Dear DrumMania,
Kumusta ka na?
Ang saya talaga nung Saturday! Nakakatuwang isipin na gumawa kami ng assignment para sa CS179.15A. Paano kaya kung lahat ng subject, ganyan yung pinapagawa? Sobrang saya siguro nun. Pero medyo hassle kasi bumabagyo, at hindi ko pa sure kung may pasok kami bukas o wala. The pains of college life naman talaga.
Pinapapili kasi kami ng isang game sa arcade na gagawan namin ng maikling paper. Ilalagay sa paper kung ano yung game, yung mechanics nito, yung game experiences na most at least likable, at yung recommendations to improve the game. Hindi kami makadecide, kaya naglaro na lang kami ng mga andun sa Timezone sa Gateway tapos saka na lang kami mamimili at mag-iisip. So naglaro kami ng Daytona USA 2, Dance Freaks, EZ Global Touch, Deal or No Deal, Final Furlong, Vampire Night, Fatal Judgment: Silent Scope, PercussionFreaks 5th Mix, at siyempre ikaw, DrumMania 10th Mix. May mga naiisip na kami sa ilan.
Sa Daytona, sana mas engaging yung steering wheel. Si Nelvin kasi na isang experienced driver, nalilito dahil parang walang tension yung manibela niya. Naisip ko rin na dapat may busina para pwede kang mang-asar ng kapwa mo player. Recommendable yung simultaneous race ng up to four players.
Nabitin naman kami sa EZ Global Touch. Natapos kasi agad yung nilalaro namin after less than 10 stages. Nakakaaliw siya dahil sa touch screen interface, pero nakakabitin talaga yung sasandaling game time. Mas ayos siya sana kung matatapos lang yung game kapag naubusan ka na ng time. Siyempre kailangan paunti nang paunti yung time allotted for each level or sobrang hirap makita yung differences dun sa dalawang picture.
Nakakapagod yung Final Furlong. Sobra. Unique playing experience, pero kailangan may free glass of water tuwing maglalaro ka dun.
At nanalo kami ng 100 tickets sa Deal or No Deal! Tense pala talaga ang feeling, miski na arcade version lang. Kasi meron kang feeling of risk every time you pick a case, the risk of you losing the worth of your P25.00.
Dapat manonood kami ng movie, kaso tinamad kami kasi sobrang haba ng pila. Tapos noong umikli na yung pila, pang-10 pm na yung binebentang tickets. Oh well. At least naman natapos ko na yung Valkyrie Profile 2 -Silmeria-. Ayos naman yung ending, in my opinion.
O siya. Hindi ko sure kung kailan ulit ako makakadalaw sa iyo. Si bagyong Frank kasi eh, nananalanta pa.
Nagmamahal,
Rudolf na naiinis dahil na-corrupt yung file niya sa Soul Calibur 3 dahil sinubukan niya yung money glitch

No comments:
Post a Comment