Thursday, June 19, 2008

Dear DrumMania, Tomo VI Blg 12

Dear DrumMania,




Kumusta ka na?

Hay grabe ha. Napakagastos ko kanina! Biruin mong tatlong beses akong naglaro ng DM10, isang PF5, dalawang Daytona, at tatlong House of the Dead 4. Lumagpas yata ng halos P130.00 yung nagastos ko kanina. Ayos lang naman yung PercussionFreaks at yung Daytona kasi may free games naman ako. Ayos lang naman din yung tatlong DrumMania kasi hindi na ito bago para sa akin. Pero yung tatlong House of the Dead 4? Hindi! Ang mahal kaya ng isang laro nun! Gumastos ako ng P75.00, mas mahal pa sa kinain ko kanina at pamasahe papunta diyan, at hindi man lang ako masyadong nakalayo. Pero masaya naman eh. Nakakaaliw pumatay ng mga zombies at maramdaman yung pag-vibrate nung uzi. Mas gusto ko sanang maglaro ng House of the Dead 3, pero ang sakit kasi ikasa ng ikasa yung shotgun dun eh. Nung huli ko pang laro kasama si Kuya Son, sira pa yung reloading mechanism at medyo off-target yung mga baril. Well, medyo sumakit din naman yung kamay ko sa kakaalog nung uzi. At hindi rin pala ganoong ka-effective ang lateral shake doon. Wala pa rin palang tatalo sa shake with feelings. Nakakaasar lang talaga yung unang boss, si Justice na apat yata ang braso't mga kamay, kasi gabuhok na lang yung kailangan na damage para macounter yung drop kick niya, pero wala, patay pa rin si Kate.

At ang grabe pala ng extreme ng ヒマワリ ha. Sinubukan kong auto hihat, pero nakakabaliw yung tatlong magkakasunod na bass. At least naman nakaabot ako sa refrain, and then, all hell broke loose.

Pupunta kami diyan sa Saturday kasi gagawin namin yung aming homework para sa CS179.15A. Manonood din kami ng sine. Exciting talaga ang weekends, no?




Nagmamahal,
Rudolf na masaya kasi walang siyang pasok bukas, at dahil makakalaro na siya ulit ng Valkyrie Profile 2 -Silmeria-

2 comments:

. said...

Mahilig ka talaga sa games ah. Hehe. You're tagged nga pala. :)

Anonymous said...

Hehe. Way of life ko na ang games eh.

:p