Thursday, January 29, 2009
The brave steel of Anonymous hacked valiantly through the battlefield last 10:15 PM 2 bonus damage
Critical Damage: Hiding Lv. 10
Wednesday, January 28, 2009
Dreaming
As a gentle breeze blows the fine blanket of fallen leaves, I feel my chest quiver. The faint rustle of leaves sounds like a small wave lapping on a rocky shore. Memories come back like they happened just minutes ago. Patterns emerge out of the darkness: patterns of tears; patterns of emptiness. Everything feels as if each is slowly settling into their proper corners of the sky, but I am still in the same spot, staring at the stars that continue to twinkle amidst the overpowering abyss that surrounds them.
Confusion fills me.
Sadness visits me.
Emotions leave me to a state of nothingness.
Cycles start to turn again.
I don't know what to do anymore.
The pain still throbs up to this very day, and no wonder why: I keep on holding to it, never letting it go, and never giving it time to heal. Time ticks by, and life goes on. The seconds elapse, the minutes pass, hours expire, and days turn into weeks. Months become years, and goes on forever until the end of time.
Life must go on.
On the wings of hope take flight inside me
There upon some distant shore
We want for nothing more
Than what will be
-- A Bride in Dream
The brave steel of Anonymous hacked valiantly through the battlefield last 2:55 AM 0 bonus damage
Critical Damage: A Separate Peace, Deep Emotions, ZOMG English *Bleeding Nose*
Monday, January 26, 2009
Sagot sa Number Two
"May exam pa ako bukas at hindi pa ako nag-aaral!" wika ko kay Kuya Joel. Natiyempuhan kasing pauwi na siya habang nasa ibaba ako.
"Kayang-kaya mo yan!"
Nakakatuwa kasi ang dami nang ikinukwento sa akin ni Kuya Joel. Natutuwa ako dahil nakikipagkwentuhan siya sa akin kung may pagkakataon. Sa simpleng tango lang nga niya kapag andun ako, masaya na ako kasi kahit papaano, andoon ang recognition. Alam mo yun? Yung recognition na sinasabi ko?
Naghiwalay kami ni Kuya Joel ng landas sa may LRT station sa Cubao. MRT tapos FX daw kasi siya araw-araw, at ako naman ay isang sakay lang ng bus kapag napapadpad ako sa Cubao.
"Lord, ingatan niyo po si Kuya Joel, ha."
Hindi ako makatulog sa bus pauwi. Ang dami ko kasing iniisip noon. Sa dami, hindi ko na maalala kung ano.
Pagkauwi, sinubukan kong mag-aral para sa Th131 Long Test ko kinabukasan. Wala pa talaga akong naaaral at kung nasusubaybayan mo ang aking random rants, alam mong medyo sadsad ako sa theology. Bumabawi na lang ako sa mga theological reflections na sa kabutihang palad, mataas ang nakukuha ko. Pero dahil sa puyat, pagod, at sa katamaran na rin, medyo namadali ko ang pagbabasa ng notes ko. Bago umalis ng Gateway, sinabi ko sa sarili ko na kahit papaano, babasahin ko ang libro. Miski yung patingin-tingin lang. Pero wala, nauwi lang ang aking pagsusumikap sa paglalaro ng EssenceRO dahil malapit na raw i-release ang Warlock, ang Extended class ng High Wizard.
"Lord, sana po magising ako sa oras. Wala akong magagawa kung mahuhuli ako kasi pinili kong magpuyat, pero sana, tulungan mo po akong magising ng ala-sais."
At nagising ako ng ala-sais. Hindi makapaniwala ang isang batugang katulad ko.
Pagdating ko sa Ateneo, nagmadali ako sa Escaler Hall dahil malapit nang magsimula ang aking long test. Pagkakuha na pagkakuha ko ng papel, narinig ko ang nakakapanghinang mga salita ni Nelvin:
"Naku, identification!"
Nanlambot ang buo kong katawan. May Identification na 20 items, at dalawang puntos kada sagot. Ang ibig sabihin lang nito, dumadagungdong na kwarenta puntos ang kailangan kong isipin mula sa utak kong tuyot na.
"Lord, sana po ay tulungan niyo akong maalala ang mga inaral ko. Hindi siya marami, pero sana ay tulungan niyo po ako. Well, kung gusto niyo pong ibigay sa akin yung sagot, e 'di ayos. Haha."
Kahit papaano, nagawa ko namang sagutan ang True or False, at ang Identification na may pagka matching type. Sa huling pahina, unti-unting nanlamig ang aking pakiramdam.
"Identification. Syet."
Napiga ko ang mga sagot mula sa puyat kong utak. Hindi ko na halos mabuksan ang mga talukap ng aking mga mata sa antok na dulot na rin ng puyat at pagbabasa.
Verbum incarnatum ito ang alam ko eh.
Taena. Ano ito?
St. Paul? Gago, hindi ko nabasa yung libro... imbento.
Ah okay alam ko ito.
Ito rin.
Ito rin. Sisiw.
Fuck. Nakalimutan ko ata ito.
Adam ang sagot dito for sure.
Sinfulness yung state.
Freedom as choice? Ewan ko.
...
Categorical? Transcendental?
Hanggang sa isang tanong na lang ang natira.
2. the mystery of the prescence of Christ in the Eucharist
Alam ko ito. Trans...trans..trans-something. Transformation?
Kinapa ko ang rosaryo sa aking kaliwang bulsa.
TRANSUBSTANTIATION!
Matapos ang higit sa isang oras, ipinasa ko ang aking papel. Sa isang malaking ginhawa at sa isang malalim na bugtong hininga, naglakad ako palabas ng Escaler Hall.
"Lord, salamat po ng marami."
The brave steel of Anonymous hacked valiantly through the battlefield last 10:56 PM 3 bonus damage
Critical Damage: Along Katipunan Avenue, Of Bibles and Rosaries
Sunday, January 25, 2009
Dream > Income?
Rudolf, nag-mature ang itsura mo.
Dahil masyado siyang abala sa pag-iintindi sa polo niyang binabakatan na ng kanyang pawis, hindi na niya ito nabigyan ng kaukulang pansin. Mabilis nilang binaybay ang kahabaan ng Commonwealth. Mukhang magiging ayos na ang lahat. Hindi sila mahuhuli dahil sa tulin ng kanilang pagpasada sa Commonwealth. Ngunit dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari na lagi namang nangyayari, nahuli sila ng dating sa lugar na pinagkasunduan. Dumating sila doon ng kinse pasado alas-nuwebe, at nagsimula na naman siyang kabahan dahil hindi rin nila masyadong kabisado ang Ortigas, isang mundong ibang-iba sa mundong ginalawan at ginagalawan nila. Ngunit makalipas ang ilang sandali, nagkita-kita na rin sila sa wakas. Ang pagsasama sama na ito ay ang simula ng isang masaya at magulong biyahe mula Katipunan Avenue tungong Exchange Road.
Naging isang bitukang pasikut-sikot ang mga kalye ng Ortigas para sa kanilang mga mata. Ngunit kahit papaano, nakita't natunton nila ang Philippine Stock Exchange Center noong sumapit ang pito makalipas ang ika-sampu ng umaga.
Namangha sila sa laki ng gusaling iyon.
Matapos nilang magulantang at panandaliang mawala sa dami ng elevator ng West Tower, dali-dali silang nagpunta sa ika-dalawangpu't walong palapag hindi para tumalon palabas ng bintana, kung hindi para kunin na ang kanilang eksamen.
Kasama si Flora, umakyat sila ng isa pang palapag at pinaupo isang kwarto na tila pang-eksamen talaga. Kinuwento niya kay Flora na medyo nahirapan silang matunton ang lugar dahil unang beses pa lang nila magawi sa parte ng Ortigas na iyon. Tinanong kasi ni Flora kaya niya sinabi.
Matapos ang pagpapakilala, ipinaliwanag ni Flora gamit ang kanyang napakahinang boses ang ginagawa nila sa Azeus. IT solutions ang pakakarinig niya, at sa totoo lang, tila hindi siya interesado dahil manghang-mangha pa siya kung gaano ka-office ang feel ng loob ng kwarto kung saan sila ikukulong.
...and there will be an allowance of P450.00 a day.
Napaiktad ang karamihan sa kanila, ngunit miski naikubli ang kanilang nararamdaman, nawindang silang lahat. Hindi nila makontrol ang paglaki ng butas ng kanilang ilong tuwing hihinga sila. Nanlaki ang kanilang mga mata sa mga katagang iyon.
Ngunit napaisip siya noong sinabi ang mga katagang "four hundred fifty a day". Ngunit biglang nawala ito sa kanyang isipan dahil may sinasabi pala si Flora. Mas narinig pa niya ang kaluskos ng mga paa ng ipis kaysa sa boses ni Flora.
The test consists of ten items. The passing is seven, and the test will be for an hour. I will be monitoring you from downstairs and will get your papers after an hour.
Good luck!
Naging madali ang unang dalawang tanong, ngunit hanggang doon na lang iyon. Ngunit kahit na alam niyang malabong siya'y makapasok sa Azeus bilang isang intern, ginalingan pa rin niya dahil maaari siyang kumita ng malaki kung papalarin siyang makapagtrabaho doon.
...
Okay, please finalize your answers.
...
Pass your papers forward along with the copy of your transcript.
Pinasa niya ang kanyang papel na puno ng duda sa kanyang sarili. Bahala na, sabi niya sa sarili niya. Tutal, nasa kabilang gusali lang naman ang Chikka, at doon naman talaga niya gustong pumasok.
Habang naglalakad papuntang Megamall dahil pare-pareho nang kumakalam ang kanilang mga sikmura, napatigil siya ng sandali. Sinubukan niyang alalahanin ang tunog ng boses ni Flora noong inusal niya ang mga salitang mangangahulugan nang mahigit sa P17,000.00 para sa tatlong daang oras na kailangan nilang bunuin. May kakaibang pakiramdam ang namayani sa kanyang loob. Hindi pa niya ito nararamdaman kahit kailan. Tumingin siya sa langit na nagbabadya ng ulan, at tinanong ang sarili kung ano ang nangyari sa kanya.
Ano nang nangyari sa kanyang mga pangarap? O kung anong mga bagay lang iyon na ibinabalot niya bilang ang kanyang mga pangarap?
Eh, ano ba naman, may isang taon pa tayo ano!
Pumasok sila sa loob ng Megamall at sinalubong ng malamig na simoy ng aircon. Ibang-iba sa init na namamayagpag sa konkretong mukha ng Ortigas, ngunit hindi nalalayo sa lugar kung saan niya gustong mamalagi tuwing gulung-gulo ang kanyang utak at uhaw na uhaw ang kanyang pinakaloob para sa isang katahimikang sa isang lugar lang niya natagpuan.
The brave steel of Anonymous hacked valiantly through the battlefield last 2:05 AM 0 bonus damage
Critical Damage: Hiyang at Matatas sa Wikang Filipino (HAMSFIL), Realizations, Sa Isang Sinag ng Araw, Spectral Reflections
Ang J Naman
Hindi pala, marami nang tenth sa buhay ko. Marami na dahil kulang na ang isang kamay para bilangin ang mga tenth na ito. Tenth ano, tenth kuwan, tenth kailan, tenth ganyan.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano.
Parang:
Ay, saan ka pupunta?
A, ano po, sa tenth kuwan po. Kasama ko po si tenth ano po. Mga tenth kuwan po kami magkikita sa tenth doon. Nakakainis nga po't doon pa ni tenth kuwan magkita kasi napaka tenth talaga ng tenth na lugar na iyon. Alam niyo po yun? Yung may mga eigth o ninth o eleventh naman po, pero lagi na lang pong si tenth kuwan sa tenth kuwan ng mga tenth kuwan. Lagi na lang pong tenth. Nakakahalata na nga po ako sa ka-tenth-an ng pu-tenth-inang buhay kong ito, eh. Alam mo yun...
Ganito lang ba talaga, o sadyang J ang buhay ko?
The brave steel of Anonymous hacked valiantly through the battlefield last 1:55 AM 2 bonus damage
Critical Damage: A Day Today A Night Tonight, Ano Kayang Label Nito?
Friday, January 23, 2009
Philippine Stock Exchange Center, West Tower
Pero nakahanap na ako ng vicinity map! Yun pala ang Tektite Towers. Now now, I do believe I have heard a lot of stories about that building...
Yun na lang muna ngayon. Tinatamad akong maglagay ng something chunky and slash or substantial eh. Karaniwang pagod ang aking utak. Uminom na kaya ako ng Sustagen?
The brave steel of Anonymous hacked valiantly through the battlefield last 10:54 PM 0 bonus damage
Critical Damage: A Day Today A Night Tonight
Dream > Income
Nagsimula ang napakalakas kong pagnanasa na magtrabaho sa Timezone bilang isang mas mataas pa sa Customer Service Assistant noong malaman ko kay Ate Myles na natapos na ang kontrata ni Kuya Ryan sa Timezone sa may Gateway. Simula noon, hindi na naalis sa aking utak ang asul na uniporme ng mga tauhan sa Timezone. Tumatak na sa aking isipan ang mga dingding ng lugar na iyon. Tuwing hihinto ang panahon sa sarili kong mundo, biglang aandar sa aking mga ala-ala ang mga oras na kung saan napapalibutan ako ng mga hiyaw na nagmumula sa dose-dosenang arcade machine na ibinabaon ang aking mga problema sa isang panandaliang panibugho ng katotohanan at buhay. Bigla ko na lang masasalat ang aking Powercard sa kaliwang bulsa ng aking maong na kupas, at magsisimula ang tila isang hindi totoong pagsulong papunta sa maliit na piraso ng katahimikan.
Hindi ko na talaga alam kung bakit.
Ngayon, sa bugso ng mga malalaking kompanya na inaakit akong maging intern sa ilalim ng kanilang malahiganteng mga anino, nagsisimula nang mawangis ang dating napakatatag na determinasyon kong magtrabaho sa Timezone. Unti unti nang nagiging isang malaking katanungan ang aking kagustuhang magtrabaho sa lugar na puno ng ingay at saya. Isa-isang napundi ang napakaraming ilaw na pinanatiling maliwanag ang pangarap kong ito
hanggang ngayon.
Rudolf (1/23/2009 12:46:46 AM): eh kasi
Rudolf (1/23/2009 12:46:55 AM): napapaisip ako kung may career ba talaga ako sa timezone
Rudolf (1/23/2009 12:49:20 AM): kasi alam mo yun?
Rudolf (1/23/2009 12:49:31 AM): parang yung mga inaaplyan ko for ojt parang ang big time talaga
Rudolf (1/23/2009 12:49:40 AM): tapos kagaya nga ng sabi ni kuya joel sa akin
Rudolf (1/23/2009 12:50:00 AM): parang sa small time lang ako magtatrabaho?
Rudolf (1/23/2009 12:50:03 AM): i mean
Rudolf (1/23/2009 12:50:21 AM): gusto ko talagang magtrabaho doon
Rudolf (1/23/2009 12:50:33 AM): pero parang for how long?
Meki (1/23/2009 12:50:36 AM): dream > income
Meki (1/23/2009 12:50:42 AM): well para sa kin
Rudolf (1/23/2009 12:50:45 AM): yeah ako rin naman eh
Meki (1/23/2009 12:50:47 AM): hahaaha
Rudolf (1/23/2009 12:51:00 AM): ewan ko
Rudolf (1/23/2009 12:51:09 AM): may isang taon pa naman ako para pag-isipan lol
Pero sa totoo lang, gusto ko pa ring magtrabaho doon. Kahit tutol si Mamie, kahit hindi na ako kilalanin ni Dadee
sa ngayon, gusto ko pa ring magtrabaho doon.
Hindi naman masamang managinip ng gising, hindi ba?
The brave steel of Anonymous hacked valiantly through the battlefield last 12:58 AM 5 bonus damage
Critical Damage: Deep Emotions, Hiyang at Matatas sa Wikang Filipino (HAMSFIL), Sa Isang Sinag ng Araw, Spectral Reflections
Wednesday, January 21, 2009
22 Resumes Printed
- e-PLDT, Inc.
- Incuventure Partners Corporation
- Integreon Managed Solution
- Canon Information Technology
- GlaxoSmithKline
- Nestle Philippines
- Unilever
- P&G
- Soluziona
- Abba Global System
- Azeus Systems Philippines
- Chikka Asia, Inc.
- Smart Communications, Inc.
- Globe Telecom
Pero I'm too lazy to write a something about these companies. Basta I'm hoping that I get to enter Chikka as an intern dahil ayon sa mga upperclassmen, masaya doon dahil mababait ang mga tao and stuff. Same lobby pero different tower ang office ng Azeus, na mukhang maraming maaaring matutunan. Interesting ano? And weirdly enough, ayaw kong mapunta sa Smart or sa Globe or anywhere else na sobrang big-time corporate IT ang field dahil parang nakakapressure ang competition and stuff. Besides, feeling ko eh hindi ako magiging successful sa field na yan dahil, well, basta. Tapos yung Abba, no offense, pero parang hindi sobrang credible or something. Hindi ko alam. There must have been something in their booth that made me feel a little bit confused. Please, correct me if I'm horribly wrong.
Ayan. Kakatapos lang magprint ng 10 ko pang resume. More companies await my resume tomorrow.
The brave steel of Anonymous hacked valiantly through the battlefield last 10:44 PM 2 bonus damage
Critical Damage: Along Katipunan Avenue, Dahil Hindi Ko Maayos ang Aking Saloobin Kaya Ayan Parang Isang Malaking Chunk of Osterized Material
Tuesday, January 20, 2009
Katahimikan
"Bakit tila ang mga Filipino, takot sa katahimikan? Kailangan parati na lang maingay."
Totoo nga bang takot tayo sa katahimikan kaya tayo masasabing isang maingay na bansa? O sadyang maingay lang talaga tayong mga Filipino?
Hindi ko alam. Ang daming bumabagabag sa aking isipan ngayon. Mga resume na kailangan pagandahin para makakuha ng maayos na practicum sa April; mga project na kailangan ipasa; mga bagay tungkol sa aking kinabukasan na hindi ko alam kung bakit ngayon pa lang, naiisip ko na; mga pagsusulit na lagi na lang inuurong ang petsa sa aming ikinadidismaya; mga kung anu-anong mga damdaming ayaw ko nang sabihin; at pag-aalala dahil sa loob ng isang buwan, matatapos na ang kontrata nina Kuya Jhun at Kuya Joel sa Gateway.
Pero kahit papaano, unti-unti akong nakahahakbang paharap dahil sa isang sandigang ngayo'y aking sinasandalan. Ito ang asul na rosaryo sa aking bulsa. Ngunit ang tunay na anyo ng aking inaasahan,
sa katahimikan ko lamang nakikita't nararamdaman.
The brave steel of Anonymous hacked valiantly through the battlefield last 7:45 PM 2 bonus damage
Critical Damage: Hiyang at Matatas sa Wikang Filipino (HAMSFIL), Of Bibles and Rosaries, Sa Isang Sinag ng Araw
Saturday, January 17, 2009
Five Letters
Faith.
Change.
The brave steel of Anonymous hacked valiantly through the battlefield last 10:06 AM 3 bonus damage
Critical Damage: Of Bibles and Rosaries
Friday, January 16, 2009
The brave steel of Anonymous hacked valiantly through the battlefield last 3:16 AM 5 bonus damage
Critical Damage: Hiding Lv. 10, Levantine Side
Tuesday, January 13, 2009
Surrogate Security
But the cold was too painful to bear. The abnormal weather made his self-inflicted wounds throb with an increasing wave of pain that emanated across his entirety. He wished to weep, but his tears were in mourning. His tears were grieving the loss of his precious skies full of aspirations as it broke into the shale storms that were saturated with uncertainty and broken promises. His blanket never seemed to protect him from the cold that was slowly taking his sanity. He kept kicking and shuffling, but his efforts were all for nothing. In a last, desperate attempt to kindle a small flame of hope to provide him the warmth and the light he needed, he reached for his long legs and tucked them close to his body. He yearned for the security of his mother's womb, the kind of devotion where one would protect the other with everything they have.
His sight was slowly growing dark despite the small night light turned on. He thought he was finally falling asleep. But a sharp, invisible pain inside him jolted him into the reality that he was falling into yet another dangerous pit of his emotions. It was one of those instances where he felt the chilling embrace of the most unending darkness one could face.
With the last remaining ounce of his strength, he reached out his hand to hold onto something. He reached out his hand to save himself from another ironically agonizing fall into the world he is so accustomed to. He reached something warm, soft, and pleasant to the touch. As he grabbed the object which seemed to be brimming with affection, he placed his head on it. A subtle warmth calmed his body down, and after a few moments, he regained the sanity which was sapped by the unknown hunters of his night. He felt alive once again.
He realized that all was but a dream forcefully transgressing his sleep.
In his dreams, the pillow was his source of warmth, life, and happiness. It was everything, and it meant everything to him.
But in his waking consciousness, the reality remains that the pillow is nothing more than just a pillow, something that will never return all his yearnings for security. The reality remains that he still stands under the starless sky that he has wrongly wished for himself.
---
ay rai
pede ba kita maging surrogate sister?
meaning?
uh
like
family outside my home
kasi na dedepress na ako sa sarili ko dahil I find my family disfunctional when I know it isn't
ang shits kasi ng mga drama sapaks ko sometimes
you don't find me dysfunctional?
para sa akin hindi
hahaha
ok
i'm just here
sometimes i wonder
am i like selfish or something?
kasi all i ever do is run to you guys kapag namomroblema ako or something
no you're just in need of love and affection
we all do
that's what friends are for
thanks rai>:D<
>:D<
The brave steel of Anonymous hacked valiantly through the battlefield last 1:18 AM 0 bonus damage
Critical Damage: A Separate Peace, Unending Cycles, Yearnings from the Past, ZOMG English *Bleeding Nose*
Sunday, January 11, 2009
My Phone is Dead
My ever faithful phone is dying, if not dead.
I think it's the flex cable.
Shed even just a tear for it, will you? It has been my one and only trusty companion for over two years.
It has seen me laugh my heart out...
It has offered its shoulder when I was in tears...
And it has been something more than just a phone to me.
I treated it as an extension of myself, always looking for it when it escapes my sight. It is not because of its material worth, but I constantly hold it in my hands because of all the memories it has.
Memories I wish to forget,
and memories that I will embrace deep inside my heart for as long as I live.
Sigh. I want my old self back.
The brave steel of Anonymous hacked valiantly through the battlefield last 1:05 AM 0 bonus damage
Critical Damage: A Day Today A Night Tonight
Friday, January 9, 2009
Gusto Ko Maging
(simangot)
"Nyek! Nakasimangot. Bakit naman?"
"Ayan ang hirap kapag laki ka sa ginhawa eh. Hindi aggressive. Tutal ako, laki sa hirap, kaya talagang naging agresibo ako."
"Eh Ma, kung hindi ka naman masaya sa work mo, hindi ka rin naman magiging successful 'di ba?"
"Anak, hindi lahat ng gusto mo pwedeng masunod. At kung hindi ka naman magso-survive sa mundo, eh ano pa ang trabaho mo miski na masaya ka?"
(titig sa labas ng bintana kung saan maraming tao galing sa bawat yapak ng lipunan ang naglalakad)
("Pero gusto ko talagang magtrabaho sa Timezone. Hindi ko alam kung bakit, pero tuwing nasa ano mang branch ako ng Timezone, maayos na maayos ang pakiramdam ko. Eh ano naman kung maliit ang sweldo? Sasaya ba ako kung limpak-limpak ang pera ko't lumalangoy ako sa pera dahil sa yaman ko? Ayaw kong yumaman, Ma. Gusto ko lang maging masaya dahil sa totoo lang, hindi na ako masaya.")
("Hindi talaga.")
"Let's go?"
(tango habang nakatitig pa rin sa labas)
The brave steel of Anonymous hacked valiantly through the battlefield last 9:22 PM 4 bonus damage
Critical Damage: Isang Araw sa Buhay ni..., Sa Isang Sinag ng Araw
Wednesday, January 7, 2009
Rain, Rain, Please Go Away
It made me lose a whole portion of my eagerness. The wet weather doused the flame that once vigorously burned inside me. I indefinitely stared at the street as the countless spears of mercilessness continued to fall. I found myself slowly retreating, as if a terror only I could see was in front of me. I wanted to go back inside and sleep, and dream about that particular embrace that could make a second a lifetime and make the deep, freezing cold a warm and comforting radiance of security.
As I continued to trace back my steps and stare into the raining sky, I felt myself slowly losing my grip on reality. The anxiety of all my twenty years started to knock on my mind. It was weird. I was expecting something tormenting, but what came to me was something illogical. The sheer foolishness of it made me realize that my mind was walking the path towards insanity, or something like that. My anxieties were personified and formed a straight line that vanished in the horizon. As I looked at the place where the sun supposedly sets, I asked myself when would be the time I would be able to leave "here" and reach "there". Sometimes, the awful feeling that I place burden upon myself is far too much to handle. Everything seems to be always beyond the horizon, unreachable to me, but very much accessible to others.
It was one of those instances when my emotions spiral into confusion because of something petty.
But then again, I steeled myself and toughened my courage. I opened my umbrella, and treaded the wet streets as the skies continued to cry in their own sorrow...
...or perhaps weep in joy for my small victory.
The brave steel of Anonymous hacked valiantly through the battlefield last 6:55 PM 0 bonus damage
Critical Damage: A Separate Peace, Deep Emotions, ZOMG English *Bleeding Nose*
Tuesday, January 6, 2009
May Sakit Ako
Alam mo yung itchy feeling ng bandang likod na part nig iyong palate pero hindi mo makamot kasi nga nasa kasuluk-sulukan ito ng iyong balong malalim, puno ng patalim? At hindi mo rin makamot kasi nga ang weird kung kakamutin mo at it might cause you to gag and taste the arroz caldo that you ate hours and hours ago dahil hindi mo kayang kumain ng kanin dahil nga isusuka mo lang? Ang haba nung sentence na yun, pero alam mo yung feeling na ganun? Tapos paggising mo, ang init na ng pakiramdam mo? Tapos naiinis ka pa dahil yun yung huling Sunday bago magpasukan?
Feeling ko, ang dami kong namimiss dahil nagkaroon na naman ako ng severe allergic rhinitis dahil sa katol, pero ayaw ko nang ilagay dito kasi baka mafrustrate lang ako.
Sana naman, makapasok na ako bukas. Hays.
New year na new year tapos ganito? Sana naman, ano...wala.
The brave steel of Anonymous hacked valiantly through the battlefield last 12:36 PM 2 bonus damage
Critical Damage: Ano Kayang Label Nito?
Thursday, January 1, 2009
Fireworks Once Again
-- Fireworks, January 1, 2008
A year has passed.
And what a year it has been.
Things seem the same, but they are immensely different along the vague and invisible lines of our lives. Strings have been cut, threads have been weaved, and we are all but an infinite piece of cloth, both tattered and finely-spun at the same time...
The beginnings have all but ended, and the endings are starting. Time has clocked its course, and yet here I am, alone and silently standing under each deafening creak and groan of the cogs of fate. Blinded by fury, beguiled by sadness, and hyped by mania, I push on forward, in a negative perspective to keep my sanity saved...
The rain stopped when the clock struck twelve. It was as if the weather joined the celebration for the new year. Inside my room, I heard the ear-splitting vulcan booms of the fireworks that momentarily turned the night into day. The bright lights of the pyrotechnics flashed on the deeply frosted old-style windows of my room. People outside were cheering and was caught in a stupor that everyone was a victim of. The new year has arrived, but there I was inside my room, playing.
Once you've lost something valuable, your life will never ever be the same again.
A year has passed
and a year will pass,
thank you to all the people who became part of my life.
Hopefully, you'll still be the same people I'll share 2009 with.
The brave steel of Anonymous hacked valiantly through the battlefield last 2:33 AM 0 bonus damage
Critical Damage: A Separate Peace, New Year, ZOMG English *Bleeding Nose*