Saturday, June 14, 2008

Dear DrumMania, Tomo VI Blg 10

Dear DrumMania,




Kumusta ka na?

Kumusta na ako? Okay lang naman. Medyo naiinis pa rin sa History Department dahil feeling ko ba, pinolosopo nila ako. Parang six hours na diretso pala ha, o ayan! Six hours na break! Magsawa ka! Pasensya ka na kung hindi kita nadalaw nung May. Medyo naging busy kasi ako sa project namin sa CS177. Medyo nawalan din kasi ako ng gana lumabas masyado kasi I was going through a phase. Basta, alam kong alam mo na kung ano iyon kasi magaling ka naman mang-empathize eh.

Nakakatuwang makabisita ulit sa iyo, or sa Gateway for the matter pagkatapos ng isang buwan. Parang ang saya ng feeling. Baka rin kasi unang weekend ng pasukan, kaya ako masaya. Nakita ko rin kasi sina RB, Nemi, at yung kaibigan niyang si Pierre diyan sa Timezone. Medyo nag-alala rin ako kasi nga, ang tagal nung disk check mo. Akala ko hindi ako makakalaro. Kaya ayun, hinintay kong maging okay ka na ulit habang nanoonood ng Tekken 6. Kinalaban kasi ni Nemi si RB eh. Naglaro rin pala ako ng House of the Dead 3, na kung saan sumali yung isang staff ng Timezone, si Kuya. Basta, aalamin ko yung pangalan niya sa susunod. Napansin ko rin na parang sira yata yung shotgun na ginamit ko kasi parang tuwing ikakasa ko, hindi kumakasa paminsan. Namatay tuloy ako dun sa stupid mutated police slash security guard. Yung unang boss ba. Tapos naglaro ako ng House of the Dead 4, pero hindi na ako nakaabot sa unang boss kasi sabi ni RB, sa ibaba daw ako dumaan. Ayun, narape ako ng napakaraming zombies.

O basta. Kita-kits na lang ulit. Promise dadalaw ako ulit diyan sometime.




Nagmamahal at Nagbabalik,
Rudolf na hassle na hassle dahil sa kanyang Thursday schedule na anim na oras na walang break

No comments: