Meron kang dos, tres, singko, at sais ng diamonds. Nasa iyo ang dalawang itim na king. Meron kang tatlong dyis. Meron ka rin namang jack of hearts at queen of diamonds. Dahil ikaw ang taya, meron kang two of hearts.
Ayos. Panalo ka na.
Binaba mo ang queen of diamonds. Pinulot ito ng iyong katabi, ibinaba ang tatlong queen, at saka nagtapon ng isang king. Hindi ka nawalan ng pag-asa dahil meron pang isang king, ang king of hearts, na baka sakaling ibaba ng iyong katabi o 'di naman kaya'y maswerteng mabunot mo. Bumunot ang nasa kaliwa mo, at ibinaba ang seven of clubs. Hindi mo iyon kailangan. Bumunot ka habang ipinagdarasal na king of hearts o kaya'y four of diamonds ang iyong makuha. Four nga ang nakuha mo, pero four of hearts naman. Peste. Masyado yatang matindi ang iyong pagdarasal at ibinigay nga pareho. Itinapon mo ang jack of hearts dahil sampung puntos din yun kung saka-sakaling walang makatapos.
Nagpatuloy ang laro niyo. Marami nang natayong bahay. Naroon na ang nine of hearts, clubs, at spades, ang tatlong queen, ibinaba mo na ang iyong tatlong ten. Nakababa na rin ang dos, tres, at kwatro ng clubs, ang five hanggang seven of diamonds, ang alas, dos, at tres ng spades, at ang ten, jack, at queen of spades. Iniisip mo ang iyong gagawin dahil manipis na ang bunutan. Iduduktong mo ba ang iyong king of spades at itatapon ang king of clubs? O hihintayin mo ang king of hearts na baka sakaling makuha mo pa? Pero namomoblema ka pa rin sa iyong butas na straight flush. Nawawala pa ang four of diamonds. Bumunot ka. Ayun! Four of diamonds! Ayos ka na. Panalo ka na. Umandar na ang iyong self-praise apparatus dahil kaunti na lang, panalo ka na. Kailangan mo na lang nung high-risk card na yun.
Pero nagdalawang isip ka. Matatapos na kasi ang laban.
Itinapon mo yung king of clubs. Hindi mo binaba ang iyong straight flush dahil gusto mong ipitin ang mga kalaban mo. Ang natitira na lang sa iyo ay yung six of spades na nabunot mo kanina at yung two of hearts dahil ikaw ang taya. Yung nasa kanan mo na. Bumunot siya. Nagulat ka sa dami ng kanyang ibinaba, pero may naiwang dalawang baraha sa kanyang kamay. Napansin mo rin na idinuktong niya ang five of spades. Ayos. Two of hearts na lang ang problema mo. Ganun din ang nangyari dun sa nakaupo sa kaliwa mo. Isa na lang ang hawak niyang baraha. Ikaw na ang bubunot. Nadama mong iisa na lang ang nasa bunutan. Pinulot mo iyon at tiningnan.
Ang king of hearts.
Sana, hindi mo idinuktong ang king of spades at hindi itinapon ang king of clubs. Tong-its ka sana. Naisip mo na sayang ang final draw tong-its. Pero ayos lang, two lang naman ang magiging score mo. Itinapon mo ang king of hearts na iyon habang paulit-ulit mong sinasabi na sayang. Sayang, sayang, sayang talaga.
Show time na.
Idinuktong nung nasa kaliwa mo ang eight of diamonds. Ace of diamonds ang naiwan sa kanya. Naipit siya dahil sa iyo. Akala mo isa na lang ang baraha niya, yun pala, dalawa pa.
Idinuktong nung nasa kanan mo ang nine of diamonds. Ace of hearts ang naiwan sa kanya.
Wala kang nagawa. Malas ka lang talaga.
Ang buhay ay isang malaking laro ng tong-its na kung saan nakataya ang lahat. Paminsan akala mong panalo ka na ngunit sa huli, talo ka. Pero higit na mas importante na nakita mong ginawa mo ang lahat para maging matagumpay ka kaysa sa manalo.
Pero kung nakataya ang lahat, makikita mo bang mas importante iyon?
Matagal na akong hindi nagtotong-its. Hindi bumaba sa sampung laro ng tong-its ang nalalaro ko dati tuwing lunch o 'di naman kaya'y may break na sobrang haba na nakakabobo na ang pagtunganga at nakakasabaw na ng utak ang pagtulog.
So wala na akong buhay? Ganun ba?

No comments:
Post a Comment