Tuesday, June 17, 2008

Dear DrumMania, Tomo VI Blg 11

Dear DrumMania,




Kumusta ka na?

O 'di ba? Anong sabi ko sa iyo? Bibisita ulit ako sometime soon.

Anyway, masaya ako dahil naresolve na yung schedule ko na dere-deretso every Thursday. Magpopost na lang ako ng bago tungkol dito sa miracle break sa aking schedule. Break as in hindi yung break na nasasabaw yung utak mo kapag mahaba; yung break as in isang malaking opportunity of some sort. Basta parang ganun. Alam kong gets mo na 'yun.

Hindi ako naglaro ngayon ng 10th Mix dahil ang daming tao. Dun na lang ako sa ibaba naglaro at sumubok ng isang bagong kanta na nakalimutan ko yung pangalan. Basta, napakaunreal nung bilis ng mga rolls sa kantang iyon. Going back mula sa aking segway, may isang grupo ng friends na naglalaro at ginagamit yung mabigat mong sticks, no offense meant ha. Ang bigat naman kasi talaga eh! Amoy french fries na natuyo sa araw pa yung kamay mo pagkatapos gamitin. So basta, pinahiram ko na lang sila ng sticks ko, na hanggang ngayon, hindi ko pa rin napapangalanan. Naglaro na lang ako ng House of the Dead 4. Umabot ako sa second stage, pero nadeads ako nung sinigaw ni James na "Katie, look out!" Nakatanggap si Katie ng isang rumaragasang shoulder rush mula sa isang fattie, miski na si James ang gamit kong character. Weird, no? Nagmasid din ako sa mga sumunod na manlalaro sa akin, at nalaman kong mas effective pala ang lateral shake kaysa sa ginagawa kong pitching shake. Mas mabilis kasing napupuno yung shake meter nung isang lalaking patagilid ang alog nung baril kaysa sa akin na taas-baba yung pag-alog. Sayang, walang bonus points ang pag-alog nung baril nang may feelings.

Oy, oo nga pala! 618 yung max combo ko sa 天体観測! Wala lang. Sayang, bigla kasing may nagmiss dun sa unang part eh, kaya 82% lang yung combo ko. Konti na lang talaga, mapeperfect ko na ang kantang iyan.

O sige, kitakits ulit. Sa Thursday pupunta ulit ako diyan since walang kaming pasok sa Friday. Yay!




Nagmamahal,
Rudolf na nakitang muli si RB kanina sa Timezone at excited nang mag-Friday dahil walang pasok at birthday ng Kuya niya kaya kakain sila sa labas

No comments: