Kagabi (o kaninang madaling araw), nanonood kami ni Ate nang isang palabas sa ANC. Ala-1 na yata iyon ng madaling araw. Hindi pa kasi ako dinadalaw ng antok, kaya pinagtiyagaan ko ang palabas na iyon. Ayaw rin kasing pahawakin sa akin ni Ate yung remote. Hindi ko lang talaga maalala ang pamagat ng palabas na ito, ngunit tungkol ito sa mga prosesong kailangan upang makakuha ng American Visa, at ang mga paraan upang ma-naturalize ang isang tao. Pinag-usapan din dito ang mga katanungan ng mga taong nagkaroon ng mga samu't saring problema tungkol sa kanilang mga petition; dahil namatay ang kanilang tatay na may green card; ang kanilang asawa ay hindi pa pala tunay na hiwalay sa kanyang naunang esposo; o lumagpas na sila sa edad na dalawampu't isa.
Taimtim na pinanonood ni Ate ang naturang palabas. Tahimik niyang pinakikinggan ang mga sinasabi nung abogadong nagtatalakay at sumasagot sa mga tanong. Lagi niya rin akong sinusuway tuwing mag-iingay at guguluhin ko siya. Medyo doon lamang pumasok sa isip ko na nars nga pala itong si Ate at kung siya'y papalarin sa kanyang English Proficiency Exam, tutungo na siya sa Estados Unidos at doon na magtatrabaho. Mangilang beses niya rin saking ipinaunawa na mas malaki talaga ang sahod ng isang nars sa Estados Unidos kung ikukumpara dito sa Pilipinas. Unti-unti'y kinausap niya ako tungkol sa mga bagay bagay sa kanyang isip, at unti-unti ring humina ang dinig namin sa talakayang nagaganap sa telebisyon noong mga sandaling iyon.
Uminog ang aming usapan sa pagkuha ng green card. Paulit-ulit kong nabanggit si Tito Ben, ang bunsong kapatid ni Mamie, at ang kanyang asawang nars, si Tita Melo. Sa New Jersey na sila nakatira simula noong pumasa si Tita Melo sa NCLEX, isa sa mga pinakamahahalagang eksamen para sa isang nars. Hindi ko alam kung ano talaga ito, ngunit ang sabi sa akin ni Ate, kung maipapasa niya ang NCLEX, magiging madali na para sa kanya ang makakuha ng immigrant visa at sa lumaon, ang green card status. Magiging madali na rin para sa amin na magkaroon ng American citizenship.
"Huh? Pati kami?"
Isa raw kasi sa mga privileges ng mga nagtatrabahong nars sa Estados Unidos ang isama ang kanilang immediate family sa kanilang pagtatrabaho. Ang plano ni Ate, kung siya'y papalarin na pumasa (na alam kong papasa siya dahil naniniwala ako sa kanya), isasama na niya sina Mamie at Dadee kung saan mang state siya magtatrabaho. Magiging madali na rin para sa amin ni Kuya ang makapunta sa Amerika at ma-naturalize nang hindi lumaon dahil immediate family pa rin namin si Ate. Basta ganito ang proseso ng embahada. Hindi pa rin masyadong malinaw ang lahat para kay Ate dahil nga hindi pa niya kinukuha ang kanyang mga eksamen para siya'y makaalis na sa Pilipinas.
Ngayon ko lang naintindihan ang pag-aapura ni Mamie kay Ate para kunin na ang kanyang NCLEX, IELTS, at kung ano pang kailangang pagsusulit.
Matapos ang Are You Smarter Than a Fifth Grader?, natulog na kami ni Ate. Mag aalas-2 na yata ng madaling araw iyon. Miski inaantok na, hindi ko pa rin magawang makatulog dahil sa dami ng mga bagay na pumapasok sa aking isipan.
Hindi pala malayong pagkatapos na pagkatapos kong mag-aral sa Ateneo, lilipad na ako patungong ibang bansa. Hindi pa ito tiyak, ngunit isa itong posibilidad na maaaring mangyari.
Nabagabag ako dahil ang dami ko pang gustong gawin dito sa Pilipinas. Gusto ko sanang magtrabaho dito kahit sa maikling panahon lang. May mga kaibigan pa akong ni hindi ko pa nakikita kahit na isang beses at nakikilala sa personal. Hindi ako masyadong nabagabag na maaaring ako na ang magpatakbo ng aming tahanan sa 24 Mt. Shasta kung sakaling umalis na sina Mamie, Dadee, at si Ate. Ang talagang kumurot sa aking isipan at sa aking puso na rin ay ang katotohanang isang araw, aalis ako ng bansa, at iiwan ang aking mga kaibigan. Oo, alam kong dala-dala ko ang lahat ng kanilang ala-ala sa aking puso, isipan, at diwa, ngunit hindi ko pa rin maalis sa utak ko na aalis ako't iiwanan ko sila.
Gusto ko sanang lagi akong nasa tabi nila sa mga oras na kailangan nila ng isang kaibigang hindi sila iiwan.
Ganoon kasi ang isang kaibigan.

5 comments:
Huwag ka mag-alala, matagal ang proseso bago ka mapetition sa US. Minsan ay inaabot ito ng dekada.
isa din kasi sa mga privilege ng mga nurse na nakakapasa sa mga kailangan na test ay ang mabilis na pagpoproseso ng kanilang naturalization. sina tita melo at sina tito ben, wala pang dalawang taon, naturalized na.
*hug* pwede mo naman siguro sabihin na susunod ka na lang sa kanila di ba? O_O
*hug*
ikaw ang mas may kailangan niyan ngayon ding.
*hug* ulit
(hindi pa naman sure itong migration na ito eh. pero kung magkakatotoo, sana payagan akong sumunod na lang)
*hug* na naman
*hug uli* x3
salamat talaga.
Post a Comment