In less than one week or so na lang yata, tapos na ang summer classes.
In less than one month, I'm turning 20.
Pero ang weird lang talaga ng summer na ito. Ni hindi ko nga yata madedefine ito ng tama kung tinawag ko itong summer. Sa experience ko kasi dati, sobrang init ng summer classes. Actually nga, hindi binubuksan ni Tricia-sensei yung ilaw sa classroom namin kasi daw sobrang init. Basa ka lagi ng iyong pawis. Lahat ng tao, may dala-dalang wind generating device or apparatus, katulad ng pamaypay, abaniko, flimsy rectangular-shaped cardboard, cover ng clearbook, 1/8 illustration board, People's Tonight (dahil bawal ang Tiktik at Remate dahil sa steamy hot pictures nito na lalong magpapainit ng panahong mainit na to begin with), Japanese Ninja Fan, handheld electric fan, or may evaporative air-conditioner sa kanilang handbag. Lahat ng tao, nagpapaypay palagi, at yung mga tamad naman, laging tinatabihan ang super electric fan sa caf. Basta mainit talaga. Pero ngayon naman, laging umuulan at lagi ring umaaraw (well, lagi na lang umuulan the past few days). Ang mga tao, bukod sa pagdadala ng aforementioned devices, may dala na ring mga keep-me-dry items, katulad ng mga payong na may walo o labing-anim na appendages, portable payong na manual o automatic, maliit o double-fold, jacket, raincoat, extra shirt, extra rice, or plastic cover sa may National. Ang weird kasi eh. Ang alam namin ni Yanyan, mga late June at early July pa yung ulan, pero tingnan mo naman ngayon yung panahon. Lagi nang basa yung bagong aspalto sa may JSEC. Lagi nang nakakatamad pumasok at nakakainis umuwi kasi umuulan. I don't like getting wet with my clothes on, you know.
Dahil malapit na matapos ang summer sem, nagkaroon na ng sudden deluge ng requirements, tulad nang lahat ng patapos na sem sa Ateneo. Maaring dahil na rin ito sa cramming, pero hindi rin. Walang problema sa Sa21 kasi madali lang naman ito, pero medyo gipit sa oras yung final group project sa CS177. Isang week lang ang oras namin para gawin yung game namin. Exciting naman siya kaya ayos lang. Worth it siyang pagpuyatan.
I'm looking forward na mawalan na ulit ng pasok. Nakakainis talaga kasi yung ulan, lalo na for a commuter like me. It made me lose my temper earlier this afternoon. Eh paano ba naman kasi no. Dalawang summer nang P6.00 ang bayad ko sa jeep mula sa Central hanggang sa may kanto ng Filinvest I Access Road, tapos bigla ka raw bang banatan ng pang-regular classes lang daw yung student discount? Bahala siya sa buhay niya no. Oo, alam kong naghahanapbuhay siya sa isang marangal na paraan, pero hello naman?! Hindi na magiging marangal yung paghahanapbuhay niya kung dadayain niya ang ibang tao no.
Well, in any case, malapit nang matapos ang summer. Within a month, third year na talaga ako.
Six weeks ang summer. Six weeks. Kinaya ko.
Kinaya ko.