Paggising ko kaninang umaga, maayos naman ang pakiramdam ko. Ininit ko ang hapunan kagabi dahil sa kung anong rason, hindi ko na gusto ang ginisang giniling na may patatas at carrots. Wala akong masyadong gana kaninang umaga kaya kakaunti lang ang nakain ko. Umalis ako ng bahay nang medyo gutom, kasi nga, wala akong ganang kumain. Baka ito ang subconscious secret ng aking skinny physique.
Pagkababa ko ng tricycle sa may Sandigan, naramdaman ko na ang sakit aking ulo. Naisip ko na baka dahil sa puyat, pero alam ko ang sakit ng ulo dahil sa puyat. Ni hindi nga masakit ang ulo ko kapag puyat ako. Nahihilo ako kapag napupuyat ako, at hindi naman exactly hilo ang naramdaman ko matapos kong inabot ang sais pesos sa makalyong kamay ni manong tricycle. In any case, umakyat ako sa overpass. Doon ko na nakita ang mga kakaibang pangitain. Nakakita ako ng mga taong walang mga mata, at pinapakyaw nila ang mga shades nina manong at manang ambulant-vendor-ng-shades. Yung isang babae pa nga, hinahabol yung kanyang left eyeball na gumugulong dahil napabahing siya na parang nag-summon siya ng isang high-level water elemental creature. Ang spray ng kanyang saliva ay nakagawa ng matingkad na bahaghari na nakapagpangiti sa akin kahit papaano, kasi ang sakit talaga ng aking ulo.
Nakatiyempo ako ng Mersan na hindi masyadong puno pagkatapos noon. Maswerte ako kasi hindi na ako masyadong nabilad sa scorching heat. As it turns out, medyo puno pala yung bus dahil sa may bandang likod na akong naupo. Misleading kasi yung kundoktor na kamukha ng anak nina Pokwang at ni Osama Bin Laden, if ever na magkaroon sila ng juicy affair. Pagkatapos kong magbayad, nilapitan ako ng isang bangaw at ibinulong sakin kung alam ko raw bang 500 years ang decomposing time ng isang disposable baby diaper. Binulong ko sa kanya na oo, alam ko iyon, dahil natutunan ko iyon sa isang class na nagngangalang "Ecology with Jim Paredes". Dahil nadisappoint siya kasi feeling niya hindi ko iyon alam, nag-dive na lang siya sa isang kadiring pool ng plemang kulay asparagus. Niyaya pa niya akong sumama sa kanya, pero buti na lang, nasa Central na pala kami. Kadiri talaga yung sick spot of phlegm na iyon. Sana naman nilunok na lang nung kung sinong sick person yung kanyang kadiring mucus. Or at least man lang, tinabunan niya ng mga ticket ng Mersan yung plema niya para naman mas presentable tingnan. Aakalain mong pang mint bubblegum iyon at hindi plemang kadiri.
Papasok sa UP, ang dami kong nakasalubong na mga taong may suot ng condom. Mukha kasi silang may suot na condom. Yung security guard, yung katsismisan niyang hardinero, yung machong kalbong balbon, yung lola at lolo, yung obese lady kasama yung anak niyang malnourished, yung classmates, at yung hot chick na may beautiful hazel flowing hair at bra na cup size D. Lahat sila, parang may suot na condom. Dahil hindi na ako makatiis dahil hindi ako mapalagay kung Trust, Frenzy, Trojan, o Reynolds Wrap ba mga suot nilang condom, tinanong ko yung mamang namumulot nung mga bunga na mukhang undersized tomato o oversized olive ang itsura kung ano ang suot niyang protection. Yung kinse pesos daw na plastic wrapper sa National.
Medyo puno ang jeep na nasakyan ko papuntang Katipunan. Nagbayad agad ako ng aking pasahe. Inabot sa akin ng isang babaeng mukhang nerd na nagbabasa ang dalawang volume nang trigonometry for her bedtime story ang sukli ko. Nagpasalamat ako sa kanya habang nakatingin sa kanyang mga matang over magnified dahil sa salamin niyang tila bulletproof na sa kapal. Hindi ako makapaniwalang after 5 minutes, nakatitig pa rin siya sa akin. Nakatitig pala sa akin ang lahat ng pasahero ng jeep na iyon. Miski nga yung driver, nakatitig din sa akin. Bigla akong pinagpawisan ng malamig at malapot dahil ayaw kong nao-on the spot ako nang ganun. Matapos kong manliit sa likuran ng aking bag, napabahing ang isang lola ng "tampon" at napautot yung isang lalaki ng "intrauterine device contraception is painful and unsafe". Doon ko lang naintindihan kung bakit sila nakatitig sa akin ng masama. Nung sumilip ako, nakita kong sila pala ay nakasuot din ng condom. Naiingit sila doon sa mamang may suot ng plastic wrapper kasi raw, tinanong ko siya kung ano ang suot niyang protection against sexually transmitted diseases. So isa-isa ko silang tinanong kung ano ba ang mga suot nila, at mula sa Trust na napulot sa Manila Bay hanggang sa pambalot ng longganisa ang kanilang naging mga sagot.
Pagbaba ko sa jeep na iyon, nagpaalam silang lahat sa akin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano, pero pagkatapos noon, binugahan ako ng tambutso ng jeep ng smoke and fumes toxic to a human person. Napaubo ako sa tapang ng carbon monoxide na umatake sa aking alveoli sa lower section ng aking left lung. Na-irritate ang aking bronchi kaya napaubo ako nang napaubo. Napapikit ako, at pagmulat ko, kaharap ko na si Kuya Symon habang sinasagot ang tanong niya na "O, anong nangyari sayo?" Nasamid pala ako dahil uminom ako habang naglalakad.
Um..
Nakauwi na pala ako.
Bumalik na pala ako sa reality na masakit ang aking ulo.
Bumalik na pala ako sa reality na bukas, May na, at wala pa ring nangyayari.