Mga sagot (i-highlight upang makita):
1. Ang background. Hindi eksato ang anggulo ng pagkuha ng dalawang litrato. Ngunit hindi nangangahulugang magkaiba na ang silid kung saan kinuha ang mga naturang litrato. Mukha namang kuwarto pa rin ito ng lalaking nasa litrato. Hindi rin nangangahulugang nag-iba na ang tingin ng lalaki sa litrato sa kanyang buhay.
2. Ang salamin. Ito na siguro ang pinakahalatang pagkakaiba sa dalawang litratong ito. Hindi nangangahulugang malabo na ang paningin ng lalaki sa litrato. Nagmumukha lamang siyang mas matalino, at nararamdaman niyang mas matalino siya dahil dito. Ito ay isang halimbawa ng placebo effect. Kung hindi niyo naririnig ang sinasabi ng naturang lalaki sa litrato, sinasabi niya sa inyo na natutulungan ng salamin na ito na manatiling interesado sa kanyang mga inaaral, lalung-lalo na sa History.
3. Ang buhok. Bigyang pansin na naunang kunin ang litrato sa kaliwa. Patunay ang paghaba ng buhok ng lalaki sa larawan na isang buwan na ang lumipas, ngunit halos wala pa ring nagbabago sa mga bagay na gusto niyang may mabago. Hindi nangangahulugang wala siyang ginagawa upang mabago ang mga bagay na gusto niyang mabago.
4. Ang tainga. Mas kita ang tainga ng lalaki sa kaliwang litrato kaysa sa kanan. Gawa na rin ito siguro nang hindi eksatong anggulo ng pagkuha ng mga litrato, at ng kanyang humabang buhok. Ngunit hindi nangangahulugang hindi na niya pinakikinggan ang ibang tao. Mas pinakikinggan pa nga niya ang iba, at pinakikinggan na rin niya ang kanyang sarili.

Kung meron pang nakitang ibang pagkakaiba maliban sa mga nabanggit, huwag mag-atubiling sabihin.
No comments:
Post a Comment