Wednesday, August 27, 2008

Desperate Measures [Act I]

Hay. Hindi ko na alam kung ano bang dapat kong maramdaman. Kasi naman eh. Lagi na lang siyang busy. Gusto ko siyang kausapin, pero parang laging may humahadlang. Tapos parang hindi ko na siya kayang tingnan sa mata. Ewan ko ba. Siguro, gusto ko lang talaga siyang makilala as someone more than a staff of Timezone. Sobrang naiinis ako sa sarili ko kasi yun nga, dati naman, wala akong pakialam sa kanya. Pero ano bang nangyari kasi? Bakit nagkaganito ang pakiramdam ko? Yun bang lagi ko na siyang naiisip, tapos hindi ko siya kayang tingnan ng diretso, at hinahanap-hanap ko naman siya kung wala siya doon. Hay nako. Feelings naman talaga o. Pero hindi ko rin alam kung bakit. Parang gusto ko yung ganitong feeling dahil I'm looking forward for something, pero yun nga, masakit siya most of the time. Masakit sa loob. Masakit sa puso. Pero wala, patuloy pa rin ako sa pagtahak ng landas na ito. Hindi ko nga alam eh. Dati naman, hindi ako ganito. Parang kung may feelings ako para sa isang tao, hahayaan ko na lang ito at bahala na kung anong mangyari dito. Pero ngayon, parang pinaglalaban ko yung feelings ko, in some way or another. Parang gusto kong i-pursue ang ganitong feelings at hayaan ang aking sarili na mapadpad sa saanmang lugar, masaya man o malungkot. Hindi katulad ng dati na hinahayaan kong iwanan ako ng aking mga nararamdaman sa pag-usad o paglubog nito. Pero ngayon, parang mahigpit kong tangan ang mga nararamdaman kong ito. Hay. Kahit papaano, masasabi kong hindi ako malungkot kanina. Hindi ko alam kung masaya nga ba ako, pero alam kong hindi ako malungkot. Ang hirap naman kasing maging ganito eh. Parang hindi ko na talaga alam yung gagawin ko. Pero hindi, sinabi ko sa sarili ko na susubukin ko munang iisantabi ang aking mga nararamdaman dahil ito ang higit na makabubuti sa akin. Pero madalas pa rin akong napapaisip kung ano nga ba ang iniisip niya. Totoo nga bang "good signs" yung nag-iisang ngiti niya na iyon? O baka naman wala lang iyon para sa kanya? Feeling ko, wala lang 'yun para sa kanya at ako lang nag naglalagay ng kahulugang gusto ko sanang mangyari talaga. Gusto ko lang sanang makita siyang ngumiti ulit kasi iba talaga yung naramdaman ko nung nginitian niya ako. Parang biglang nabuo ang aking loob. Parang biglang umapaw ang kaligayahan sa aking puso. Naaninag ko ng panandalian ang tunay na kaligayahan noong tiningnan niya ako sa aking mga mata at ngumiti.

2 comments:

. said...

Mahirap talaga tanggapin ang infatuation. :)

Anonymous said...

Inaamin ko namang gusto ko siya eh. Haha :p