Tuesday, January 1, 2008

Fireworks

January 1 na pala. Happy birthday Melody Kay. O ayan ha, binati kita. Baka sabihin mong hindi kita binati.

Last night was...horrible. Well hindi naman siguro.

Maganda naman yung mga paputok dun sa Mt. Everest. Rich people kasi yung mga nakatira sa kalyeng yun eh. At least naman they were generous enough to share their money by buying those aerial fireworks. Well, tinitingnan ko ito sa aking pananaw. Ewan ko lang baka selfish, kunat people sila at binili nila yun to show off. Hindi naman siguro. I mean, new year na new year tapos ganun ang iniisip nila? Well, hindi ako sila to know.

Pero amazing talaga yung fireworks. After a faint firing sound, a small glimmer of light would streak the night sky, and explode to a variety of colors that would ultimately disrupt the infinitely ebony sky. It was awesome. Yun lang talaga ang hinihintay ko tuwing bagong taon. Kung walang magagarang paputok ang mga tao sa Mt. Everest at puro fountain at mga labintador at mga kwitis lamang ang sinisindihan ng tao dito, malamang ang gabi ng December 31 ay parang isang normal na mumu araw lang. Well normal besides na kakain kami ng hatinggabi at magsisimba before that.

Speaking of simba, matagal na akong hindi nagsisimba. Nagsisimba na lang ako kapag napilit. Ni hindi na nga yata ako nagdadasal eh. Hindi naman sa hindi na ako naniniwala kay Jesus. Hindi lang talaga kasi ako isang relihiyosong tao. Well dati siguro, kasi tatlong taon akong Knights of Christ. Well sabagay, ngayong iniisip ko kung bakit ako sumali sa org na yun (activity yata yung grade school term), sumali yata ako dahil ayaw kong tumabi sa mga kaklase ko tuwing may school-wide mass (na hindi naman talaga school-wide dahil hindi kasali ang prep at grade 1). Mainit kasi eh. Oo tama. Yun nga yung dahilan.

Something to do with changing people yung homily nung misa kagabi. Besides na homily na kami dumating, hindi ako masyadong nakinig. Preoccupied kasi yung utak ko sa tao/bagay/event na hindi ko na sasabihin kung sino/ano yun. Parang there was this man na he wanted to change the world, but he realized that it was impossible, so he wanted to change his country, na imposible rin para sa kanya, tapos his city, village, hanggang sa family na lang niya. Pero hindi pa rin niya magawa, and it was then he realized na it was only himself he could change. For the better? For the worse? Ewan ko dahil hindi ako nakinig. Pero dahil misa yun, dahil homily yun, malamang, for the better. Natalakay namin sa Hi16 class ko na parang "mind control" of some sorts ang religion. I know there is a better term, but I can't remember eh, so I'll settle with "mind control." Kasi Hindus believe in reincarnation and karma. So parang kahit gaano ka fcuked up yung life nila, they believe ba gagaan ang buhay nila in their next life kung hindi nila mafree ang sarili nila from samsara (by conquering maya, wow naaalala ko pa) by doing their part in the society bound by the caste.

Going back dun sa homily ni idk pari, eh paano kung multiple ang iyong personality?

Ang dami daming magagandang paputok. Maganda talaga. Ang dami pang kulay. Naisip ko na those fireworks were set off by people who have conquered their own little ebony sky. The flash of light, the drizzle of sparks, the shine of different chromes blazing across the sky came with the bright hopes and dreams for the new year they were happily anticipating. They bid the last few moments of the year with anticipation and welcomed the new year full of optimism and promise. All of these I saw through their eyes. I saw their open hearts ready to embrace new blessings, new opportunities, new hopes, new promises, new, relationships, new challenges, new problems, and new difficulties that 2008 will be bringing them. They were ready to leave the past without forgetting the lessons they have learned and face the new year with faces confident and held up high.

Eh ako? Ano sa akin ang new year?

2007 + 1 = 2008.

I'm not ready to leave the past behind. Well maybe I am, but hindi ko kayang mag-isa. And the bad thing is, my heart is closed from the joyous outside world.

Nagising ako kanina mula sa aking idlip na madilim na ang aking kwarto. Bigla biglang lumiwanag at sinilaw ang mga mata kong uhaw sa liwanag. Nadama ko ang panandaliang takot na nararamdaman ng isang taong nakakita ng kidlat. Tinakpan ko ang aking tainga sa paghahanda sa isang malakas na kulog.

Isa pala iyong paputok.




New year na Rudolf... or kung sino ka man ngayon.

No comments: