Mukhang naover estimate ko yata yung AMC125 LT ko kanina. Minumura-mura pa namin si Mugalicious dahil pinagbawal niya ang aming kodigo tuwing long tests niya. Well, kaya naman pala niya pinagbawal yun kasi maraming tanong na puro tungkol sa mga theorem. 150 points yung long test, 120 points yung multiple choice na 4 points each number, tapos may ajuices na problem solving worth 15 points each. Pero nainis ako sa sarili ko dahil madali na nga, pero feeling ko na mababa lang ang makukuha ko dun. Asar naman kasi eh. Ewan ko. Ang weird ng feeling nang nadadalian ka sa isang test pero hindi mo masagutan yung isang number dahil masyadong obvious. Siguro, hindi lang talaga ako magaling itranslate ang aking ideas to words or to writing. Proving kasi yung pesteng number na yun.
Tapos biruin mong nagpapasanib pa ako sa espirito nina Kuratowski at ni Euler at ni Hamilton?
I don't believe in my own capabilities anymore. I think this is the problem.
Pero ang weird din eh. Wala lang sa akin na hindi ko nakuha yung huling number sa math kanina (pero naiinis ka, pero wala talaga yun), pero ikinahiya ko ang aking sarili nung C lang ang makuha ko sa unang song ko sa DrumMania. Totoo nga palang kinakalawang ang iyong mga skills kapag hindi mo ito napractice ng matagal na panahon. Well, baka naman dahil mas gusto kong maglaro ng DrumMania kaysa pumili ng tamang sagot sa limang pagpipiliian na kung saan "None of The Choices" ang ikalima. Bakit kasi walang "E. God" dun eh, kasi sabi nila, God daw is the answer to everything.
Napagod lang talaga ako today. Well, pagod ako dahil pagod ako kahapon at hindi ako nakarecuperate kagabi kasi naulit na naman yung nakakainis na power-napping-frenzy-after-magising-ng-dis-oras-sa-umaga. Freecut nung CS, pero hindi ako natuwa masyado dahil meron kaming kailangang itanong kay Ma'am Jess at magkakaroon ako ng free time na kung saan maglalaban laban ang aking inner selves kung mag-aaral ba ako o matutulog o kakain ng carbonarang mukhang hindi masarap o kakain ng turong puro wrapper lang at gahinliliit ang saging. Hyperbole yung sa turon ha. Masarap kasi sa turon yung malaki na yung saging, may langka pa (well ganito yung turon nila in some rare occasions).
Medyo natuwa ako kasi nakatiyempo ako ng ordinary bus na walang laman nung pauwi na ako galing Gateway. Ang sarap ng pakiramdam ng hangin sa aking mukha, kasamang lahat ng polusyon sa mga smoke belcher ng Edsa.
Naiyak ako nung binasa kong muli yung post ko kay Tatay kagabi. Buti na lang walang nakakita. Miss ko na talaga siya siguro. Miss ko na sila ni Nanay. Kaya bukas, pupunta akong Loyola upang bumisita at pasalamatan sila kasi alam kong lagi nila akong binabantayan. (They know I've been a bad boy. O syet.) Pupunta din akong Loyola bukas upang sabihin sa kanilang namimiss ko na sila. Iniisip kong tanungin si... ano... kung papayag siyang samahan ako. Namimiss ko na rin kasi siya eh.
Hoy math! Wala ka bang polynomial equation upang masagot ang mga problema kong pilit na kinakalimutan na lang?
Hay. Tired, so tired. Pero ayaw ko pang matulog eh.

3 comments:
hehe. ikwento mo kung natuloy kayo sa sementeryo ah. ^^
Hindi ko siya tinanong at all. I needed to be alone.
Aw. I hope your fine. Hehe. Pareho kayo ng mood ni pinuno. Haaayyzz.
Post a Comment