Monday, June 9, 2008

May Pasok na Ako Bukas (3rd Year 1st Sem Edition)

Yaay. After two short weeks ng pahinga or two long weeks ng pagkaburo sa bahay, may pasok na ulit ako bukas. Ang ibig sabihin lang nito, magkakaroon na ulit ako ng steady supply ng income. Muli ko na namang mapapraktis ang aking kuripot skills which I will now term as spendthrift skills. Nakakainis naman kasi yung pagtaas ng pamasahe, pero wala naman akong magawa kung hindi ikwenta kung magkano na nga ba ang student fare ng jeepney ngayong P8.00 na ang minimum fare. Grabe ha, sana naman hindi muna nila ituloy yung proposed P10.00 minimum fare. It's too much already for a student like me. Okay lang sa akin na mangayayat ang aking pitaka, pero sana naman hindi ako madamay sa weight loss program ng aking wallet at coin purse. Ang mahal mahal na rin kasi ng pagkain sa caf.

Hay grabe. Ano na bang nangyayari sa bansa natin? Ang mahal mahal na ng lahat. Kahapon lang, nagrereklamo si Mamie dahil yung pangkaraniwang grocery niya na nagkakahalagang P1,200.00 ay P1,900.00 na ngayon. Onse pesos na pala ang de lata, at biruin mong disisais pesos na yung paborito naming synthetic pancit canton na dati rati naman ay wala pang katorse. Ang mahal na nga ng krudo, pati ba naman tinapay? Baka sa lumaon niyan, pati tubig, magmamahal na rin ang presyo.

Oh well. May pasok na ako bukas. Marami akong naiisip na mga bagay bagay, pero hindi ko muna ito masyadong papansinin dahil nga may pasok na ako bukas. Kailangan kong buksang muli ang thinking and analysis apparatuses para sa Introduction to Software Engineering at sa Rizal and the Emergence of the Filipino Nation. Ang tagal na kasing naging dormant ang aking utak e. Sa sobrang tagal ko nang hindi nag-iisip, kinailangan ko pang buksan ang calculator para lang masolve ng tama ang isang simpleng arithmetic problem. Hindi ko na sasabihin kung ano iyon dahil it's just way too embarrassing.

Medyo excited na ako, pero medyo tinatamad pa rin akong pumasok. Hay grabe, third year na ako. In less than two and a half years, nagtatrabaho na ako somewhere in the big, bad, mean world. In less than that amount of time, ginagawa ko na ang aking thesis at malamang nagagahol na sa oras.

Pero ayos lang naman kasi I'm trying to live every moment the best way I think I can.

Yaaay.

2 comments:

. said...

May pasok na rin kami kanina. Haay nakakapagod maging estudyante. Hehe.

Anonymous said...

Nakakapagod magkunwaring nakikinig sa isang soup-er boring lecture at magmukhang attentive miski namamaga na ang mata sa antok. Haha :p