Thursday, January 24, 2008

PUTANGINA System

Nadiscover ko ang Personal UTilities ANd Generally INtrinsic Apparatuses, or ang PUTANGINA System habang ako ay naglalakad kanina na masayang kumakain ng P5.00 worth of spanish bread. Malamang, kasama na rin ito ng mahigit na isang buwan ng alam-mo-na-kung-ano-iyon.

Sa aking theory inspired by the cheapness of the spanish bread, ang PUTANGINA System ay inherent sa bawat isa sa atin. Iba-iba lamang ang capacities at limitations ng bawat utility o apparatus na kasama sa nasabing system sa bawat tao.

Ang PUTANGINA System, gaya ng nabanggit ko na, ay isang teorya lamang na nagmula sa margarine, asukal, tinapay, at isang buwan ng depression. Gaya ng lahat ng theories sa mathematics o kung saan mang specialization, kailangan muna itong mapatunayan bago masabing tama nga. Well, dahil walang scientific basis at hindi enough ang data ng PUTANGINA System para masupport ito, hindi na kinakailangang magpasa ng scientific paper sa kung saan mang scientific organization full of scientific people para mapatunayang totoo ang PUTANGINA System. Sa katunayan, isa lamang itong blog entry ng isang taong kakakain lamang ng spanish bread na mas maliit pa sa kanyang hinliliit.

Anyway, hindi ko pa lubusang naiintindihan ang PUTANGINA System, ngunit may mga findings ang aking study based on the cheapness of those spanish breads na nagtataka ako kung galing nga ba talagang Spain. Ang PUTANGINA System ay mainly composed of:

Self-Praise Apparatus (SPA)
Intelligence Utility (INUTIL)
Memory Retrieval and Application Engine (MEMORAPE)
Emotional Mechanism Utility (EMMY)

Emotional Board And Circuit-Breaking Synthesizer (EBACS)
Carnal Output Circuit Key (COCK)

Ang Self-Praise Apparatus
Mahalaga ang SPA. Malaki ang magiging damage sa self-esteem ng isang tao kung ito ay magiging erroneous. Ang pangunahing trabo ng SPA ay bigyan ang sarili ng maraming pat sa ulo o 'di naman kaya'y mga mahihinhing tapik sa balikat tuwing makakagawa ng isang bagay na maaari nang maipagmalaki sa ibang tao o miski sa sarili lang. Malaki ang nagagawa ng SPA sa ego ng isang tao dahil pinananatiling recognized ng SPA ang achievements ng isang tao, whether nadiskubre niya ang lunas sa cancer, nasagot niya ang lahat ng tanong sa programming varsity, o sa simpleng pagtatasa ng lapis o nasagot niya ng tama ang tanong sa history ni Miss Isa. Lalong tumataas ang pressure sa SPA tuwing makakasama ang isang tao na efficient ang INUTIL.

Ang Intelligence Utility
Paiba-iba ang INUTIL sa bawat tao. Iba't ibang klase rin ang INUTIL ng bawat tao. Ang INUTIL ng iba ay sobrang efficient na kaya nilang magmajor sa Computer Science at Applied Math in Finance na parehong honors courses. Ang INUTIL efficiency naman ng iba ay lumalabas sa kanilang mga obrang ikahihiya ni Mona Lisa, o sa mga kantang tumutunaw sa mga puso ng mga tagapakinig nito. Ngunit mas mahalaga pa rin ang SPA kung ikukumpara sa INUTIL dahil ang mga taong efficient ang SPA ay madaling maappease ang mga kagustuhan at kadalasan ay mapagkumbaba. Kuntento na ang mga taong maganda ang takbo ng SPA sa mga small things in life.

Ang Memory Retrieval and Application Engine
Ang MEMORAPE ang namamahala sa lahat ng memory retrievals, memory applications, at memory queries. Ang main component ng MEMORAPE ay ang hippocampus. Ang MEMORAPE ang nagsosort ng lahat ng alaala ayon na rin sa mga categories: academics, name-face recognition, mga telephone number ni Mr./Ms.X, mga nangyari kanina, mga nangyari kahapon, yung poem na minemorize mo, yung readings mo sa history, schedule mo, schedule niya, schedule nating lahat, at yung ginawa mo nung isang araw na hindi mo makakalimutan ever. Basta. Ang MEMORAPE ang namamahala sa lahat ng may kinalaman sa memory. To enhance the efficiency of MEMORAPE, uminom dapat ang isang tao ng Sustagen Premium at kumain ng leafy vegetables (although not tested, testers are most welcome).

Ang Emotional Mechanism Utility (Redundant)
Si EMMY ang namamahala sa emotional processes ng PUTANGINA System. Lahat ng mga processes na nararamdaman ng dibdib at puso ang pinakikialaman ni EMMY. Kung ang isang tao ay nagdadalamhati, nagluluksa dahil namatay ang kanyang kuko sa left hinlalaki, high dahil suminghot ng rugby, masaya dahil kasama ang lovey-dovey, asar dahil nakita ang batch loser noong high school, o hindi naman kaya'y simpleng masaya lang, si EMMY ang may gawa. May output din ang SPA kay EMMY: ang feeling ng contentment at simple happiness ay kadalasang dahil sa isang efficient na SPA na nirirelay ni EMMY ang sinasabi.

Ang
Emotional Board And Circuit-Breaking Synthesizer
Paminsan, masyadong naooverwhelm ang system ni EMMY dahil sa severe depression or extreme mania. Dito na papasok ang role ng EBACS. Ito ang nagsisilbing fuse sa sistema ni EMMY. Pinuputol nito ang current state ni EMMY kung nakita nito na masyado nang peligroso ang lagay ni EMMY. Iba-iba ang danger zone ng EBACS ng bawat tao, at iba-iba rin ang recovery time ng EBACS. Kung hindi efficient ang lahat ng mga naunang systems, sobrang bagal ng recovery time ng EBACS. There is such person na isang buwan na, hindi pa rin normal, pero gusto na niyang maging normal, pero hindi niya magawa dahil napakaerroneous ng kanyang EBACS.

Ang Carnal Output Circuit Key
Kung efficient ang COCK ng isang tao, malibog siya. Horny, ika nga. Sa tingin ko, self-explanatory na ang COCK kaya hindi ko na ipapaliwanag pa.

Dahil ongoing ang research tungkol sa PUTANGINA System, malamang, hindi pa masyadong accurate ang mga detalye ng bawat parte nito. Malamang, hindi pa nadidiskubre ang lahat ng parte nito.

8 comments:

Anonymous said...

napakaganda ng mga termino ng sistemang yan ah. Madali alalahann. berigud. :)

Anonymous said...

So, kamusta ang iyong PUTANGINA?

Anonymous said...

napaka-gandang teorya. subalit, sana ay nagbigay ka ng isang mas konkretong halimbawa. wahehehe.

Anonymous said...

hindi sufficient ang cheap spanish bread na mas malaki pa ang dating fat fingers ni edgar mortiz. kung mamahaling muffin siguro sa starbucks ang kinain ko, malamang magkaroon na ako ng scientific paper award.

so, kamusta naman ang iyong COCK? haha

Anonymous said...

'eto araw-araw naglalabas ng likido. lol.

Anonymous said...

over-all effectiveness ng sistema ko ngayon? Hmm.. Average. :))

Anonymous said...

pokemon:

either:
a) malaki ang topak ng iyong COCK dahil hindi dapat ito nagproproduce ng kahit na ano maliban sa hormones
b) ang bastos mo, ibang COCK na yata yan

ding: PUTANGINA! XD

Anonymous said...

siguro nga may sira ang COCK ko. hahaha