Eto na naman tayo people. Sort of, pero parang may iba ng kaunti. Hindi ko alam.
Ang saya-saya ko kaninang umaga, kaninang umaga as in pagkatapos ng Sci10. Medyo nahassle ako dahil wala si Erin, eh pag-uusapan pa naman namin sana yung tungkol sa presentation namin tungkol sa potable water next Friday. Ayun nga, pinanood kasi namin ni Amboy yung favorite volleyball class namin. Ang saya-saya rin kasi nila at napakaexciting nung mga rallies. Kasali din kasi yung coach ni Amboy sa PE niya at yung assistant/trainee nung coach. Nakakatuwa kasing panoorin yung mga overhand service na buong katawan yung fumafollow through, yung mga moments of shock tuwing tinatapik lang yung bola papuntang kabila, yung mga "mine" na yours pala ang ibig sabihin, at yung mga tili nila tuwing sumasabit sa net ang bola matapos nilang magdive. Mararamdaman mo talaga yung excitement.
Structured fencing na kami sa PE, at pinili kami ni Ace ni Sir Walter na magfence para maging example kung paano magreferee at maging side judges. "Magaling" daw kasi yung mga practice bouts namin, eh ang totoo nun, petek-petek at enjoy lang kami tuwing nasa kabilang side si Sir Walter ng court. Going back sa structured fencing, hindi kasi kami gagamit nung apparatus na pangfencing, kaya yung "conventional" (hindi daw kasi "primitive") way ang gagawin namin. Ayun, 3-1 in favor of Ace. Yung side judge ko kasi eh, off target hit daw, eh malapit nga yata sa nips ni Ace tumama yung tip ng foil ko. Well anyway, masaya din yung fencing kanina at hindi ako napagod ng sobra.
Math. As usual. Naglaro na lang ako ng Age of War sa addictinggames. Nakakatuwa dahil inipon ko lang yung pera ko at gumawa ng apat na pinakamalakas na turret. Hindi na ako nabawasan nung kalaban. Tapos nag-ipon lang ako ng $300,000 para sa dalawang ultimate soldier. Dedz si enemy.
Nagpunta muna ako sa lab kasi sarado pa yung OAA. Hindi ko alam kung saan ako magseservice hours dahil walang nakalagay sa labas. Matapos matulog ng 30 minutes, nagpunta na ako sa OAA kung saan maraming tao. Sa some office daw sa Bellarmine, pero hindi na pala kailangan so sa OSCI na lang ako pinapunta. At doon nga, sinulat ko ang mga pangalan nung mga magjiJEEP sa kanilang mga time in/time out chuvs cards na hindi ko alam ang use. Tagasulat lang ako ng pangalan. Pinagkamalan kasi akong front desk attendant na trabaho ni Kuya Raffy kasi pinatabi niya ako sa kanya.
Bumalik ako sa lab matapos ang dalawang oras. Pwede naman akong umuwi na lang, pero nagdesisyon akong magpunta sa lab. Nakakahiya kasi sa iba kong kagrupo na maglalab pala ngayon na hindi ko alam. Dahil tungkol sa printer port at programming yung itinuro, hindi ako masyadong nakinig dahil hindi iyon ang trabaho at parte sa project namin, at medyo nahihilo ako. Matapos kaming pinakawalan ni Sir Calasanz sa group huddle, umalis na yung iba, habang natulog ako dahil nga nahihilo ako. [Naantala dahil tinutulungan ko si Melody Kay sa play namin sa Hi16]
Pinili kong bumalik doon. Pinili ko.
Nagising na lang ako na may note sa aking harapan na bantayan ko raw ang gamit ng isa naming blockmate na nagpaadvise lang sa DISCS office. Paano naman babantayan ng taong daig pa ang mantika kung magtulog ang isang laptop?
Akala ko, hindi na ako mag-isang kakain sa Jollibee.
Ayaw ko nang matulog. Pero kailangan. Kailangan. Gusto ko sana kung matutulog ako, masaya ang aking mararamdaman sa aking paggising, at kung hindi, mas gugustuhin kong huwag nang magising pa. Sa mundo ng aking mga panaginip, maaaring mangyari, maganap, at madama ang kahit na anong bagay nang walang kahit na anong problemang mabubuo.
Sana man lang, nagising ako sa takdang oras para hindi na naman ako nabaon sa lungkot. Sana man lang ginising ko ang sarili ko. At dahil diyan, naiintindihan ko na ang damdamin ng iba. Alam ko na. Kung mali ang aking pagkakaintindi, sabihin mo sa akin dahil kung hindi, wala na.
Kumain na lang ako ng Ice Craze sa Jollibee. Ang lamig, ang tamis, ang sarap.
Sumabit ako sa jeepney kanina pauwi. Napakagaan ng pakiramdam ng hangin na humahampas sa iyong mukha at sinisira ang ayos ng buhok mo, kung meron man itong ayos. Parang nakasakay ako sa Da Qiao Airlines. Haha.