Kahit gaano ko man pilitin ang aking sariling hindi maisip ang mga bagay na hindi ko dapat isipin, lagi ko pa rin silang naiisip. Naiinis na talaga ako paminsan, pero kinakaya ko naman. Hindi ko alam kung sino ang dapat kong sisihin kung bakit ba ako nagkakaganito, kung may kailangan nga bang sisihin, o kung sisisihin ko na naman ba ang aking sarili kung bakit lagi na lang akong nagkakaganito. HIndi ko na talaga alam kung bakit.
Siguro, masyado lang talaga akong naging mahina sa nakalipas na tatlong buwan. Hindi ko sisisihin ang mga tao sa aking paligid, dahil ako naman lagi ang may kasalanan. At sa tingin ko naman talaga ay ako ang may kasalanan. Masyado kasi akong umaasa. Hindi ko magawang hindi umasa. Hinding hindi talaga. At ang masama pa nito (kung masama nga ba iyon), sa mga bagay na hindi dapat asahan ako umaasa. HIndi ko na talaga alam. Litung-lito na talaga ako, tulad na lang ng pagkalitong aking naramdaman nung aking sinasagutan ang SQL Lab # 5 kanina sa CS122, pagkatapos na pagkatapos kong malito kung bakit nga ba pinayagan ang mga Jesuits na pumasok sa isang napakakonserbatibong China sa long test ko sa Hi16. Siguro ito na rin ang dahilan kung bakit sumakit na naman ang aking ulo, pero nalito pa rin ako kasi baka mamaya kailangan ko nang magsalamin o baka naman may taning na ang buhay ko dahil meron na palang tumor sa utak kong napupurol na. Exciting naman talaga. Ayaw kong mabuhay ng hanggang 35 years old kung ganito na lang palagi. Pero ayon sa isang pagsusulit na aking nahanap sa net, ako raw ay mamamatay bilang isang matandang nagawa ang lahat sa buhay. Tss.
Sinusubukan ko talagang maging katulad ng dati ang lahat. Sinasalungat ko na nga ang wuwei, isang prinsipyo sa Taoism (bahid ng long test sa Hi16, paumanhin). Sinusubukan ko talaga. O baka naman hindi? Baka naman sinasabi ko lang sa sarili ko na sinusubukan ko, ngunit hindi pala? O baka naman sinusubukan ko nga talaga, pero baka naman wala na talagang pag-asang maibalik ang kahit mamera ng dati? Hindi ko alam. Litung-lito na ang aking isipan at pagod na pagod na ang aking damdamin.
Mahirap kasing tila mabale-wala ng taong importante para sa iyo. Mahirap hindi pansinin o kaya'y kalimutan ng taong mas importante pa sa sarili mo ang turing mo. Pero nakakatuwa at nakakalungkot ding isiping baka naman hindi ka importante para sa kanya.
Pero sige, magiging matatag ako. Wala lang, gusto ko lang maging matatag. Nanghihinayang ako dahil sinubukan kong maging matatag para sa isang tao, pero tila hindi naman pala niya kailangan. Ibang tao pala ang nangangailangan ng aking lakas at sandigan. Pero bakit nga ba importante ang taong iyon para sa iyo?
Mali. Mali. Mali ang lahat ng ito!
Nagbago na ba talaga ang lahat? Nagbago at naiwan ako?
Nalilito ako dahil ayaw kong aminin ang payak na katotohanan.
Nanghihinayang ako dahil ayaw kong tanggapin ng maayos.
Pagbabago. Pagbabago...

6 comments:
magpahinga ka muna para mabawi mo yun lakas na nawala sayo ng tatlong buwan. Baka hindi ka na rin malilito kapag nagpahinga ka.
basta, I will go down fighting (sabi nga ng mga generic officers sa warriors orochi kapag sila ay nagsustruggle na), or at least sinabi kong i will fight (tag-in phrase ni ginchiyo tachibana).
pero sana naman hindi ko na ulit kinakailangang mag-go down na naman.
hay naku... di pa rin ako nakakapaglaro uli. >.>
hehehe. ayan. wag susuko! wag aatras! lumaban ng buong giting!
ding: malapit na holy week lol XD
pokemon: easier said than done
tama nga naman. Holy week. Unless... wala kami sa bahay ng Holy Week. OwO
Post a Comment