Long test sa Theology 131. Puta. Hindi ako masyadong nakapag-aral dahil ang CS179.15B ang inatupag namin nung weekend. Sabay-sabay na naman kasi ang mga deadline ng milestones at ang dami pang kailangang basahin para sa ibang subjects. Well, nagpunta pa kasi ako sa Timezone kaya talagang wala na akong oras mag-aral. Well, meron pa naman, kaya lang, hindi ko na kayang mag-aral ng mabuti.
"May exam pa ako bukas at hindi pa ako nag-aaral!" wika ko kay Kuya Joel. Natiyempuhan kasing pauwi na siya habang nasa ibaba ako.
"Kayang-kaya mo yan!"
Nakakatuwa kasi ang dami nang ikinukwento sa akin ni Kuya Joel. Natutuwa ako dahil nakikipagkwentuhan siya sa akin kung may pagkakataon. Sa simpleng tango lang nga niya kapag andun ako, masaya na ako kasi kahit papaano, andoon ang recognition. Alam mo yun? Yung recognition na sinasabi ko?
Naghiwalay kami ni Kuya Joel ng landas sa may LRT station sa Cubao. MRT tapos FX daw kasi siya araw-araw, at ako naman ay isang sakay lang ng bus kapag napapadpad ako sa Cubao.
"Lord, ingatan niyo po si Kuya Joel, ha."
Hindi ako makatulog sa bus pauwi. Ang dami ko kasing iniisip noon. Sa dami, hindi ko na maalala kung ano.
Pagkauwi, sinubukan kong mag-aral para sa Th131 Long Test ko kinabukasan. Wala pa talaga akong naaaral at kung nasusubaybayan mo ang aking random rants, alam mong medyo sadsad ako sa theology. Bumabawi na lang ako sa mga theological reflections na sa kabutihang palad, mataas ang nakukuha ko. Pero dahil sa puyat, pagod, at sa katamaran na rin, medyo namadali ko ang pagbabasa ng notes ko. Bago umalis ng Gateway, sinabi ko sa sarili ko na kahit papaano, babasahin ko ang libro. Miski yung patingin-tingin lang. Pero wala, nauwi lang ang aking pagsusumikap sa paglalaro ng EssenceRO dahil malapit na raw i-release ang Warlock, ang Extended class ng High Wizard.
"Lord, sana po magising ako sa oras. Wala akong magagawa kung mahuhuli ako kasi pinili kong magpuyat, pero sana, tulungan mo po akong magising ng ala-sais."
At nagising ako ng ala-sais. Hindi makapaniwala ang isang batugang katulad ko.
Pagdating ko sa Ateneo, nagmadali ako sa Escaler Hall dahil malapit nang magsimula ang aking long test. Pagkakuha na pagkakuha ko ng papel, narinig ko ang nakakapanghinang mga salita ni Nelvin:
"Naku, identification!"
Nanlambot ang buo kong katawan. May Identification na 20 items, at dalawang puntos kada sagot. Ang ibig sabihin lang nito, dumadagungdong na kwarenta puntos ang kailangan kong isipin mula sa utak kong tuyot na.
"Lord, sana po ay tulungan niyo akong maalala ang mga inaral ko. Hindi siya marami, pero sana ay tulungan niyo po ako. Well, kung gusto niyo pong ibigay sa akin yung sagot, e 'di ayos. Haha."
Kahit papaano, nagawa ko namang sagutan ang True or False, at ang Identification na may pagka matching type. Sa huling pahina, unti-unting nanlamig ang aking pakiramdam.
"Identification. Syet."
Napiga ko ang mga sagot mula sa puyat kong utak. Hindi ko na halos mabuksan ang mga talukap ng aking mga mata sa antok na dulot na rin ng puyat at pagbabasa.
Verbum incarnatum ito ang alam ko eh.
Taena. Ano ito?
St. Paul? Gago, hindi ko nabasa yung libro... imbento.
Ah okay alam ko ito.
Ito rin.
Ito rin. Sisiw.
Fuck. Nakalimutan ko ata ito.
Adam ang sagot dito for sure.
Sinfulness yung state.
Freedom as choice? Ewan ko.
...
Categorical? Transcendental?
Hanggang sa isang tanong na lang ang natira.
2. the mystery of the prescence of Christ in the Eucharist
Alam ko ito. Trans...trans..trans-something. Transformation?
Kinapa ko ang rosaryo sa aking kaliwang bulsa.
TRANSUBSTANTIATION!
Matapos ang higit sa isang oras, ipinasa ko ang aking papel. Sa isang malaking ginhawa at sa isang malalim na bugtong hininga, naglakad ako palabas ng Escaler Hall.
"Lord, salamat po ng marami."

3 comments:
God is good all the time,
All the time, God is good..
nag time zone ka pa kase...
ayan puro timezone.
akala ko transfiguration
Maniwala man kayo o sa hindi, sa Timezone ko ulit nakita ang Diyos. Tinuruan ako ng isa kong kuya doon kung paano ulit maniwala sa kanya.
Post a Comment