Tuesday, March 11, 2008

Contentment

Kalokohan iyang transport strike na iyan. Hindi ko magets ang point kung bakit nila pineperwisyo ang mga nagkocommute. Hindi ko maintindihan kung bakit sila biglang mawawala sa daan, eh hindi naman siguro nagkocommute ang namamahala ng presyo ng krudo. Hindi ba? Salamat ha, wala kayo kanina. Hindi trapik. Walang sagabal at mga barumbadong driver ng jeep na ibaba ka sa susunod na kanto sa susunod na kilometro. Salamat ha, nakapag-exercise pa ako dahil nilakad ko mula Bahay ng Alumni hanggang UPIS dahil wala kayong mga driver na kayo. Salamat talaga, please accept my sincerest and most heart-felt gratitude.

Madali akong napapagod ngayon mga nakalipas na araw. Sabi ko nga sa ate ko, I feel lethargic once again. Siguro mataas ang sugar ng dugo ko o 'di naman kaya'y masyadong nagpoproduce ng bile ang aking liver. Ewan ko, ang labo naman kasi eh. Gusto kong lagi na lang akong tulog. Hindi lang dahil lagi akong pagod, pero dahil hindi ka nag-iisip habang tulog ka.

At least naman, medyo nakakausad na ang aming play sa Hi16. Sa susunod na Martes na kasi iyon eh. At least naman no. At dahil nagpractice kami kanina mula alas-3 ng hapon hanggang mga halos alas-7 ng gabi, napagod ako. Hindi naman ako mabilis mapagod, pero napagod talaga ako kanina. Hindi ko na alam, hindi ko na alam. Hindi naman ako puyat. Well, I think hindi naman ako puyat.

At kanina lang, tinext ako ni Jay Ann na pumanaw na raw ang kanyang nanay. Tinext ko siya kung ayos lang ba siya, at oo naman daw, ayos lang siya. Sorry talaga Jay Ann, hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin para kahit papaano, mabawasan ang lungkot na bumabalot sa iyong puso ngayon.

I'm such a failure.

Dahil nga grateful ako sa mga driver ng jeep, sumabay na lang ako kay Ding pauwi. Right after natapos kasi ang aming history practice, tinamaan na ako ng "pagod." Sinabi ko kay Ding how tired I was nung pauwi na kami.

"Grabe, napagod talaga ako. Ang bilis kong mapagod these days."
"Baka naman puyat ka."
"Hindi ah, pagdating ko nga sa bahay, natutulog na ako agad. Para na nga akong batugan eh."
"Baka naman marami ka lang iniisip.."


Pero may theory ako dito. Sinabi ko kay Ding na ang dami kong ayaw isipin kaya napapagod ako agad. Nagets naman yata ni Ding kung ano yung ibig kong sabihin. Pero yun nga, ang dami ko nga talagang iniisip.

Hay. And I thought everything will be alright.

But nag-usap ang dalawa kong best friends (or naging best friend, or whatever) tungkol sa Block N, kung papaano ito nagigng isang jigsaw puzzle. Sabi nila, dati raw, every piece of the puzzle fit perfectly. Pero ngayon daw, the pieces doesn't seem to fit perfectly anymore.

i'm trying my best
i just want everyone to be happy again
cguru iba na ang happiness kesa sa dati rudolf


I'm just too sensitive na talaga. Or maybe stupid to not see they are happy?

I want to give up. Pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung bakit, but giving up is something I am really incapable of.

I want to feel content. I'd rather be very sad but content rather than bluffing up an empty happiness.

1 comment:

Anonymous said...

buti nga may nagawa na kayo sa histo. Kami... hmm.. konti lang. =P

Magpahinga ka na muna. Kung hindi, sa Holy Week, pwede ka na matulog ng sobra sobra. :D