Dahil sa mga recent events na nangyari kanina, muntik nang sumabog ang damdamin ko. Muntik na talaga, lalo na nung oras na [inalis para hindi ka-bother-bother] ako ni [inalis para hindi ka-bother-bother sa taong baka ma-bother]. Bigla na lang akong nirefer ng aking sarili kay Madame Kiki-Am, ang resident psychiatrist daw ng aking inner self. "Madame" raw ang itawag sa kanya para daw thothyal. Nagmadali akong nagpunta sa banyo sa ikalawang palapag ng Faura para mag-set ng appointment.
Pagpasok ko, binati ako ng isang lalaking suot ang isang asul na polo. Akala ko, siya yung receptionist, yun pala, siya yung janitor.
Sinabi ng aking sarili sa aking sarili na sa Cubicle Number 2 daw ang klinika ni Madame Kiki-Am. Kumatok ako at pumasok, at bigla-bigla na lang isinampal sa akin ni Madame Kiki-Am ang prescription na ito:

Putangna! Hindi ko maintindihan! Nung ipapatranslate ko sana kay Madame Kiki-Am ang kanyang cryptic message, wala na siya sa aking harapan. Ni hindi ko nga yata nakita ang kanyang itsura eh, at hindi ko rin natanong sa kanya kung mahilig ba siya sa fish nuggets.
Lumabas ako sa kanyang mapanghing tanggapan na nagkakamot ng ulo. Hindi ko kasi talaga maintindihan yung nakasulat sa papel na iyon. Ni hindi ko nga sure kung papel nga ba yun o tissue paper eh.
Ngunit habang ako ay natutulog nung aming lab sa physics, napanaginipan ko ang Rosetta Stone sa punyemas na prescription na iyon. Hindi ko nadecode and lahat ng nakasulat, ngunit at least naman ay nakuha ko ang mahahalagang detalye:

ANG PRESCRIPTION NI MADAME KIKI-AM
DIAGNOSIS: Kulang sa childhood. Umiyak dahil lang sa saranggola, eh hindi naman siya si Pepe.
INDICATIONS: Nadepress at inisolate ang sarili kas[hindi na nadecode ang iba]
PRESCRIPTION: Drink lots of water, think happy thoughts, pagtawanan muli ang NSTP book [hindi na nadeciper ang Kiki-Amic Code]
NOTE: Kung mangyari ulit sa iyo ang mga bagay na ito, malamang hindi mo na kakayanin. *heart*
Ngunit naalala ko na parang may minorse code siya sa akin nung sinampal niya ako. Kung tama ang pagkakaintindi ko sa morse code na itinapik niya sa mukha ko nung isinampal niya sa akin ang ftw na resetang ito, hindi pa raw ako handa. Masyado raw akong nasaktan, at kailangan ko pa raw ng panahon upang maging handa. Masyado raw akong nawili sa pagiging malungkot at mag-isa. Nasanay na raw ako. Natatakot daw akong masaktan muli kaya raw ako nananatili sa isang "hurt" state. Huwaw, biruin mong natapik niya lahat iyan under 0.324235 seconds!
Bakit ba kasi ang pangit magsulat ng mga doktor eh!

*LAGDA NI MADAME KIKI-AM*

6 comments:
ang galing ni madame kiki-am! pwede rin ba ako magpakonsulta sa kanya? Problema kasi hindi ako makakapasok sa men's CR. =P
yun nga lang. waha XD
ang astig talaga. dapat apat na sialng nag-uusap next time ah. hehe. idol na rin kita sa blogging!
hindi parte ng personalities ko si madame kiki-am. bisita lang siya haha
awww... wala na ba talagang ibang "branches" ang klinika ni madame kiki-am? ahahha XD
Nagpunta nga ako ulit dun eh pero hindi ko na siya nakita. Lumipat na siguro siya sa hidden banyo ng library haha XD
Post a Comment