Thursday, June 5, 2008

Ang Thursday Schedule Kong 9 Hanggang 3

Hay nako. Hindi ako natutuwa sa AISIS o ng Regcom o ng kung ano o sino pa mang may pananagutan sa pagpapatupad ng random numbers dahil bingyan ako ng numerong halos nasa dulo na ng aking school. At dahil dito, wala nang magagandang klase na natira noong mga panahong oras na ng aking enlistment. Lahat ng easy A professors sa Philisophy 101 at History 165 ay wala na. Wala na rin ang mga challenging, but very worth it because you will learn a lot professors. Ang natira na lamang sa enlistment page ay ang mga professors na tila may ketong, at nagkasakit ng bulutong tubig at german measles ng sabay dahil iniiwasan ng lahat ng mga estudyante. Ang mga natira na lamang na mga professor ay yung mga tinatawag nilag terror, kung ano man ang ibig sabihin niyan para sa kanila. Ganoon na lamang ang kanilang not recommended status dahil sa halos dalawampung klase para sa Hi165, ang natira na lamang ay ang kay Fr. Arcilla. Kapansin-pansin na lagpas sisenta pa ang slots available sa dalawang klase niya.

Ang sabi ng ilan, mahirap daw na professor itong si Fr. Arcilla. Magaan lang daw ang kanyang workload dahil apat lang ang kanyang requirements para sa buong semestre: tatlong mahabang pagsusulit at isang finals. Bukod sa apat na pagkakataon para patunayan mo ang iyong sarili na hindi ka nararapat makatanggap ng isang malutong na F, daig pa niya ang chair ng English Department kung magcheck ng mga sagot ng kanyang mga estudyante. Dapat daw, ayon sa aking mga nasasagap na balita, naging Literature teacher na lamang siya dahil bukod sa boses niyang kayang magpatulog ng isang insomniac na kakainom lang ng limang tasa ng kapeng barako, masyado raw siyang mabusisi sa mga detalye. Hindi ko naman siya masisisi kung binibigyang pansin niya ang mga detalye, tutal kasaysayan ng Pilipinas at ni Rizal ang kanyang itinuturo. Mababa rin daw siya magbigay ng grade, at hindi rin daw siya mabait at considerate sa pagbibigay nito. Isa ka lamang unknown author ng mga essays na kanyang binabasa kada tatlong linggo o higit pa, at nasa kanya na iyon kung nagustuhan niya ba ang isinulat mo o kung nabisto ka niya sa iyong pambobolang hindi epektibo.

At dahil sa klaseng ito ni Fr. Arcilla, anim na oras na walang tigil ang aking klase tuwing Huwebes. Kawawa naman ako dahil malayo ang CTC sa Bellarmine. Kailangan kong takbuhin ang layong lagpas sa isang kilometro sa loob ng sampung minuto, o mas kaunti pa kung huli kaming palabasin sa naunang klase.

Ito na rin ang dahilan kung bakit hindi ako mapakali ngayong magpapasukan na.

Ayaw ko na kasing maalala ang panghihinayang nadama ko dati.

Ngunit nagpapasalamat na rin ako siguro dahil hindi nawala ang aking scholarship sa Ateneo. Mahihirapan ako sa darating na semestre, ngunit alam kong kakayanin ko dahil bumalik na sa akin ang aking kasiyahan. Yun nga lang, hindi pa rin nawawala ang ilang pangangamba.

3 comments:

Anonymous said...

yun librong ginamit namin noong naghi165 kami yun author nun si Fr. Arcilla. at oo.. napakaraming details. No joke ang details. Siguro sa isang page mga 5 pangungusap lang ang importante tapos yun iba puro kwento/detalye na. OwO @_@ Pero kaya niyo yan! :D

Anonymous said...

pahabol! Buti naman at hindi nawala yun scholarship mo. :D >:D< ahehehe.. at... may exercise plan ka na tuwing Huwebes. XDD

Anonymous said...

oo nga eh. napansin ko 'yun. hahaha papayat na naman ako ngayong pasukan :p