Wednesday, January 16, 2008

Habang Nagtuturo si Felix ng Algorithm ni Djikstra

Close kami niyang si Felix. Sa katunayan, first name basis ang tawag ko sa kanya. Bwaha.

Malamang maiisip mo sa titulo nito na hindi ako nakikinig kay Felix habang nagtuturo siya tungkol sa algorithm ni Djikstra. Hindi ko lang kasi talaga hilig ang math at lahat ng mga nakakabaliw na branches nito. Puro naman kasi x na hindi bastos, mga graph na wala sa Cartesian plane, mga permutation na hindi ginagawa sa salon ni Milai, combination na lalong dumadami ang sagot, at mga expressions na hindi mo naman magagamit. Alangan namang sabihin mong "Oh my god! You're so x+y talaga!" o kaya "Para ka namang x squared, laging sarili mo lang ang kasama mo." Kainis.

Pero bilib ako kay Felix dahil turo lang siya ng turo miski na sina WImbie at Wil lang ang talagang nakikinig. Hindi rin siya nagagalit (baka na rin siguro dahil walang rason para siya ay magalit). At alam na alam niya ang kanyang itinuturo. Namamangha ako sa bilis ng kanyang pagproseso ng dalawang graph kung sila ba ay isomorphic o hindi, sa galing niya sa pag-apply ng teorya ni Kuratowski, sa galing niya sa pagkilatis kung meron bang Euler Circuit at Hamiltonian Path ang isang graph G. Galing mo talaga Felix miski na napapanot ka na.

Ngayon, ineexplain niya ang isang program sa Python na hindi ko alam kung tungkol saan o para saan. Basta may stack.pop( ). Alam ko kung ano ang ibig sabihin niya, pero hindi ko lang alam kung para saan niya ginagamit. Mukhang para yata sa Infix to Postfix Expression, dahil iyon ang nakasulat sa whiteboard.

Pero bakit nga ba hindi ako nakikinig sa kanya ngayon? Hindi ko sasabihing lagi akong nakikinig sa kanya dahil hindi naman talaga. Sunog pa kasi ang utak ko dahil kakatapos lamang ng long test ko sa history kahapon. Kailangan ko munang ipahinga ang utak ko kasi mahirap na, baka hindi ko na talaga ito magamit.

Meron naman akong natutunan habang nagtuturo si Felix ng algorithm ni Djikstra. Meron akong natutunan tungkol sa aking sarili.

Ano naman iyon?

Yan kasi, hindi ka "nakikinig" kay Felix kaya hindi mo alam.

EDIT: Nagbell na. Siguro papasok ulit ako mamaya sa second class niya.

4 comments:

Anonymous said...

Ayan ang hindi ko nagets. Ano ang natutunan mo? Hehehehe.

Anonymous said...

Baka dahil "nakinig" ka kay mugalicious. Muhaha

DN said...

aw...sinong mugalicious?

Anonymous said...

Si Felix Muga. Hahaha