Friday, January 23, 2009

Dream > Income

Hindi ko lang talaga alam kung bakit.

Nagsimula ang napakalakas kong pagnanasa na magtrabaho sa Timezone bilang isang mas mataas pa sa Customer Service Assistant noong malaman ko kay Ate Myles na natapos na ang kontrata ni Kuya Ryan sa Timezone sa may Gateway. Simula noon, hindi na naalis sa aking utak ang asul na uniporme ng mga tauhan sa Timezone. Tumatak na sa aking isipan ang mga dingding ng lugar na iyon. Tuwing hihinto ang panahon sa sarili kong mundo, biglang aandar sa aking mga ala-ala ang mga oras na kung saan napapalibutan ako ng mga hiyaw na nagmumula sa dose-dosenang arcade machine na ibinabaon ang aking mga problema sa isang panandaliang panibugho ng katotohanan at buhay. Bigla ko na lang masasalat ang aking Powercard sa kaliwang bulsa ng aking maong na kupas, at magsisimula ang tila isang hindi totoong pagsulong papunta sa maliit na piraso ng katahimikan.

Hindi ko na talaga alam kung bakit.

Ngayon, sa bugso ng mga malalaking kompanya na inaakit akong maging intern sa ilalim ng kanilang malahiganteng mga anino, nagsisimula nang mawangis ang dating napakatatag na determinasyon kong magtrabaho sa Timezone. Unti unti nang nagiging isang malaking katanungan ang aking kagustuhang magtrabaho sa lugar na puno ng ingay at saya. Isa-isang napundi ang napakaraming ilaw na pinanatiling maliwanag ang pangarap kong ito


hanggang ngayon.

Rudolf (1/23/2009 12:46:46 AM): eh kasi
Rudolf (1/23/2009 12:46:55 AM): napapaisip ako kung may career ba talaga ako sa timezone
Rudolf (1/23/2009 12:49:20 AM): kasi alam mo yun?
Rudolf (1/23/2009 12:49:31 AM): parang yung mga inaaplyan ko for ojt parang ang big time talaga
Rudolf (1/23/2009 12:49:40 AM): tapos kagaya nga ng sabi ni kuya joel sa akin
Rudolf (1/23/2009 12:50:00 AM): parang sa small time lang ako magtatrabaho?
Rudolf (1/23/2009 12:50:03 AM): i mean
Rudolf (1/23/2009 12:50:21 AM): gusto ko talagang magtrabaho doon
Rudolf (1/23/2009 12:50:33 AM): pero parang for how long?
Meki (1/23/2009 12:50:36 AM): dream > income
Meki (1/23/2009 12:50:42 AM): well para sa kin
Rudolf (1/23/2009 12:50:45 AM): yeah ako rin naman eh
Meki (1/23/2009 12:50:47 AM): hahaaha
Rudolf (1/23/2009 12:51:00 AM): ewan ko
Rudolf (1/23/2009 12:51:09 AM): may isang taon pa naman ako para pag-isipan lol

Pero sa totoo lang, gusto ko pa ring magtrabaho doon. Kahit tutol si Mamie, kahit hindi na ako kilalanin ni Dadee

sa ngayon, gusto ko pa ring magtrabaho doon.





Hindi naman masamang managinip ng gising, hindi ba?

5 comments:

Jinjiruks said...

hayz inspired ka talaga dun sa timezone staff.

Anonymous said...

Hindi lang yan ang rason kung bakit gusto kong magtrabaho sa Timezone, Jin. Ngayon ko lang narealize na marami pala akong rason.

Jinjiruks said...

talaga. sang timezone yan at madalaw ka naman

Anonymous said...

Gateway. Miski P12,000 lang ang sweldo, okay na sa akin. Pero baka hindi sa mga magulang ko.

At well, it's way too early rin naman. May isang taon pa ako bago magtapos.

Jinjiruks said...

12k? i doubt. malamang minimum yan.