Tuesday, January 20, 2009

Katahimikan

Noong Lunes sa aking Ph102 class, tandang-tanda ko ang mga katagang ito ni G. Mariano miski na mapungay na ang aking mga mata sa antok:



"Bakit tila ang mga Filipino, takot sa katahimikan? Kailangan parati na lang maingay."



Totoo nga bang takot tayo sa katahimikan kaya tayo masasabing isang maingay na bansa? O sadyang maingay lang talaga tayong mga Filipino?

Hindi ko alam. Ang daming bumabagabag sa aking isipan ngayon. Mga resume na kailangan pagandahin para makakuha ng maayos na practicum sa April; mga project na kailangan ipasa; mga bagay tungkol sa aking kinabukasan na hindi ko alam kung bakit ngayon pa lang, naiisip ko na; mga pagsusulit na lagi na lang inuurong ang petsa sa aming ikinadidismaya; mga kung anu-anong mga damdaming ayaw ko nang sabihin; at pag-aalala dahil sa loob ng isang buwan, matatapos na ang kontrata nina Kuya Jhun at Kuya Joel sa Gateway.

Pero kahit papaano, unti-unti akong nakahahakbang paharap dahil sa isang sandigang ngayo'y aking sinasandalan. Ito ang asul na rosaryo sa aking bulsa. Ngunit ang tunay na anyo ng aking inaasahan,


sa katahimikan ko lamang nakikita't nararamdaman.

2 comments:

Anonymous said...

may mga oras para sa lahat

sa iningay ingay ko eh, hindi ko inaasahan na minsan tatahimik na lang ako

unang beses napadaan dito...tambay ka rin

Anonymous said...

Ako rin. Kilala ako ng maraming tao na mahilig makipagkaibigan at maingay, pero sa totoo lang, tahimik at mahilig akong mapag-isa.

Schizophrenic na ata talaga ako eh. Kung hindi naman, bipolar malamang.

Salamat Kuya Abe. :)