Friday, March 21, 2008

Good Friday

But ironically, this Friday isn't good at all. Not good at all.

I'm slowly losing grip of myself again. Oo. Again. Pinakikinggan ko kanina ang isang kanta sa Neeon (ko) ng halos mga dalawang oras. Habang nagsasampay ako at habang gumagawa ako ng brownies na kulang sa tamis, yun lamang ang pinakikinggan ko. Hindi ko alam kung bakit. Ang dami ko na naman kasing iniisip eh.

Well, medyo masaya naman ako dahil matiwasay namang lumabas ng oven ang brownies ko. Kanina ko lang nalaman na hindi pala enough ang isang lata ng condensada para maging matamis ang brownies. Naging matakaw tuloy kainin. Sinabi din ni Mamie na bibili siya ng imported na chocolate powder para mas lalo pang sumarap ang brownies na gagawin ko in the future. Iisa lang kasi yung chocolate powder sa Puregold eh, Peotraco ang tatak. Naaalala kong yun ang ginagamit ni Heny Sison sa kanyang show na A Taste of Life nung kami'y avid viewers pa ng show niyang iyon. Actually, hindi ko na alam kung pinapalabas pa ito sa IBC13 tuwing alas-11 ng Linggo ng umaga.

Naligo rin pala ako kaninang 3:15 ng hapon. Sabi nila, bawal na raw maligo kapag alas-3 na ng hapon ng Biyernes Santo kasi patay na raw ang Diyos. Wait lang. Parang hindi pa yata patay ang Diyos. Black Saturday pa yata mamatay ang diyos eh (hindi kasi ako isang devout Catholic eh). Hindi ko alam kung bakit bawal maligo, pero sabi ni Ate, isa raw yung sakripisyo. Pero hindi ko pa rin nagets ang connection ng pagligo at ang pagkamatay ni Hesus or whatever event. Naaalala ko rin dati nung bata pa ako na bawal maglaro tuwing Biyernes Santo. Ngayon ko lang naisip na baka bawal nang maging masaya kasi patay na si Hesus (or kung ano man ang nangyari), tapos bawal na rin sigurong maglaro kasi baka pagpawisan kasi bawal nang maligo. Ang labo. Oo, naaalala ko yang mga yan nung huli kong bakasyon sa Bulacan nung Holy Week many many many years ago.

Bakit nga ba "good" ang Good Friday?

At nakakadama na rin pala ako ng weird strong heartbeats paminsan minsan. Ewan ko. Dala na rin siguro ito ng pagpupuyat ko dahil hindi ako makatulog dahil ang dami kong naiisip. Grabe naman talaga.

Hindi ko na naman alam. Parang yung pesteng Rings na yan sa AMC125. Nakakaasar naman talaga kasi nahihirapan akong intindihin kasi ang dami ko na namang naiisip na hindi naman dapat isipin. Nakakaasar kasi hindi ko magawang gawing something productive yung mga bagay-bagay na kumakain sa utak ko ngayon.

Ayaw ko na talaga. Ayaw ko nang magkaroon ulit ng something. Ayaw ko nang maramdaman na ako ay naging isang problema lamang na hinihintay nang matapos.

I feel na mga 4 na ako makakatulog nito. Mag-aaral pa ako ng AMC125 kasi kailangan at take note, maaga akong gigising bukas (or later, 12:20 na kasi sa clock dito) kasi kailangan maglinis ng bahay kasi dadating yung gufra (girlfriend, haha) ng kuya ko at kasi uuwi rin kaming Bulacan bukas.

Oh, bakit "good" lang ang Good Friday? Bakit hindi "Great Friday" o kaya "Best Friday"?

Does this mean na hindi talaga overflowing, as all religion teachers say, with [insert proper noun/adjective/phrase/whatever here] si God?

Ah well. Just take the time to think. Besides, ito ata ang point ng Holy Week eh. It is a time to ponder about your faith.

Geez.


















What am I doing wrong? What am I not seeing?

3 comments:

Anonymous said...

at least syo brownies mo walang tamis lang. Yun brownies na ginawa ko noon hilaw pa. OwO ahaha.. anyway... masarap naman yun brownie mix lang =P

*hug* what are you doing wrong? hmm... para sa akin wala naman. hmm ay meron pala, masyado kang nag-iisip na hindi mo na naiisip ang sarili mong kalagayan. OwO labo.. OwO

Anonymous said...

gets ko yun dingy. salamat.

Anonymous said...

wow.. OwO It made sense. ahaha.. XD