Tuesday, May 6, 2008

Midterms (ng Alin?)

Napakabilis ng panahon.

Parang nung isang araw lang nung nakatayo ako sa may harap na ng Berchmans dahil sa haba ng pila sa cashier. Parang the other lang nung pumila ako para magbayad nang wala. Parang last Wednesday lang din nung paulit-ulit kong tinanong sa aking sarili kung bakit mas marami ang available tellers (dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat itawag sa kanila) sa check payments kaysa sa cash gayun namang mas marami ang nakapila papuntang Xavier hall dala-dala ang mga sobreng naglalaman ng humigit sa P80,000.00 kung sila man ay magbabayad ng isang bagsakan.

Parang kahapon lang ang first day of summer classes na kung saan pinagpawisan ako ng galon galon dahil sa init. Naaalala ko pa yung pagmumura ko sa aking isipan tuwing hahakbang ako dahil sobra ang init noon. Naaalala ko pa yung pitong daan animnapu't siyam na ehepletibong kumain sa aking isipang hindi napapagod pag-isipan yung mga bagay na hindi naman na dapat pag-isipan. Naaalala ko pa yung moments na kung saan nainis ako sa sarili ko dahil hindi ako umupo sa ilalim ng ceiling fans at naupo sa isang miserableng sulok ng SOM203 na kung saan tinabihan pa ako ng isang plump person. Kahapon ko lang din yata nalaman na si Sir Vidal pala si chubby long hair sa DrumMania sa Gateway. Parang kani-kanina lang nangyari yung second day ng summer classes na kung saan masaya ako dahil lumipat ako sa other side ng SOM203 dahil permanent seats na daw for the summer sem ayon kay Mrs. Lopez. Parang kanina lang din nagpakilala si Anton sa akin, when in fact, halos tatlong linggo nang nangyari iyon.

Bumibilis na naman ang takbo ng oras. Bumibilis na ulit ang takbo ng oras.

Kanina, midterms namin sa CS177. In general, madali lang siya, pero nakakalito pa rin kasi hindi mo malaman yung mga tamang values na ilalagay mo dun sa mga fields ng mga matrices na involved. Well, may 20-item 60-point matching type naman na medyo sisiw, kaya ayos lang miski na sabog yung matrices involved para makuha yung bagong coordinates ng nunal ni Charlize Spheresomthing sa left side ng kanyang neck matapos ang kanyang pagpapataba along the X and Z axes at yung pag-tilt ng kanyang ulo para umanggulo at makuha ang kanyang "snapshot to stardom."

Parang kailan lang nung una kong makilala ang Block N nung OrSem naming Viaje. Pero sinabi ko na itong mga bagay of the same line as this many many many times already.

Nakakagulat lang isipin na nasa kalahati na ako ng aking pag-aaral sa college. Hindi rin ako makapaniwala na in less than 30 days, 20 years old na ako. Hindi ko pa rin talaga ma-imagine na 20 na ako, kasabay ng hindi ko ma-imagine kung ano na ang ginagawa ko sa buhay kapag 30 na ako.

Hay nako.

Siguro, lahat tayo ay 3-D lamang talaga. Well, sabi ng iba, oras daw ang fourth dimension. Yes, we live in our own time, but we can't do anything to control it. We can't do anything to make happy moments extend to eternity or make depressing moments vanish in a blink of an eye.

Ang bilis talaga ng panahon. At dahil sa bilis nito, ang dami kong hindi nakitang mga magagandang bagay na nangyayari na pala sa buhay ko. Ang tagal kong nanatili sa dilim. Sobrang tagal na hindi pa rin ako makakita miski na napadpad na ako sa liwanag.

---

Call my name and save me from the dark
- Evanescence, "Wake me up Inside"

3 comments:

Anonymous said...

oo nga. Ang bilis ng oras. >.< Grabe.. parang kasisimula nga lang ng summer tapos matatapos na. huwaw.

Dhil nabanggit mo ang OrSem, napaisip tuloy ako kung anu-ano nga ba ang nangyari sa atin nun orsem. XD ahaha.. naalala ko nun na di ko pa maalala yun mga pangalan ninyong lahat eh. XDD

Anonymous said...

Naaalala ko si Ram. Hmp.

Anonymous said...

ansama!!! si Ram at si RB ang una kong mga katabi nun orsem. OwO *clap clap clap*