Monday, February 25, 2008

Origami

Tinuruan kami ni Rose Ann kung papaano gumawa ng flower. Well sabi niya rosas daw yun, pero mas mukhang nuclear tulip yun para sa akin.

Hindi ko talaga inaasahang magiging puno ng mga emosyon ang huling insertion namin sa Malanday. Inaasahan kong isa na naman itong pagpapaalam na puno ng kahuwaran. Inaasahan ko talaga ang isang huling pagkikitang pinasasalamatan dahil sa wakas, hindi na kinakailangang gumising ng alas-6 ng umaga para hindi maiwan ni Kuya Archie dahil magko-commute pa kasi papuntang Ateneo. Salamat na sa wakas, hindi na kailangang sayangin ang mga umaga ng Sabado upang pumunta at turuan ang mga batang hindi ko naman kaanu-ano. Hindi ko na rin kailangang habaan ang aking pasensya sa pagtuturo kung ano ang numerator at ang denominator, kung ano ang ika-17 letra ng alpabeto at kung ano ang mga tunog nito, at hindi ko na rin kailangang magtiis ng dalawang oras sa mainit at maduming lugar na iyon.

Nabigla talaga ako.

Parang wala lang kasi sa mga tutees namin na huling pagkikita na namin iyon. Siguro, masaya rin sila na hindi na nila kailangang gumising din ng maaga upang turuan ng mga taong hindi naman nila kilala ng mga bagay na alam na nila. Pero hindi naman pala.

Gumawa kami ng mga bulaklak gawa sa papel. Hindi tulad ng mga tunay na bulaklak, ang mga bulaklak na ginawa namin ay hindi kailanman malalanta. Hindi man ito kasing bango ng mga rosas o kaya'y sampaguita, ang mga bulaklak na ginawa namin ay mananatiling alaala ng aming maikling pagsasama na kung saan nakita ko kung ano talaga ang tunay na mahalaga sa buhay.

Hindi ko inaasahang sasabihin ko sa sarili ko bago umalis na "hindi ko na sila makikita." Aaminin kong nadama ko ang mga luha na namumugto sa aking mga matang puyat, pero nagawa kong iwaksi ang mga ito dahil gusto kong maipakita na kaya kong maging malakas.

Siguro, nagawa kong maging matatag at matikas dahil na rin sa kanila. Nakita ko ang kakulangan nila, at nakita ko rin ang kakulangan ko bilang isang tao, anak, kapatid, at bilang isang kaibigan dahil sa kanila. Nakita ko ang mga bagay na ito sa mainit at maruming lugar na iyon kung saan nagtitiis ako ng dalawang oras tuwing Sabado ng umaga para turuan ang mga batang hindi ko naman kaanu-ano.

Pero kahit na anong nangyari, bumalik at bumalik pa rin ako sa lugar na iyon. Oo, dahil kailangan para sa NSTP. Pero gusto ko ring bumalik sa lugar na iyon dahil na rin doon ko lamang muling naranasan ang pagiging kontento sa mga simpleng bagay na madalas hindi nabibigyan ng kaukulang pansin. Doon ko lang naramdaman na mas maganda pa ang isang papel na bulaklak kaysa sa tunay na bulaklak dahil dala nito ang mga alaalang hindi malalanta at lagi kong dadalhin sa tabi ng aking puso at isipan.

Maraming salamat at sana ay magsikap at matupad ninyo ang lahat ng inyong mga minimithi.

Grace, Rachel, Jonalou, Krizza, Yumin, MC, Bea, Rose Ann, at Jude, maraming salamat.

3 comments:

Anonymous said...

binabalik-balikan mo rin ang virgin ni ate ebbie (di ko alam spelling) at ang meaty at juicy hotdog ni manong. Babalikan ko naman ang balls niya. Yun fish balls. >:) ahahah

Anonymous said...

tama haha

pero meron namang meatier, juicier, at bigger hotdog si manong sa tapat ng punerarya eh. XD

pero mamimiss ko ang mga virgins nina grace XD

Anonymous said...

ansama!!! XD Nagkumpara ng meatiness at juiciness. XDD Size din pala. XD

baka maghahanap ka nanaman ng bagong lugar para sa mga virgin ah. tsk tsk.. hanap ka yun malapit lang sa ateneo. Para araw-araw pwede kang mag-avail ng virgin. ahahah XD yak.. ang halay pakinggan. XD