

Dahil tinatamad akong gumawa ng blog entry tungkol sa aking unang JEEP insertion sa Robinsons Marikina, gagawa na lang ako ng entry tungkol sa FIRO-B test interpretation namin kanina. May relevance naman sa JEEP eh, so ayos lang.

Kanina kasi, tinanong ni Ma'am Aileen, ang aming facilitator, kung kumusta ba kami sa aming mga area. Ayos na ayos naman ang area ko kasi ako yung pinalad na huling makapag-enlist sa Robinsons Marikina under kay Sir Mike. Medyo madali lang naman ang trabaho doon kung ikukumpara sa pagiging palero slash basurero slash basurera ng Omni, fish vendor sa Marikina Wet Market, o kaya street sweeper ng Commonwealth Avenue ng EPMWD. Sa totoo lang, wala talaga akong reklamo sa Robinsons Marikina. Malinis, malamig, at hindi mabaho. Well, exceptions siguro yung receiving area na sobrang init at yung meat section na sobrang amoy sariwang karne. Ay, ang reklamo ko lang pala ay yung sobrang hirap ng buhay na wala kang bulsa. Grabe. Akala ko dati, kunin mo nang lahat 'wag lang ang aking dignidad at puri. Ngayon, kunin mo nang lahat 'wag lang ang aking dignidad at puri plus mga bulsa kasi mawawalan ako ng lalagyan ko ng panyo at pamasahe.

Kanina, habang nagbabahagi si Gabo ng kanyang mga saloobin, tumatak sa isip ko yung sinabi niyang naghihinay-hinay daw siya sa mga sinasabi niya sa Sta. Lucia kapag kinakausap siya ng mga talagang janitor doon. Naikuwento niya sa amin na parang mali yung isinagot niya noong tinanong siya kung ano raw bang ginagawa ng mga Atenista doon sa Sta. Lucia, at nagtatrabaho bilang mga janitor at janitress. Sabi niya, immersion.

Eh immersion program naman talaga ang JEeP eh, hindi ba?

Nung naisip ni Gabo yung mga sinabi niya, sana "training" na lang daw yung sinabi niya. Kasi raw parang naibaba nang hindi sinasadya ni Gabo ang tingin niya sa mga janitor noong sinabi niyang "immersion".

Oo nga naman.

Samantalang ako, noong tinanong nina Kuya at ni Ate, diri-diretso kong sinabi na "immersion".



Walang masama magsabi ng katotohanan, pero kailangan din ng pag-iingat. Hindi kasi natin alam kung kailan tayo makakasakit ng damdamin ng ibang tao.

No comments: