mael - strom [mehl-strhu m]
-noun
1. a large, powerful, or violent whirlpool.
2. a restless, disordered, tumultuous state of affairs: the maelstrom of early morning traffic.
3. (initial capital letter) a famous hazardous whirlpool off the NW coast of Norway.
---
Maagang natapos ang aking klase kahapon. Maligaya akong sumakay pauwi dahil wala kaming Hi165 sa Huwebes dahil may pupuntahang talk si Fr. Arcilla. Sinabi ko sa sarili ko na unti-unti ko nang nagugustuhang muli ang pumasok sa may Katipunan dahil na rin hindi ko na masyadong nararamdaman ang tawag ng katamaran. Nagigising na rin ako ng kusa tuwing umaga -- ako pa nga mismo ang gumigising sa selepono kong antukin. Nalabanan ko rin kasi ang laban ng aking katawang hindi pumasok dahil bangag na bangag pa ang aking sistema sa pagpupuyat. Mahaba ang naging bakasyon ko: walang pasok noong nakaraang Biyernes dahil Teacher's Day sa Ateneo, at isinuspindi ang klase sa lahat ng antas ng paaralan sa kalakhang Maynila noong Lunes.
Noong Linggo, inaantabayanan namin ni Ate ang balita ukol sa suspensyon ng mga klase. Hindi maganda ang lagay ng panahon. Malakas ang hanging rumaragasa sa mga lansangan. Hindi tumigil ang kalampagan sa bubong ng mga bunga ng puno ng abukado sa aming likuran. Hindi rin nanahimik ang malakas na bagwis buong araw. Magdamag binulabog ng huning nagiging nakakikilabot na sipol ang katahimikang hinahanap ng isang taong nais nang matulog. Matapos ang ilang sandali, lumabas na ang balitang walang pasok kinabukasan. Sa kaligayahang dala ng mga sandaling iyon, naglulundag ako dahil natupad ang aking inaasam. Sa katunayan, hinatak ko pa si Ate upang makilundag ayon sa aking kagalakan.
At sa ilang sandali, may humapyaw sa aking isipan: paano naman ang mga taong sinasalanta ng bagyong ito?
Ngunit patuloy pa rin ang aming kasiyahang tatalunin ang kahit na anong piging. Nagpalundag-lundag kami ni Ate miski na maraming nawalan ng mga tahanan, hanapbuhay, at pati na rin mga minamahal sa nagdaan na ilang araw.
Pagsapit ng Martes, sumikat na rin sa wakas ang araw. Muli ko na namang nadama ang init ng kanyang haplos matapos ang ilang araw ng maulap na kalangitan. Sa Ateneo, mistulang walang naganap na kahit na ano sa mga nakalipas na araw. Patuloy ang takbo ng mga klase, patuloy ang paglalakad at pagmamadali ng mga estudyanteng huli na sa kanilang klase, at patuloy ang nakaririnding huni ng bell tuwing lilipas ang isa't kalahating oras. Walang nabago sa Ateneo: naroon pa rin ang lahat ng mga gusali, nanatiling matatag ang lahat ng mga punong mas matanda pa sa pinakamatandang taong kilala ko, nanatiling luntian ang Erunchun Field, at nanatiling nakatayo ang lahat ng poste ng ilaw sa may Parade Loop.
Tila walang nangyari sa Ateneo. Hindi, walang nangyari sa Ateneo, ang mundong aking ginagalawan araw-araw.
Ngunit bakit tila iba ang ipinapakita sa balita?
Umuwi ako sa ilalim ng katirikan ng araw. Pagod na pagod at basa ng pawis, pinara ko ang dyip patungong San Mateo at sinimulan ang aking lakad pauwi. Tila wala rin namang naiba sa Filinvest Access Road. Naroon pa rin ang mga makukulit na mga batang naglalaro sa tabi ng kalsada. Naroon pa rin ang mga lalaking walang suot na damit na pagala-gala kung saan saan. Nanatiling nakaparada ang mga sasakyang hindi ko alam kung ginagamit pa o hindi na. Nanatiling nakatayo ang mga bahay, tindahan, parlor, panaderya, bigasan, at mga water refilling station. Tila wala talagang naiba matapos ang apat na araw.
Matapos kong itulog ang puyat na nagpabigat sa aking mga matang pagod, binuksan ko ang aming computer upang mag-aral sa pagsusulit namin sa CS123. Matapos kong idikdik sa aking utak ang System Development Life Cycle at ang mga kaukulang functions at mga bahagi nito, sinilip ko ang blog ni Kuya Joms, at doon tumambad sa aking mga mata ang kanyang blog entry noong araw na iyon.
Hindi ko mapaniwalaan ang aking sarili na nagawa ko pang magtatatalon miski na sa isang dako ng Pilipinas, may pitongdaang nangagailangan ng saklolo at nagmamakaawang sagipin sila mula sa mga pangil ng kamatayan. Nagawa ko pang maging masaya miski na may pitongdaang pamilya ang kasalukuyang nagluluksa dahil nawawala pa ang kanilang mga mahal sa buhay. Tumindig ang lahat ng balahibo ko sa bawat salita ng post na ni Kuya Joms.
Pagod lang yata kasi ako. Kung anu-ano tuloy ang aking naiisip.
At sa kung anong dahilan, binasa ko rin ang blog entry ni Matt sa kanyang Multiply. Tungkol ito sa paghuhugas ng kanilang mga pinagkainan. Yun ang akala ko.
Hindi ko mapaniwalaan ang aking sarili na nagawa ko pang magtatatalon habang ang Block N, ang aking kinagisnang pamilya sa loob ng Ateneo, ay unti-unti nang nagkakawatak-watak. Ang Block N na kasama ko sa halos lahat ng maliligayang panahon ko sa Loyola Schools ay tila kumukupas na sa bawat pagpintig ng aking mga ugat. Lahat ng mga maliligayang sandali na kasama ko sila, tila yata hanggang doon na lamang. Hindi na yata madadagdagan pa ang mga hiyas ng ngiti at galak sa loob ng aking puso at isipan. Hindi ko mapaniwalaang nagawa ko pa rin maging masaya miski na unti-unti nang namamatay ang mga pagkakaibigang pinagkaingat-ingatan ko ng buong buhay ko. Bigla ko na lang naramdaman ang isang luhang gumugulong sa aking kanang pisngi.
Oo, pagod lang yata kasi ako.
At dala ng pagod na ito, mabilis akong nakatulog. Paglapat na paglapat ng aking pagod na likuran sa aking kama, tila nawalan na ako ng malay-tao. Sinabi ko pa naman sa aking sarili na baka hindi ako makatulog agad sa mga bagay na bumabagabag sa akin noong mga sandaling iyon, ngunit nagkamali pala ako sa aking akala.
Ngunit sana, hindi na lang pala ako natulog.
Sa isang lumulubog na barkong ako ang kapitan ko nakita ang nakasisindak na pagkamatay nila, silang mga taong itinuri kong matatalik kong kaibigan. Tagos na tagos sa marurupok kong buto ang kanilang mga tili, pag-iyak, at paghihirap habang unti-unti silang nilalamon ng itim na karagatan. Pilit ko silang inaabot gamit ang aking mga brasong hinang-hina na, ngunit laging may isang bulusok ng tubig na papasok sa aking bibig at susunugin ang lalamunan ko sa tindi ng alat nito. Laging may sasampal sa aking malaking alon, bubulagin ang aking pagud na pagod na mga mata, at ipatitikim sa akin ang lasa ng kamatayan ng aking mga kaibigan.
Nagising ako ng mga bandang alas-tres at kalahati ng madaling araw. Nagising akong basang-basa sa pawis at lumuluha. Ginising ako ng isang bangungot na sana'y manatiling bangungot na lamang.
Paulit-ulit pa rin ang mga pangyayaring ito sa aking isipan. Hindi ko maalis sa aking isipan ang panaginip na ginising ako sa katotohanan.
Ngayon, tinatanong ko sa aking sarili kung tama bang nagising ako, o kung sana'y nalunod na lang din ako kasama nila.
Nagpapaumanhin ako sa mga naglathala ng mga akda sa paglink ng kanilang gawa nang walang kaukulang pagpapaalam.

No comments:
Post a Comment