Monday, January 21, 2008

Ipaaalam Ko Lang sa Iyo na...

...nakapagdecide na rin sila sa wakas kung ano ang project namin sa Ps140 lab. PC-controlled RC Car using Warning Sounds yata eh. Sorry ha, offline ako ng mga oras na iyon. Basta alam ko na ako ay kabilang (kasama sina Amboy at si Nelvin) dun sa gagawa nung collision alarm system.

...nasira na naman yung PC ko. Hindi ko alam kung bakit, pero ayaw na niyang pumasok sa Windows. Nadiskubre ko ito nung gagamit sana si Mamie ng PC nung Sabado dahil titingnan niya raw ang kaniyang email (na lagi namang walang new messages; maglalaro din siya siguro ng Bookworm na kung saan "SHORELINES" ang pinakamahabang salita na aking nagawa).

...birthday ni Honey Lynne nung Sabado, January 19. Kaarawan din nga pala iyan ni Tita Nene kung siya'y buhay pa ngayon. Tita Nene, sana ay masaya ka na sa piling nina Nanay at Tatay. Pasensiya ka na kung hindi ko na masyadong matandaan ang iyong mukha dahil dalawang taong gulang pa lang ako nung ikaw ay pumanaw. Ngunit alam kong mabait ka dahil taglay ito ng iyong kagandahan sa iyong mga larawan.

...maayos naman yung NSTP ko nung Sabado. Pumasok sina MC, Grace, Rose Ann, Yumin, Jonalou, at si Jude. Nagbutt spelling kami at naglaro ng "Arrange Yourselves According to..." dahil alam naman naming alam na nila ang tunog ng mga patinig na E, O, at U. Wala kaming magagawa, iyan ang nasa modules namin na bigay ng OSCI.

...nagtuturo ngayon si Felix ng Depth-First Search Algorithm. Nakikinig ba ako? Obviously medyo. Loves ko si Felix "Mugalicious Mugababes" Muga eh. Sana lang magbigay siya ng visual example kasi hindi ko maintindihan (kasi hindi ako nakikinig masyado). I'm a visual learner, you know.

...birthday ni Alfie kahapon. Too bad hindi na ulit siya nanlibre sa Timezone ng P4000.00 worth of credits. Sa huli kong kita kay Alf nung get together namin kina Lucky, mataba pa rin siya. Waha alam mo namang loves din kita Alf. Pinapakopya nga kita dati eh, remember?

...2 years na ang aking parasitic relationship with DrumMania. Parasitic dahil ako lang ang nakikinabang, at nasisira lang yung machine sa tuwing paggamit ko. Bilib ako sa DrumMania dahil namemeasure niya accurately ang aking "current status." Merong kantang natatapos ko na without danger, ngunit recently, twice nang lumabas ang mga katagang "Stage Failed." Napansin ko rin na ang karaniwang A/S/S sa PF5 at ang kadalasang A/S/A/B o 'di naman kaya'y S/S kung long version sa DM10 ay B/A/A at B/A/A/Fail o A/S lamang.

...sinubukan ko nang ayusin ang problema ko kahapon, kasabay ng pagiging dalawang taon ng aking parasitic relationship with DrumMania. Ngunit sasabihin kong parang nabigo ako. Hindi, nabigo pala talaga ako. O baka naman dahil inaasahan kong siya'y magrereply pa, ngunit hindi na pala? Ewan ko. Para tuloy akong tanga na every 5 minutes, tinitingnan kung may nagtext. Pero ngayon, narealize ko na parang isang parasitic relationship din ang aking nagawa, ako lamang ang nakikinabang habang siya ay hindi, ayon sa makitid kong pananaw. Gago, iba ito sa pagiging user-friendly. Hindi ako ganoong klaseng tao. O baka naman ganoon ang nangyari? Kapalaran ko bang manatili sa ganitong estado for life? Sorry talaga. Kung tama ngang ako ay naging isang parasite (in some sort of way na hindi ko maexplain), kalimutan mo na ako. Layuan mo na ako. You don't deserve to be slowed down by someone pathetic. Hindi na talaga ako magtataka this time around with this paradigm running up my narrow brain.

...akala ko maaayos ko na ang lahat, yun pala, hindi pa.

Pathetic. You are really pathetic. This is your fault anyway. You're not just pathetic, but you are a pathetic weakling as well. Go sit in your corner and die. The world will be better off without you, asshole.
I'm sorry to say but there is no turning back now. Don't lose faith. No, even if you lose faith, please don't stop believing. Please.
Just hold on a little longer. You just need more time.

Buti nga sana kung ganoon.

8 comments:

Anonymous said...

haha...you should do tell what this is about to me someday, I know hmmm, you said that for a while d mo na muna sasabihin sakin ung mga pinoproblema mo (or something like that..O.o..)....hmmm, what happens is...hmm..I feel disjoint in a sense left out.. a bit lonely I guess...^^;;...actually, yes maybe I do feel a bit lonely, everyone seems to be floating away, haha, maybe its just partly my fault as well(parang ginagawa ko na ring blog ko ung blog mo, gomen), even though we met new people in college, we may have somewhat a connection with them, but to tell you, maybe even everyone the truth...I, myself, feel that I'm always in the background, just watching as things unfold themselves, not even knowing the details; we are slowly forming islands, with me maybe a bit far of than the rest..haha..I don't really know, maybe this thing that I'm speaking is just some another random wild negative imagination of mine...not that I want to be in the spotlight, I just want to feel I belong, I mean I am existent and not just someone you know, say hello and stuff, talk about school, and that's it, well that's at least what I feel while in school, but maybe I'm just highlighting the negative ones haha....hay..I dunno, in any case, back to original topic, I accepted the agreement that day...so I guess all I have to do is wait until you're ready?..O.o..haha...sory..don't mind my random ramblings...(well is it?!?!?!), I do really guess by now you know who I am...and come to think of it, is this even a comment on what you have put in this specific entry of your blog???...sorry...

Anonymous said...

You'll make me even more sad if you say that...

Anonymous said...

sorry, sorry, sorry..be happy...as I said last thing I want is to be part of your problem...sorry for bringing this up, this will be the last, I'll be strong...^_^, I'll believe in the future...haha..parang movie...:D

Anonymous said...

dahil hindi ako magaling sa ganitong mga bagay-bagay, mga virtual hug na lang muna ang maibibigay ko.

*hug* *hug* *hug* *hug* para sayo rudolf

at *hug* *hug* *hug* *hug* para naman sayo anonymous (kahit di ka na talagang masyadong anonymous)

panahon na lang siguro ang makakagamot diyan. OwO Tulad ng ng sabi ni Zweihander, kailangan mo lang ng oras. (di ko lang alam kung bakit ko to biglang naisip pero.. NO TO SUICIDE! OwO Pramis.. di ko alam kung bakit pumasok to sa utak ko)

Anonymous said...

wag kang mag-alala ding. hindi ko yan iniisip.

anonymous, sorry talaga. hindi ko sinasadya na naiiwan na pala kita.

Anonymous said...

mabuti naman at hindi mo iyon naiisip. :D O siya.. tama na siguro ang pakikiepal ko. OwO

Anonymous said...

hindi naman pakikiepal ang ginagawa mo ding. salamat ha.

Anonymous said...

haha..ok ok......^^..., case closed...yap...just like what rudolf said...^^ ty ty...*pushes hug counter more*...